Hindi na namalayan ni Sophia na nakatulog na pala siya sa sofa. Hindi na muna siya pumasok ng kwarto para makapagpahinga ng maayos ang ina. Habang hinihintay niyang mag-umaga ay iniisip na nito kung paano mahihiram ang kotse kay Elsie. Binabalak na lang niya itong puntahan para makausap ng personal. Mahaba pa ang gabi kaya naisip na muna niyang umidlip. At nang sumilip na ang araw ay hindi pa ito bumabangon sa sofa. Hanggat sa nakita na siya ng kanyang ina kaya ginising siya nito. "Hija, bakit naman diyan ka natulog? Pumasok ka na muna sa kwarto mo para makaunat ka ng maigi," sabi ng ina na awang-awa sa anak. "Mom, anong oras na po ba?" tanong nito habang pupungas-pungas ng kanyang mga mata. "Almost eight in the morning na anak. And why?" tanong ng ina sa kanya. Nang marinig ang oras n

