CHAPTER 2 Lucine Ilustrisimo

1007 Words
Gumawa ng ingay ang pagpasok ni Alia sa napakalawak na function hall. Bawat isa, lalaki man o babae, bata man o matanda mula sa dalawang angkan ng mga Malakat ay nagpahayag ng paghanga sa kanyang taglay na kagandahan, except, of course, Lucine Ilustrisimo, her first cousin and  rival.             Alam niyang noon pa siya itinuturing ni Lucine na  isang karibal, hindi lang sa posisyon bilang Alpha Female ng kanilang clan kungdi maging sa puso ni Nicandros. Idagdag pa ang katotohanang siya ang nagpapatakbo ng business empire ng kanilang pamilya. Siya lang naman ang  CEO ng Ilustrisimo Group of Companies sa buong bansa. Bagay na lalong nagpapasidhi ng galit at inggit ni Lucine sa kanya kahit pa sabihing magkadugo silang dalawa.             Nang nasa gitna na siya ng hall ay pasimpleng lumapit sa kanya ang pinsan, ang isang kamay ay may hawak na kopita na may lamang mamahaling alak. Maganda rin ito at mataas ang pinag-aralan. Iyon nga lang, nilalamon ng panibugho ang puso nito at buong pagkatao.             “Congratulations in advance, my cousin,” sarkastikong bati nito, nakangiti ngunit mababanaag ang  pagkasuklam sa mga mata.             “Salamat,” sinuklian niya ang pekeng ngiti ng pinsan. Tuloy ang mabagal na paghakbang niya patungo sa altar kung saan naghihintay si Nicandros at ang Elder Shaman na magkakasal sa kanilang dalawa.             “It seems that you are not happy, my cousin? This is your wedding day.”             “Marrying a man who doesn’t exist even in her dreams would not make any woman happy. You know what I mean…” makahulugang tugon niya.             “So, isang malaking kalokohan ang kasalang ito?” nagngingitngit na bulong ni Lucine.             “Alam mo iyan noon pa,” pakli niya tuloy pa rin ang paghakbang.             “Isa kang baliw, Alia. Puwede namang hindi mo siya pakasalan.”             “At sino ang magpapakasal sa kanya? Ikaw?” nakakainsultong tanong niya. “Gayong kapwa natin alam na hindi ka tatanggapin ni Nicandros bilang kanyang ‘luna’.”             “Dahil ba sa kadahilanang hindi ako isang alpha?”             “Sinagot mo na ang tanong mo, my dear cousin.” She smiled shortly.             Anger registered on the face of Lucine in an instant. Alam na alam ni Alia kung paano pababangunin ang galit sa dibdib ng pinsan. At iyon ay ang ipamukha rito ang katayuan nito sa kanilang angkan.             “I could be one had not because of your selfishness. Isa rin akong Ilustrisimo. May karapatan din ako sa pinakamataas na posisyon sa ating pamilya. You can relinquish the crown if you want to.”             “But you are not a descendant of an alpha. Paano iyan tatanggapin ng  ating buong angkan?” buong pagmamalaking sabi niya.             “Pero hindi ka pure blooded. Isa ka lang hybrid dahil isang tao ang ama mo. Mas mataas pa rin ang uri ko kaysa sa iyo dahil parehong Malakat ang mga magulang ko. At ang katibayan ay nasa apelyido mong Hidalgo na ang ibig sabihin ay “a man of lower nobility,” gigil na bulong ni Lucine, halata ang pagpipigil nito.                            “Does it matter? My mother was an Alpha Female. I earned this position through  bloodline. And don’t you dare insult my father. You do not know how much he sacrificed just to save our clan from the enemies who attacked Villa Luciana few hours  before I was born.. ”             “I can also be an alpha if I want, too,” may pagmamalaking sabi ni Lucine.             “Right. That is if you can defeat me in a duel,” tila nakakalokong sambot niya. “But I am one hundred per cent sure that your lame ass will not challenge me because you know how I fight. Your envious eyes witnessed it several times.”             Lucine deliberately shut her mouth. Alam niyang alam nito ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. May lakas at liksi siya na hindi pangkaraniwan sa isang Spirit Keeper na katulad niya. Hindi ba’t ilang Malakat na mula sa angkan ng kanilang mga kaaway ang napatay na  niya? Ganoon din ang ilang miyembro ng kanilang clan  na naglakas-loob na agawin sa kaniya ang pagiging alpha sa pamamagitan ng paghamon sa kaniyang kakayahan?             “Should I thank Marika for making me a good warrior?’ she added sarcastically. Kasunod noon ay lihim siyang napangiti. Muntik na niyang naidugtong ang isa pang tanong “Or should I thank the moon goddess Mayari for putting this moonlight amulet inside my body?”             But of course, walang dapat makaalam ng lihim niyang iyon, maliban sa hilot na si Deva at sa kanyang beta na si Marika.             “Ang yabang mo, Alia. Baka akala mo,  lahat ng araw ay papabor sa iyo?”parang batang nagmaktol si Lucine. “Makahahanap ka rin ng katapat.”             “At kapag nangyari iyon, hindi pa rin ikaw ang papalit sa akin bilang pinuno ng ating angkan. Nariyan pa si Marika, ang pinili ng aking ina bilang aking beta. You are only third in command, Lucine. I’m sorry to say that.”             “I can form a new pack, baka nakakalimutan mo?”             “Of course, I know. Kumusta naman ang mga taksil mong kaalyado? Baka alam mo ay hindi ko alam na may itinayo kang grupo na ang layunin ay mapataksil ako sa puwesto?”             Sukat sa kanyang sinabi ay biglang natigilan si Lucine. “Hindi ka lang pala mayabang, paranoid ka pa,” pagkakaila ng babae.             “Lumayo ka na, Lucine. Naaabala ako. Naghihintay sa akin ang lalaking inaasam-asam mo pero ako naman ang gusto.” Lalo pa niyang dinagdagan ang ikinagagalit ng pinsan.             Nagngingitngit na humakbang  palayo sa kanya si Lucine ngunit nag-iwan ito ng isang banta.             “Humanda ka, Alia Hidalgo. Isang araw ay magugulat ka na lang kapag naagaw ko na sa iyo si Nicandros at ang pamumuno sa ating angkan.”             Lihim na natawa si Alia sa narinig. Iyong pag-agaw kay Nicandros ay ayos lang sa kanya, pero ang pag-agaw sa kanyang pagiging alpha ay hinding-hindi mangyayari.             Over her dead body.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD