Habang nagtatawanan sina Sophia at Edgar ay biglang napabalikwas si Sophia ng may narinig siyang nagsalita sa kanyang likuran. Napalunok muna ito saka niya hinarap ang taong nagsalita. "Sophia!" "Uy, ikaw pala! Akala ko naman kung sino na! Nagulat ako roon, ah! Saan ka ba galing at hindi kita nadatnan dito kanina?" tanong niya sa isa niyang kasama sa bar counter. "Inutusan kasi ako ni Sir Cortez. Oo nga pala, nasabi na ba sa iyo ni Sir Cortez?" "Ang alin?" duda na tanong ni Sophia habang nakakunot ang noo. "Iyong tungkol sa inventory. Alam mo ba iyon? Wala naman kasing binigay sa akin si Sir Rey bago siya nag day-off. Paano kaya iyon, Sophia? Baka tanungin na naman ako ni Sir Cortez mamaya." "Sige, ako na lang ang magsasabi sa kanya mamaya. Para kay Sir Rey niya itanong ang inventor

