Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na si Sophia kay Zoe. Naisip niyang hindi na muna umuwi at pumunta muna sa isang kaibigan. Tatawagan na sana niya si Leo at yayayaing uminom kaso nagpaalam nga pala ito sa kanya kailan lang na aalis ito at matatagalan ang balik. Hindi naman siya pwedeng pumunta sa cafe bar dahil hindi pa tapos ang suspension niya. Kaya imbes na sumakay ng jeep ay naisip niyang maglakad na lang para pampaalis bagot na rin. Kahit halos ang haba na ng nilakad niya at hindi nito pansin ang pagod. Habang naglalakad ito ay may naaaninag siyang kakilala niya na paparating. Hindi nga lang niya maalala ang pangalan pero tiyak siyang kilala niya ito. Malapit na ito sa kanya ng maalala niya kung sino ito. "E-Elsie?" Pautal na tanong niya dito. "Yes? Do I know you?" mataray n

