“Wala ka pa rin bang balita kay Alia, Marika?” nag-aalalang tanong ni Deva. Marika threw a quick glance to Deva. Alam niyang iyon na naman ang itatanong ni Deva sa pagpunta nito sa kanyang bungalow na nasa loob ng Villa Luciana kasama ang hindi bababa sa sampung miyembro ng kanilang pack. Bilang beta ng Spirit Keepers, isang maayos na bahay ang inilaan ng mga Ilustrisimo para sa kanya. Dito siya isinilang at nabuhay, at ipinangako niyang dito na rin siya mamamatay. Malalim at mahaba na ang pinagsamahan ng kanyang pamilya at ng pamilya Ilustrisimo. Ang kanyang ina ang naging tagapag-alaga ni Milena mula ng sanggol pa ito. Ang kanyang ama naman ay isang mahusay na mandirigma ng kanilang pack at inialay pa ang sariling buhay upang protektahan ang naunang alpha, ang

