Chapter 7: Graduation

921 Words
Air’s POV Aerithea Reagan Coleman from the People’s Network is now reporting! Char!  Ngayon ang araw ng graduation nila Isla at Blue kaya wala dito sa bahay yung bwisita namin at umuwi na muna sa kanila. Naliligo na din si Isla ngayon kasi maaga ko syang ginising dahil wala din naman syang choice kesa naman mag-martsa sya mag-isa mamaya. Pagkalabas nya ng banyo ay salubong ang mga kilay nya marahil ay antok na antok pa sya, nakabihis na kaming lahat sya nalang ang hinihintay, suot na nya ang royal blue na solinarry chain shoulder straps midi dress na galing kay Tita Esther na sa Canada nakatira, nagsuot din sya ng isang black stiletto, kinulot ko ng konti ang buhok nya kaya from straight ay wavy na ito ngayon. I applied light make-up to her. Nang matapos na ang lahat sa pagpe-prepare sakto ay dumating na din si Tito George sakanya sasabay si Isla. Sa SUV nila Tito Aldus ay kami nila Tita Eve, Lola Espher at Rhythm ang magkakasama habang sa sarili naman nilang SUV sasakay sina Tita Eda, Tito Evan at ang kambal. Hindi makakapunta sina Nanay kaya bibisita nalang daw sila dito sa isang araw.  Nagfile ako ng isang buwan na leave sa opisina na agad din namang na-aprubahan kasi hindi ko rin naman masyadong nagagamit yung leave ko kaya naipon nalang saka malakas kasi ako sa boss namin kasi parang tatay na ang turing ko sakanya. Nang makarating kami dito sa university nila Isla ay wala pa masyadong tao medyo maaga pa kasi kaya ganun. Si Blue ay naghihintay sa amin sa may entrance banda nasa loob na daw ang parents nya na si Tito Sven at Tita Erithia. Nagmano sya kaagad kina Tita at Tito pati na din kay Lola tapos ay nagyakapan naman sila ni Isla, may dala na syang kape para sa bestfriend nya dahil alam nyang antukin si Isla hindi ko naman sinabi na hindi ako antukin mas antukin pa ako kaysa kay Isla ang pinagkaiba nga lang namin maaga akong nagigising samantalang sya naman ay palaging ginigising. Minsan talaga mas kilala pa namin ni Blue si Isla kaysa sa sarili nya dahil syempre bestfriend nya si Blue tapos bestfriend cousin naman nya ako.  Fast forward. Kanina pa nagsimula ang program nasa may likod na upuan sina Tito George, Tito Sven, Tito Evan at Tito Aldus habang sina Lola Espher, Tita Eda, Tita eve at Tita Erithia. Habang magkatabi naman kami ni Rhythm. Sina Isla at Blue ay magkatabi din eh ang alam ko alphabetical diba? Pano kaya inuto ng mga to mga prof nila? Maya-maya ay isa-isa nang tinawag ang mga ka-batchmate nila Isla pero ang nakapagtataka ay hindi pa tinatawag si Blue eh Adkins ang apelyido nya letter ‘A’ , letter ‘H’ na pero di padin tinatawag si Isla. What the f**k is going on? Yung dalawa naman na ga-graduate ay patuloy lang sa pagku-kwentuhan na parang walang nangyare. Maya-maya pa ay tinawag na si Isla, “Isla Celestine Greene, Summa c*m Laude!”, “Rozend Blue Adkins, Magna c*m Laude!” kaya pala hindi sila tinawag kanina at kaya pala pinayagan sila kahit na hindi sila sumunod sa alphabetical order ng seating arrangement dahil may pasabog palang ganito! Nilingon ng dalawang bugok na magkaibigan ang mga magulang nila na ngayon ay nakatayo na pero gulat padin saka nila kami nilingon ulit para kindatan. Angas. Friendship goals! Kung nagtataka kayo kung bakit wala yung nanay ni Isla.. Matagal nang patay si Tita Aethiopia siguro mga 18 years ago na din. Bale 2 years old palang si Isla nung mawalan sya ng nanay. Biktima si Tita A ng pagsabog hindi na napanagot ang may sala dahil aksidente lang naman ang nangyare ayon sa mga nag-imbestiga. Hindi na namin natagpuan ang bangkay nya marahil ay lumubog na sa malalim na parte ng karagatan. May search and rescue team din naman na kumilos para hanapin si Tita A buhay man ito o patay na pero bigo din silang mahanap ito. Pagkatapos ng graduation ay dumiretso na kami sa Dusit Thani Hotel dahil don nagpa-reserve sina Tito George. Ngayon lang ako ulit nakakain sa fine dining dahil madalas ay tinatamad ako kaya nagpapa-deliver nalang ako sa condo ko  May inorder din na cake si Tita Erithia dahil nga pare-pareho kaming nasurprise na laude pala sina Isla at Blue kaya ayun. Doon talaga kami dapat magdidinner sa bahay ng mga Adkins kaya nga lang ay dahil eat-all-you-can ang in-avail nila Tita ay busog na busog na kami sayang nga lang at hindi kam nakapagdala ng ziplock ni Rhythm. Kausap nila ngayon si Amethyst, "I'm so proud of you guys, deserve nyo yung awards nyo. Proud na proud ako sayo love kahit sa totoo lang hindi ko talaga expected. Finally, mapupuntahan mo na din ako dito. I'm sorry guys if I couldn't make it to your graduation. Oo nga pala Isla, I have already sent my gift to you at sayo naman love, ako na ang pinaka magandang regalo sayo kaya wag ka na mag-expect. Joke lang! I bought you tons of ferrero. I'm so glad na after ng hardships nyo ay nandito na kayo ngayon, kahit magkalayo tayo Blue hindi naging hadlang yun para hindi mo pagbutihan. God is good talaga. Anyway, I really have to sleep maaga pa ang pasok ko. Send pics pala bukas ha, I'll call you again tomorrow! Regards to everyone, love you all!" masayang sabi ni Amethyst kahit pa halatang pagod sya ay napakaganda nya padin. Nasaan ang hustisya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD