Nang makaalis ang dalawang babae na nag-usisa sa kanya ay nag desisyon siyang habulin si Leo. Alam niyang mali ang ginawa niya sa kaibigan kaya naisip niyang kausapin sana ito. Pero huli na ang lahat nakasakay na ito ng jeep. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan. "Sophia, kaya mo iyan. Ikaw na ang unang mag-approach, tutal ikaw naman ang may kasalanan," sabi niya sa sarili. Pero bigo siyang makausap ito. Napatingin siya sa kanyang smart watch at nakita niya na maaga pa para pumasok. Kaya naisipan muna niyang magpunta sa mall. Habang nag-aabang ng masasakyang taxi papunta sa mall ay naisip niyang bilhan ng regalo si Liza pagbalik nito ng Maynila. Hindi nagtagal ay may napadaan na taxi sa kanyang harapan. Pinara na niya kaagad ito bago pa siya maunahan ng iba. Habang sa loob ng t

