Nang makaalis si Leo ay kaagad ng bumalik si Liza sa kanyang silid. Pero ng akmang papasok na siya sa kanyang kwarto ay bigla itong napabalikwas dahil sa malakas na pagtili ng kanyang kaibigan. Kaya nilapitan niya ito at tinakpan ang bibig nito. "Loisa, huwag ka ngang maingay diyan! Baka marinig ka ng ibang kasama natin dito," inis na sabi nito saka niya inalis ang kanyang kamay sa bibig ng kaibigan nito. "Ito naman masama bang kiligin? Sana kasi nagsara kayo ng pinto kanina para walang istorbo." Saka niya pinisil ang pisngi ni Liza hanggang sa mamula ito. "Loko ka pala, ano? Alam mo naman na nandito na ang iba nating kasama. Baka kung ano pa ang isipin ng mga iyon sa amin," ani Liza pero halatang kinikilig rin ito habang nagsasalita. "Ah, basta! Kinikilig pa rin ako, Liza!" "Pumasok

