Alia blinked her eyes several times. Kanina pa siya gising ngunit mas minabuti niyang pakiramdaman muna ang sarili maging ang paligid. She couldn’t believe that she was still alive. Sa dami ng dugong nawala sa kanya dulot nang malalim na sugat na nilikha nang mahahaba at matatalim na mga kuko ni Lucine na bumaon sa kanyang tadyang ay nakapagtatakang nakaligtas pa siya.
Nagtataka man ay muli niyang iginala ang mga mata sa marangya at magandang silid na kinalalagyan niya. Her heart was devastated in desperation. She could be dead right now. Maaaring ang maaliwalas na lugar na ito ay ang espesyal na lugar na inilaan ng kanilang diyosa na si Mayari sa isang alpha na katulad niya.
But her thoughts suddenly changed when she felt excruciating pain all over her body when she tried to move. Ang masasakit na mga buto at kalamnan, gayundin ang makirot na mga sugat ang malinaw na palatandaan na hindi nagtagumpay ang mga alagad ng kasamaan na patayin siya.
Upang malinawan ay sinikap niyang balikan ang mga huling pangyayari bago siya tuluyang nawalan ng ulirat. She was severely beaten and wounded by Nicandros when she refused to perform the blood vow during the wedding ceremony. An insult that no alpha male could take. But she could clearly remember that she did a magnificent fight against the leader of the Demoncrest Hunters. She could have won had not Lucine interfered.
Ngunit biglang dumating ang isang estranghero mula kung saan at buong tapang na iniligtas siya mula sa mga kaaway. Utang niya sa nilalang iyon ang kanyang buhay.
Kung bakit kasi nawalan siya ng malay noong nagsimula na silang umangat mula sa lupa. Nawalan tuloy siya ng pagkakataon na makilala ang kanyang mahiwagang tagapagligtas at nang sa ganoon ay nakapagpasalamat man lang siya.
Nang tinanggal niya ang kumot mula sa pagkakatakip sa kanyang katawan nang tinangka niyang bumangon ay ganoon na lang ang gulat niya. Malinis ang buong katawan at may benda at gamot ang mga sugat niya. And what surprised her more was that she was wearing a silk pink night gown. Pero paanong nangyari iyon? She knew that she was always in her usual nakedness after her every transformation. Sino naman ang matiyagang naglinis, gumamot ng mga sugat at nagbihis sa kanya?
She slightly jerked when someone pushed the door. She saw a middle aged woman standing behind it. May kapandakan ito, morena ang kutis ngunit maaliwalas naman ang mukha. “Gising ka na pala, miss. Magandang umaga,” masiglang bati, hawak ng dalawang kamay ang isang food tray. Diretsong pumasok ito sa loob ng silid at ipinatong ang dalang tray sa night table. Agad kumalam ang sikmura niya pagkakita sa pagkain.
“Umaga na? Kung ganoon ay ilang oras na pala ako dito?” Nagtatakang tanong niya.
Ngumiti lang ang babae at nagpakilala. “Ako nga pala si Nadia. Nagtatrabaho ako rito bilang live out maid. Iniuwi ka ng amo ko kagabi. Walang malay at sugatan. Ako ang naglinis ng mga sugat at nagbihis sa iyo.”
“G-ganoon ba? S-salamat, Nadia. Tawagin mo na lang akong Alia.” Unti-unting napanatag ang loob niya nang maramdamang mabait naman ang babaeng kausap niya.
“Ipinaghanda kita ng almusal. Inihanda ko na rin ang pampaligo mo. Namili na rin ako ng mga damit at ibang gamit mo, sang-ayon sa utos ng aking amo,” mabait na sabi ni Nadia.
“N-nasaan siya? Maaari ko ba siyang makilala upang makapagpasalamat na rin ako sa kanya?”
“Kanina pa siya umalis, Alia. May mahalaga raw siyang lalakarin. Ibinilin lang niya sa akin na asikasuhin kita at ibigay ang lahat ng kailangan mo. Ipinasasabi rin niya sa iyo na hindi ka raw puwedeng umalis ng bahay na ito hanggang hindi pa siya dumarating.”
Bahagyang naumid si Alia. Mukhang may pagka-dominante pala ang tagapagligtas niya. Pero hindi naman mahirap sundin ang gusto nito. Sa ngayon ay wala pa naman talaga siyang balak umalis dahil mahina pa siya at alam niyang siguradong hinahanap siya ni Nicandros. Isa pa ay nais din niyang makilala ang mahiwagang savior niya. Alam niyang hindi ito pangkaraniwang tao base sa mga galaw nito kagabi.
But she knew that she couldn’t stay here for long. Kailangan niyang malaman kung ano na ang nangyari sa mga Spirit Keeper na naiwan niya sa Monteluce Resort lalong-lalo na si Marika at Deva. At upang magawa niya iyon ay kailangan niyang gumaling at magpalakas agad kung kaya inabot niya ang tray ng pagkain mula sa kinapapatungan nito saka nagsimulang kumain.
Pritong itlog, longganisa, sinangag na kanin, isang pirasong saging at orange juice ang inihanda ni Nadia. Hindi na masama para sa isang gutom na gutom na katulad niya.
“What do you think, Propesor?” tanong ni Athan sa lalaking katabi habang hindi inaalis ang tingin sa monitor ng cctv. Mula roon ay napapanood nila ang magandang babae na nilalantakan ang mga pagkaing dinala ni Nadia.
“Now I know why you helped her and brought here in your house,” maagap na tugon ni Duncan Dmitru. Mabilis na inilipat niya ang mga mata rito. Tumatango-tango pa ito habang hinihimas ang sariling baba. Nagpapasalamat siya at pinaunlakan nito ang anyaya niya na sumaglit sa kanyang bahay upang makita at kilatisin ang babaeng iniligtas nya kagabi.
He gazed at Duncan for few seconds. Wala pa ring ipinagbabago ang mga pisikal na katangian nito. No one would say that he was already more than a century old. Taglay pa rin nito ang predominant Dacian-Roman ancestry like his dark hair, dark eyes and square jaw. Taliwas namann sa kanya na mas nakalalamang ang pagkakaroon ng Slavic ancestry katulad ng kanyang blonde hair, slightly curly hair and green eyes.
Pero ang kakisigan ni Duncan ay madalas itinatago nang makapal na bonnet na bumabalot sa buong ulo at mukha nito gayundin nang maitim na shades, mahabang black coat at hand gloves. Wala ni kapirasong balat ang nakalabas dahil sa pagiging sensitibo nito sa sikat ng araw.
Pareho lang sila ni Duncan noon na hindi makalabas ng bahay nang hindi nababalot ang buong katawan maliban na lang kung gabi dahil ang kaunting sikat ng araw ay sapat na upang mabulag o mapaso ang kanilang balat. Pero dahil nga sa dugo ng mahiwagang babae na ipinainom nito sa kanya ilang linggo lang ang nakakaraan, para siyang biglang naging normal na tao na puwedeng masikatan ng araw habang taglay pa rin ang mga pambihirang kakayahan ng isang bampira.
And he regard it as an advantage lalo na at nauubos na ang panahon niya sa paghahanap sa Zatara.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” sunod na tanong niya, hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin sa babae. Patuloy pa rin ito sa pagkain.
“It’s not compassion which compelled you to save her, but it’s her undeniable charm. You are attracted to her, aren’t you?”
He cracked up. “Of course not. What made you think that way? Kilala mo ako, Propesor. I was never attracted to any woman except with…”
“Astrid?” putol ni Duncan sa sasabihin niya. “But that was a long, long time ago. Siguro naman ay panahon na para kalimutan mo na ang kung ano man ang naramdaman mo sa kanya dati. Isa pa, maligaya na siya ngayon sa piling ni Armand Mondragon.”
“Propesor, don’t get me wrong,” naiiling na sabi niya. “I am no longer in love with Astrid. Matagal ko nang ibinaon sa limot ang pagkabigo ko sa kanya. Maging ang tumingin at magmahal sa ibang babae ay kinalimutan ko na rin. Wala ng ibang mas mahalaga sa akin ngayon kungdi ang aking misyon, ang hanapin at angkinin ang espadang tatapos sa lahat ng bathala sa buong sansinukob, ang Zatara.”
“Iyon lang?” tila may lamang tanong ni Duncan.
“Iyon lang,” tugon niya. “Bakit meron pa bang iba?”
A sarcastic smile flashed on the face of Duncan. “Athan Danilov, I know you as an ambitious asshole. Your military ambition aspiration changed you to become overly insensitive and selfish. Hahanapin at kukunin mo ang Zatara dahil alam mong ang Zatara ang magdadala sa iyo patungo sa minimithi ng iyong puso.”
‘And what is it?” namamalik-matang tanong niya sa Propesor.
‘The highest position in our army. The seat of Dameon Montazr, the Grand Commander of the Mystical vampires.”
Hindi napigilan ni Athan ang matawa. “Ang buong akala ko ay isa ka lang mahusay na guro at mananaliksik, Propesor. Manghuhula ka rin pala.”
“At isang matinik na manghuhula?” natatawa ring tanong ni Duncan.
“Masama bang mag-ambisyon?” Biglang nagseryoso ang kanyang mukha. “Siguro naman ay hindi masamang hangarin ko ang posisyon ni Dameon Montzr lalo na at ilang taon na rin itong bakante. Kung tutuusin ay ginampanan ko na ang tungkuling iniwan niya at walang sino man sa ating coven ang makapagsasabing hindi ko ito nagawa nang buong husay.”
Duncan showed his agreement by nodding his head. “Pero sa kabila noon ay hindi pa rin ito ipanagkakaloob ng ating konseho sa iyos kabila ng hiling ng iba nating kalahi?’
“Dahil kay Silverio Gualtieri. Alam nating kaibigang matalik niya si Dameon. At proprotetahan niya ang interes ng kanyang kaibigan kahit walang katiyakan kung babalik pa o makababalik pa si Dameon mula sa impyerno.”
“Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig,” naiiling na sabi ni Duncan. Akalain mo, iniwan niya ang kanyang tungkulin bilang Grand Commander ng ating army para lamang hanapin at iligtas si Allondra sa iba’t ibang panahon at pagkakataon.”
Athan smiled at the thought of the fateless woman that was abducted by the god of the underworld. “Iyan ang hinding-hindi ko gagawin. I will never abandon my duty just because of a woman.”
“Sabihin mo iyan kapag nakilala mo na ang babaeng magpapatibok muli ng iyong puso,” pang-aasar sa kanya ni Duncan.
“Tigilan mo na ang pang-aasar sa akin, Propesor. Ikaw na ang nagsabi, hindi ba? Na kilala mo ako bilang estudyante mo? Pinaninindigan at kaya kong panindigan ang lahat ng sinasabi ko. Isa pa, I can never be swept away by my emotions lalo na kung ito ay usaping pampuso. Yes, I may fall in love again but I am determined to use my head when it comes to important decisions.”
“Alright, I rest my case.” Itinaas pa ni Duncan ang dalawang kamay tanda ng pagsuko saka humakbang paurong tanda ng pamamaalam. “I will stop annoying you. And will you also stop calling me ‘professor’? You are no longer my student. And we are already equal in this place. Walang guro at walang estudyante sa ating dalawa dahil pareho lang tayong alipin. Alipin ng misyong iniatang sa ating mga balikat,” may bahid lungkot sa tinig ng propesor sa huling mga salitang binigkas.
Alam ni Athan ang pakiramdam na iyon lalo ngayon na halos nawawalan na siya ng pag-asang matatagpuan pa ang Zatara. “Salamat sa pagdalaw, Pro…este, Duncan. Balitaan mo ako tungkol sa Dominicus, kung meron man.”
“Makakaasa ka, kaibigan,” sabi ni Duncan habang isinusuot muli ang hinubad na bonnet, pagkatapos ay isinunod naman ang hand gloves. Bago isuot ang hawak na shades ay muli itong tumingin sa kanya. “Just be careful with her.” Alam ni Athan na ang tinutukoy ng kaharap ay ang babae sa kabilang silid. “She’s a werewolf and an enemy of our kind. Her bite is fatal to vampires like us. Huwag mong kalilimutan ang palagi kong sinasabi sa iyo noon, beautiful creatures can be dangerous also.” Iyon lang at tuloy-tuloy nang lumabas ng kanyang silid ang Propesor.
Naiiling na itinutok niyang muli ang mga mata sa monitor. Abala pa rin sa pagkain ang babae habang nakikipag-usap kay Nadia.
He heaved a weary sigh. The woman was indeed, beautiful, and dangerous, too. He witnessed how he fought in her werewolf transformation. Aminado siya na maging siya ay mukhang mahihirapang makalaban ito.