Kinabukasan ay maagang nagising si Manang Linda at si Sophia. Maaga rin silang nakapag-almusal at pagkatapos ni Sophia makapag-almusal ay nilinis muna nito ang kanyang motor. Samantalang, habang naglilinis siya si Manang Linda naman ay abala rin sa kusina. Dahil sa pareho silang abala ay hindi na nila namamalayan ang pagtunog ng telepono. Ilang beses na itong nagriring pero ni isa kina Manang Linda at Sophia ay walang nakakarinig. At nang naulinigan na ni Manang Linda ang tunog ng telepono ay saka naman ito nawala. Napakunot tuloy ng noo si Manang Linda dahil bigla naman nawala ang tumatawag sa kabilang linya. Kaya bumalik na lang ulit ito sa kusina. Ilang hakbang pa lang siya papuntang kusina ay bigla namang tumunog ang telepono at sa pagkakataon na iyon ay tinakbo na ni Manang Linda an

