CHAPTER 1 Alia Ilustrisimo Hidalgo

1389 Words
Seventeen years later…            Wearing an expensive and elegant bridal gown, Alia Ilustrisimo Hidalgo  scanned the surroundings of  Monteluce Island  Resort Hotel. It was a five star luxury resort hotel in the heart of  El Nido, Palawan owned by Nicandros Aragon Rivero, a thirty-five year old most sought after bachelor in the country, billionaire, famous but extremely dangerous.             Sa napakagandang lugar na ito nakatakdang gawin ang unang hakbang para sa mystical unification ceremony na isang tradisyon para sa kanilang mga Malakat, pure blooded man o hybrid. Labag sa kalooban niya ang gagawin ngunit dahil sa kaugalian nilang mga taong-lobo ang pagpapakasal ng dalawang alpha upang mapagsanib ang kani-kanilang mga kakayahan, pikit-matang pakakasalan niya ang pinuno ng Demoncrest Hunters, si Nicandros Rivero de Aragon.             Hindi pa man ay para nang unti-unting pinapatay ang pakiramdam niya lalo na ang masulyapan sa di kalayuan si Nicandros. Napapaligiran ito ng mga miyembro ng sariling angkan na may mataas na uri o ranggo kabilang ang sariling beta na si Hugo Alvaro. Ang mga ordinaryong miyembro naman ay tahimik na nakaupo sa isang lugar na inilaanpara sa mga ito, bakas ang pagkasabik sa sisimulang seremonya. Nauna na ring dumating doon ang mga miyembro ng sarili niyang angkan, ang  Spirit Keepers kabilang ang kaniyang pinsang buo, si Lucine Ilustrisimo.             Mula sa mga bisita ay biglang sumulpot si Marika at nagmamadaling lumapit sa kanya, bakas ang pag-aalala sa mukha. Halos kasing-edad ito ng namayapa niyang ina ngunit bakas pa rin dito ang taglay na kagandahan. Nanatili itong dalaga upang magampanan ang tungkuling iniatang dito ng kanyang ina bilang isang beta. Matiyaga siya nitong inalagaan at sinanay sa pakikidigma at sa pamumuno sa kanilang angkan. Ilang pasaway na Malakat ang nagtangkang agawin ang trono mula sa kanya noong bata pa siya pero dahil sa mahusay na pagtatanggol dito ni Marika ay nangabigo ang lahat ng mga iyon. “I thought you would not come, Alia. Nahuli ka ng ilang minuto. Kanina pa naghihintay ang lahat,” bulong nito.             “I shouldn’t be here, Marika. Kung hindi lamang sa ating tradisyon, I will not marry Nicandros, you know that,” mabigat ang loob na tugon ni Alia sa kausap.             “This is just a marriage for convenience, Alia,” mahinang sabi ni Marika habang nagpapalinga-linga sa takot na may makarinig sa usapan nila.             “I know. But our marriage will require the two of us to live as husband and wife. Just the thought of sleeping in his bed makes me sick.”             “I’m sorry, Alia. I know how much you despise that man. But as our alpha female, you have an obligation to our clan. After this ceremony, our members will never be the same again. Magsasanib ang kapangyarihan ninyong dalawa ni Nicandros. Pamumunuan ninyong dalawa ang ating mga lahi. Hindi na tatawaging pinakamahina ang Spirit Keepers sa lahat ng angkan ng mga Malakat sa buong Pilipinas. At higit sa lahat, ang inaasam nating lakas ay mapapasaatin na.”             “Kung paanong ang liksi nating mga Spirit Keeper at talas ng aking mga pakiramdam ay aangkinin naman ng mga hunghang na iyan.” Namumuhing sinulyapan ni Alia ang grupo ni Nicandros.             “We can’t do anything about it, Alia. Iyan ang layunin ng mystical unification ceremony na ito, hindi ba? Kailangan nating makalikha ng mga bagong mandirigma na taglay ang lahat ng abilidad sa pakikipaglaban tulad ng lakas, liksi at matalas na pakiramdam. We need to evolve and produce a stronger pack, or else, all of us will vanish upon the coming of The Great Demon.”             “Evolved werewolves,” pabulong niyang sabi. “Ang kapangyarihang minimithi ng mga Demoncrest Hunter. Hindi lang ang mga abilidad na nabanggit mo ang makukuha ng lahat ng naririto pagkatapos ng seremonya ng aming kasal. Idagdag mo pa ang pagkakaroon ng bawat isa ng kakayahang makontrol ang  wolf transformation na isa mga natatanging kakayahan ng katulad  kong hybrid.”             Itinuloy ni Marika ang kanyang sinasabi. “Na ang ibig sabihin ay puwede tayong mag-transform kung kailan natin gusto lalo na kung nahaharap tayo sa isang digmaaan. Hindi na tayo ordinaryong taong-lobo na aasa lamang sa bawat pagbilog ng buwan upang magamit ng lubusan ang ating mga kakayahan.”             “Pero hindi ibig sabihin noon ay kalilimutan ko nang mortal nating kaaway ang angkan ni Nicandros dahil sa kasalanan nila sa ating mga Spirit Keeper.”             “But you have to,” pakli ni Marika. “Ilang sandali pa ay tatanghalin ka nang ‘luna’ pagkatapos ng inyong pag-iisang dibdib.”             “Our moon goddess knows how much I hate it. If I only have a choice…”             “I’m sorry, Alia,” malungkot na sabi ni Marika. “Wala akong magawa bilang beta at matalik na kaibigan mo.”             “Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, Marika. Ang pag-aalaga ninyo sa akin ni Deva mula pagkabata ay sapat na upang hindi na ako maghangad pa ng kung ano man mula sa inyong dalawa.”             “Pero kabilang kami ni Deva sa mga shaman na humikayat sa iyo na pakasalan ang pinuno ng mga Demoncrest Hunter.             “For the sake of a noble cause. But I can reject him, if I want to,” matalim na sinulyapan ni Alia si Nicandros.             “Which I doubt,” a bitter smile flashed on the face of Marika. “I know how much you love our clan. Minana mo mula sa iyong inang si Milena ang pamumuno sa ating angkan.  Forsaking our clan will mean betrayal to the memories of your beloved mother.”              “My marriage will be pure political. Malayong-malayo sa inaasam kong pakikipag-isang dibdib sa lalaking mamahalin ko sana.”             “Na tila malayong mangyari sa dahilang hindi pa siya dumarating hanggang ngayon.”             “Alam kong alam mo na naririto na siya, Marika. We met once, you know that.”             “I know. Pero ang tanong, natatandaan ka ba o naaalala man lang niya?”             “Absolutely. I made sure that he will remember me and he will find me. Hahanapin niya ako, Marika.  O baka nga hinahanap na niya ako sa mga sandaling ito upang sagipin mula sa impiyernong  kalalagyan ko oras na  maikasal ako kay Nicandros.”             “He will find you because of Zatara, not because of anything else, Alia. Kapwa natin alam na ang Zatara ang kanyang misyon. And taking Zatara from you will mean your death. You must not forget that.”             “I saved his life. If not for my blood running in his veins now, he could be dead.”             “He is a vampire, Alia. They don’t have compassion. I doubt if they have a sense of gratitude like werewolves do.”             “He’s different, Marika. The moment I looked in his eyes, I know, he is not a typical vampire we used to be afraid of.”             “Vampires are our enemy,” pakli ni Marika.  “They knew that our venom can kill them that’s why they also hunt us. That Vampire we are talking about is no different.”             Makahulugang tumitig si Alia sa kanyang beta. “Sinabi ko nang ‘iba’ siya, Marika.  Are you questioning my ability in detecting who is the enemy or not?”             “I’m sorry, Alia,” bahagyang kumalma si Marika nang mahalata ang pagtataas niya ng boses.  “Pero ipagpaumanhin mo kung sabihin ko ito.  I did not question your command to help those vampires during their worst fight few weeks ago, maging nang magpasya kang ipainom sa kanya ang sarili mong dugo upang iligtas siya sa tiyak na kamatayan. Pero ang hintayin siya upang iligtas ka sa pagpapakasal kay Nicandros ay hindi ko na kayang maunawaan.”             “Because only that Vampire can match the strength and cunningness of Nicandros.”             “Maybe yes. Pero paano natin haharapin ang Great Demon na nakatakdang umahon mula sa impiyerno? Huwag mong sabihing tutulungan pa rin tayo ng bampirang iyon?”             “In exchange of Zatara, I believe he will.”             “In exchange of your life?”             “Ano’ng problema, Marika? Lahat ng nilalang sa mundong ito  ay nakatakdang mamatay. Kung mamamatay ako kapalit ng kalayaan natin mula sa mga kaaway ay malugod kong tatanggapin.”             “Ipagpaumanhin mo, pero sa tingin ko ay may mas matindi kang dahilan kung bakit hangang ngayon ay hinihintay mo ang pagdating ng bampirang iyon, Alia.”             “And what is it?”             “Gusto mo siya. O mas higit pa sa pagkagusto. Tama ba ako?”             Alia shut her mouth. May kakaibang kakayahan si Marika na bumasa ng isip ng kausap base sa mga salita at kilos. Arguing with her beta would become useless.             Or was she really that transparent? Ipinagkakanulo ba ng kaniyang mga kilos at pangungusap ang totoong nararamdaman niya para sa isang bampira?             The gorgeous Vampire who gave her may sleepless nights.             Si Athan Danilov…              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD