"Ito naman tinatanong ka ng maayos kaya kung pwede ay sumagot ka ng maayos," ani Liza na halatang nainis sa naging tugon ni Sophia sa sinabi nito. "Biro lang. Oo, okay lang. Masaya naman ako para sa iyo. Basta ba hindi ka niya sasaktan. Ayokong tatawag ka sa akin at ibabalita mo na nag-aaway kayo ni Leo o nagkatampuhan kayo dahil may nalaman ka. Ayokong-ayoko na makikita kang umiiyak. Kilala mo naman ako. Madaling mag-init ang ulo ko kapag may nakikita akong umiiyak lalo na at malapit sa akin ang taong umiiyak. Kung wala namang magiging problema sa inyong dalawa ni Leo, edi push mo iyan at magiging okay na rin ako." Sophia smiled kahit na alam niyang hindi naman ito nakikita ni Liza. "O, paano iyon lang ba? Call me again if you need anything, okay?" dugtong pa nito. "Thank you, friend! A

