Marami nang dugo ang nawala sa kanya mula sa mga sugat na tinamo mula kay Nicandros. At ang malalim na sugat mula sa traydor na pinsan ay sapat na upang tuluyang manghina si Alia.
Unti-unting siyang napahandusay sa lupa habang dahan-dahang bumabalik sa anyong tao. Sa nanlalabong paningin ay nakita niyang palapit na si Nicandros, nakahanda ang mahahaba at matutulis na pangil upang ibaon sa leeg niya. She knew that in this physicalcondition, she couldn’t fight him anymore.
Inilipat niya ang luhaang mga mata sa mga Malakat na abala sa pakikipaglaban. She saw how her own pack transformed into a new breed of warriors. They could match the strength and fighting abilities of their enemies. Samakatuwid ay hindi na ang Spirit Keepers ang pinakamahinang uri ng taong lobo sa bansang ito pagkatapos ng mga seremonyang naganap kanina.
Alia smiled at the sight of her own achievement. Hindi nasayang ang kanyang sakripisyo. Mamatay man siya ngayon, maaalala naman ng lahat ng kanyang kalahi ang kadakilaan niya.
At higit sa lahat, hindi niya binigo ang kanyang mga magulang.
Nicandros was now in front of her. He growled as a sign of victory. Pagkuwa’y hinawakan ang magkabila niyang balikat upang ibaon ang sariling pangil na magiging marka ng pagmamay-ari nito sa kanya. Once his fangs buried under her skin, she would no longer free to love and have s*x with other man.
Ipinikit na lang ni Alia ang sariling mga mata. Hindi na niya kayang lumaban pa. Kung puwede nga lang mamatay na siya sa mga oras na ito.
But no. Nicandros would not kill her. He would be happier to see her own sufferings by being his lifetime mate and by witnessing how he would ruthlessly lead her own pack.
Hindi sana ito mangyayari kung hindi dahil sa traydor niyang pinsan. Pagkatapos ng trahedyang ito at kung mabubuhay pa siya, isinusumpa niyang pagbabayarin niya si Lucine Ilustrisimo.
That wench would pay for this. Big time.
Ngunit sa halip na ang pagbaon ng mga pangil ni Nicandros ang magpagulat sa kanya ay ang malakas na kalabog ang pumukaw sa kanyang kamalayan na kanina lang ay unti-unti nang tumatakas.
Nang iminulat niya ang sariling mga mata ay nakita niya ang isang malaking bulto na buong bangis na nakikipaglaban sa mga nakaharang na Demoncrest Hunters. Medyo madilim sa bahaging iyon pero nahulaan niya na patungo sa direksyon nila ang bagong dating.
Ilang Demoncrest Hunters ang tumilapon sa oras na mapadikit sila sa malaking bulto. Maging si Hugo Alvaro na iniwan si Marika sa gitna ng laban upang pigilan ito ay walang nagawa. Ito man ay humagis din nang tamaan nang malakas na suntok ng dayuhan.
Nawala sa kanya ang atensyon ni Nicandros at sa halip ay napatuon sa pakialamerong bagong dating. Ngunit bago nakaporma ang lalaki ay singbilis ng kidlat na sumugod na ang dayuhan sa kinaroroonan nila. Isang malakas na tadyak ang nagpahagis kay Nicandros na labis nitong ikinagulat. Maging siya ay hindi makapaniwala sa taglay na lakas at liksi nito. Pagkatapos noon ay mabilis siyang hinawakan ng malaking bulto sa baywang at binitbit. Nang sumugod ang napakaraming Demoncrest Hunters kabilang sina Nicandros at Hugo ay biglang umangat ang mga paa nito sa lupa. Sa isang iglap ay lumutang sila sa ere at lumipad palayo sa lugar na iyon. Maging si Marika at Deva na nagtangkang humabol sa kanila ay walang nagawa.
That was the last scene Alia’s hazy eyes could witness. Tuluyan na siyang tinakasan ng malay dahil sa pagod at sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Tahimik lang na minamasdan ni Athan Danilov ang nahihimbing na magandang babae sa kama ng kanyang guest room. Nalinis na ang mga sugat nito at nalagyan na rin ng gamot sa tulong ng kanyang live out maid na si Nadia.
He decided not to bring the woman to the hospital since he knew that she was a werewolf. Samakatuwid ay may kakayahan ito na papaghilumin ang sariling sugat. Sa kaso ng babae, alam niyang medyo matatagalan ang paggaling nito dahil sa dami at lalim ng mga tinamong pinsala. But she would eventually heal. He should know dahil ang bayan niya sa Romania ay pinamumugaran din ng iba’t ibang klase ng mga werewolf. He also witnessed several werewolf fights. Pero kahit kailan ay hindi siya sumali sa away ng mga ito. Except now…
Habang pinapanood niya ang paglalaban ng mga taong lobo kanina ay nakita niya kung gaano kahusay lumaban ang babaeng nasa harapan niya ngayon habang nasa anyong lobo ito. Kung hindi nga lang sa pagtraydor ng isang kauri rito ay mukhang malayong matalo ito ng kalaban.
When he saw her helplessly lying on the grass and almost breathless few hours ago, hindi na niya napigilan ang sariling makisali upang mailigtas ito. Hindi niya ugaling makisali sa away ng iba lalo na ng ibang lahi, pero may kung ano’ng kapangyarihan ang nag-utos sa kanya na tulungan ang magandang babae.
At ngayon nga na mas maliwanag niyang nabibistahan ang maamong mukha nito ay nagtataka siya sa sarili.
He could have seen this woman somewhere else. Hindi nga lang niya maalala kung saan at kailan.
Hindi niya nakagawiang humingi ng tulong kanino man lalo na at emosyon ang nakataya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang tawagan si Propesor Duncan Dmitru ngayon mismo.
“What? You brought with you a wounded woman from a fight? Right there in your house?” gulat na sabi ni Duncan pagkatapos niyang sabihin ang dahilan ng kanyang pagtawag. Alam niyang abala rin ang kapwa Mystical Vampire sa pagtupad nito sa sariling misyon kung kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang sabihin ang gumugulo sa isipan niya ngayon.
“Wala akong mapagdadalahan sa kanya, Propesor. Mas manganganib siya kung sa isang ospital ko siya dinala dahil alam kong doon siya agad hahanapin ng kanyang mga kaaway,” depensa niya sa tila nakakalokong sinabi ni Duncan.
“You didn’t get what I mean,” mahinang tumawa si Duncan. “Ang ibig kong sabihin ay, since when did you gain compassion to any one else? Kilala kita, Athan Danilov, bilang isa sa pinakamahusay kong mga estudyante. Ikaw na yata ang pinakamalamig at pinakamadamot na bampirang nakilala ko pagdating sa pagtulong sa nangangailangan. Ano’ng nakain mo at bigla ka yatang bumait sa mga tao?”
“Dating tao ang mga ninuno ko, Propesor,” medyo inis na tugon niya. “Kung hindi lang sa sumpa ng diyosang si Hecate, namumuhay sana ako ngayon bilang isang simple at ordinaryong tao.”
“Pareho lang tayo, Athan,” pakli ni Duncan. “But had not for vampirism that runs in our veins, we could be old or dead already considering our real age. Pero tingnan mo ang pisikal na itsura nating dalawa? Sino ang makakapagsabing ikaw ay mahigit limampung taon na at ako naman ay mahigit isang daang taon na? We both look young, handsome and physically fit.”
Athan just heaved a sigh. “Propesor, sa lahat ng Mystical Vampire na kilala ko, ikaw lang yata ang tila natutuwa at nakaka-appreciate ng pagiging bampira natin?” may himig pang-iinsulto na tanong niya.
“Of course not. Don’t get me wrong, Athan. Kung totoo ang sinasabi mo, wala sana ako sa bansang ito ngayon at sa halip ay sumama na pauwi sa ating mga kalahi sa Wallachia. Pero ano ang pinili ko? Naririto ako sa maliit na bansang ito sa paghahanap sa babaylan na nabuhay pa noong ikalawang digmaang pandaigdig. She must be more or less 100 years old already. Ni hindi ko alam kung buhay pa siya at kung saan ako magsisimulang maghanap sa kanya. Para akong namamana nito sa dilim.”
Siya naman ang natawa sa sinabi ng kausap. “Pareho lang tayong nahihirapan, Propesor. Ako man ay hindi ko alam kung saan hahanapin ang Zatara. Ilang araw at gabi na akong naglilibot sa iba’t ibang bayan, ni katiting na palatandaan ng kinaroroonan ng mahiwagang espada na iyon ay wala akong napapala.”
Biglang napabulalas ng pagkagulat si Duncan sa kabilang linya. “Did I hear it right? Araw at gabi kang naglilibot sa iba’t ibang bayan?”
“Na siya namang dapat kong gawin upang makita ang Zatara, hindi ba?”
“Ang ibig mong sabihin ay nakatatagal ka sa liwanag at sikat ng araw? Na imposible para sa Mystical Vampire na katulad natin.”
Athan was silent for a moment. He, too, was amazed with some strange changes to himself these past few days. Nakatatagal na siya sa sikat ng araw nang hindi naaagnas o napapaso man lang ang balat. Bagay na ikinatuwa niya dahil kahit papaano ay naranasan niyang maging normal na tao katulad ng inaasam ng bawat Mystical Vampire na kauri niya.
At iyon ay nagsimula lamang nang painumin siya ng isang mahiwagang babae ng sarili nitong dugo noong halos mamatay na siya pagkatapos lubhang masugatan nang nakalaban nila ni Draven Gualtieri ang grupo ng mga Demonic Vampire sa pamumuno ni Braedan Voldova.
Since then, he promised to find that mysterious woman who saved him from the brink of death. There was something in that stranger that made him endure many sleepless nights. There could be an important reason why she gave her own blood to him to drink.
Hindi sinasadyang napasulyap siyang muli sa babaeng mahimbing na natutulog sa kama. Parang may kung ano’ng kumislap sa isip niya nang mapagmasdan ang napakaamong mukha nito.
Hindi kaya ang mahiwagang babae na nagligtas sa kanya mula sa tiyak na kamatayan at ang Alpha Female na iniligtas naman niya ilang oras lang ang nakalilipas ay iisa? Malabo na sa memorya niya ang itsura ng babaeng nagligtas sa kanya noon dahil nga sa naghihingalo na siya, pero may alam siyang palatandaan upang muli niya itong makilala.
Her kiss. Hinding-hindi niya makakalimutan ang bango at lambot ng mga labi ng mahiwagang babae noong hinalikan siya nito bago siya pinainom ng sarili nitong dugo.
Kung ganoon ay kailangang mahalikan niya ang natutulog na babae upang makasiguro siya sa kanyang hinala. He swallowed many times while gaping at the woman in her deep slumber.
She was, indeed, very beautiful.
Hanggang unti-unting mawala sa isip niya ang pagdududa sa totoo nitong katauhan. Napalitan iyon ng bago at kakaibang pakiramdam.
And that intricate feeling was coming directly from the lower part of his body.
From that huge thing slowly hardening under his pants right now.