Bakas na bakas sa mukha ni Liza ang kilig nang sabihan siya ni Leo na huwag na itong mag-ayos dahil maganda na ito sa kanyang paningin. Kahit na biro lang iyon para sa kanya ay totoo ang lahat ng sinabi ng kasintahan. Nang papalapit na sila sa condo nila Leo ay muling nakaramdam ng mabilis na pagkabog ng dibdib si Liza. Marahil ay nahihiya ito kung sino man ang makakita sa kanila roon. Ngayon pa lang kasi naranasan ni Liza na dalhin siya sa bahay ng lalaki. Pabilis nang pabilis ang t***k ng kanyang puso habang papalapit sila nang papalapit sa condo. Napabuntong-hininga na lang si Liza ng ibuwelta na ni Leo ang manibela papasok ng parking lot ng condo. "This is it!" bulong ni Liza sa sarili. Bago bumaba si Leo ng kotse para pagbuksan sana ng pinto si Liza ay bigla na lang itong pinigila

