Chapter 23

1234 Words

“Manang Linda, kanina pa po siguro kayo nandyan, ano?” tanong nito sa matanda. “Hindi nga! Kadarating ko lang sinabi, eh!” Pero ang totoo ay kanina pa niya pinagmamasdan ang palakad-lakad na alaga at gustong-gusto na niyang lapitan ito. Habang pinagmamasdan niya ito ay may gusto na itong itanong sa kanya. Ayaw lang niyang abalahin ang pag sesenti nito. Hihintayin na lang niya na kusang lumapit ito sa kanya at kusang humingi ng tulong. Kahit nahihilo na siyang pagmasdan ang alaga dahil sa walang tigil nitong paglakad sa sala ay hihintayin pa rin niya itong lumapit sa kanya. Napaisip siyang bigla kung patatagalin pa niya ang gusto niyang sabihin kay Sophia ay baka umalis na naman ito ng hindi man lang niya napapayuhan ng tama. Kaya siya na mismo ang tumawag dito para makausap ito ng matino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD