Nang makabalik sa sala ang ina ay muli nitong kinausap ang anak. "Maupo ka nga muna. Ipaliwanag mo nga sa akin ang lahat ng mga pinagsasabi mo at hindi ko maintindihan," saad ng ina nang makalapit ito sa kanya. "Kasi nga po may kaibigan ako na kailangan ng tulong," aniya na nakatitig sa ina. "T-tulong? So, you mean to say kailangan niya ng driver?" anito na nakakunot ang noo. "Mom! Grabe ka naman driver talaga? Gusto ko kasi siya samahan mag-ayos ng mga kakailanganin niya sa pag-alis pabalik ng Singapore. Buntis yung tao nakakahabag naman po kung pasasakayin ko na lang siya ng bus mag-isa. Mali po ba ako, Mom? Gusto ko lang naman po makatulong sa isang kaibigan. Iyon lang po kasi ang naiisip ko na paraan para makatulong sa kanya." Pagpapaliwanag nito saka lumapit sa ina at sumandig sa

