“Sino ba talaga ang amo mo? Bakit ayaw mong sabihin sa akin kahit ang pangalan niya?” pangungulit ni Alia habang nag-aalmusal. Narito sila ngayon ni Nadia sa dining area ng bahay. Dahil medyo malakas na siya at tanging ang sugat na lang sa tagiliran ang hinihintay maghilom nang tuluyan ay malaya na siyang nakakagala sa loob ng bahay maging sa malawak na bakuran. Ika-limang araw na niya sa bahay na ito. May kalakihan ang bahay na iyon na nakatayo sa isang lote na malayo sa kabayanan. Meron itong ikalawang palapag na siyang kinaroroonan ng apat na malalaking silid. Ang isa sa mga iyon ay inookupa niya at ang isa naman ay ina-assume niyang ginagamit ng may-ari. Sa mga kuwento ni Nadia ay nalaman niya na isa itong abandonadong bahay-bakasyunan dati na nabili ng isang mayamang lal

