Isla’s POV
Nagising ako dahil sa pagri-ring ng phone ko, tumatawag pala si Dad. Baka ipapaalala lang na birthday nya ngayon. “Good morning Dad, kamusta po kayo?” bungad ko sa tatay ko, “Hello anak, your dad’s doing well. Oo nga pala, I'll be having a party tonight here at our mansion. I'm hoping you’d come. Meron ka na ding dress dito tapos may mga nakausap na din akong hair and make-up artist. I also invited Blue, pati ang mga Tita mo na-invite ko na din. Our family driver will fetch you alam mo naman ang number. Just let him know when you’re ready, okay? Love you anak!” sabi sakin ni Dad at bago pa ako makapag-protesta ay ibinaba na nya ang tawag. Wala naman akong choice kundi ang pumunta dahil mahirap suyuin si Dad kapag nagtatampo kaya pupunta nalang ako tutal andun naman pala si Blue sina Tita daw ay hindi makakasama may mga aasikasuhin daw kasi sila sa Batangas saka may maliit na salo-salo din kami next week para kay daddy.
Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-almusal ay tinawagan ko na si Mang Nestor ayoko nga magpasundo kasi kaya ko naman mag-commute kaso hindi rin naman papayag si Dad kaya ayun. Tinawagan na ako ni Blue kanina na magkita nalang daw kami doon sa party.
Fast forward.
Nang makarating ako sa mansion ay sinalubong ako kaagad ni Dad akala ko nga may pa-red carpet pa dahil ngayon nalang ulit ako tumapak sa lugar na to, kasama nya ang wicked stepmother kong si Ursula na bakas na bakas sa mukha ang pekeng ngiti syempre buong pagkatao nga nya peke ngiti nya pa kaya? I didn’t have the chance to have a wonderful childhood because of her pero hindi na uubra sakin ang mga pangil nya ngayon.
Dumiretso na ako doon sa kwarto kung saan ako aayusan, naabutan ko pa ang pamangkin ni Ursula na si Bethany na agad akong tinaasan ng kilay na para bang akala mo kilala na nya ang buong pagkatao ko.
“Look who’s back, ang rebeldeng anak na walang magandang nai-ambag sa buhay ng tatay nya!” saad nya saka sarkastikong ngumiti, “Oh may ambagan pala di ko alam!” pamimilosopo ko, “Yan! Dyan ka magaling sa mga pang-kantong pananalita wala ka manlang class kahit na kaunti ewan ko ba naman kay Tito George kung bakit ka pa pinapunta dito eh hindi ka naman kailangan dito dahil nandito naman ako!” sabi nya saka umirap, “Magaling ako sa maraming bagay, Bethany. Pero hindi ko na iisa-isahin sayo dahil wala ka namang kwentang kausap. This is my house, darling. I can come here whenever I want. Madaming beses mang mapalitan ni Dad ang asawa nya pero hindi ang nag-iisa nyang anak, itatak mo yan sa utak mo kung meron ka man. Thank you for the nice chat it wasn’t nice to see you again dahil hindi ka naman masyadong nakakaganda ng buhay!” sabi ko sakanya sabay flip ng hair, “Wag mo akong susubukan, Isla dahil wala ka pa namang napapatunayan. You’re not even worthy to be called a Greene!” nang-gagalaiting sabi nya, “Unang-una wala akong kailangang patunayan sayo dahil..sino ka ba? At sinong karapat-dapat tawaging Greene,ikaw? Green-minded pwede pa. You’ll never be a Greene, honey. Dream on!” sabi ko sakanya saka sya nginisian at tumayo na din ako kaagad dahil masasayang ang energy ko sa pakikipag-talo sakanya wala akong mapapala sa pakikipag-usap sa mga narrow-minded na kagaya nya.
Nakasalubong ko si Blue nang lumabas ako ng kwartong iyon he’s wearing a gray tuxedo and slacks, maayos din ang buhok nya ngayon. “Oh napano ka? Okay ka lang?” tanong nya sakin saka ako marahang hinawakan sa may bandang siko at hinila palapit sakanya. “Okay lang naman andun kasi si Bethany eh alam mo na dami nanamang sinabi kala mo naman kinaganda nya yon!” sabi ko sakanya saka muling umirap, “Sayang dapat pala pumunta ko kaagad para napanood ko yon hahaha. Tara na nga don sa baba baka mabadtrip ka sayang naman ayos mo ngayon” natatawang sabi nya sakin saka ako inakay pababa ng hagdan.
I am wearing a knee-length midnight blue tulle dress with an off-shoulder sleeve along with a 3-inch black stiletto and a black purse. My hair is in a braided crown style.
The motif of the party is silver, black & gold. Madami din ang dumalo, nagda-datingan palang ang iba nang magsimula ang party. May mga kilalang personalidad din ang nandito ngayong gabi nanga-ngalay na ako kakangiti at mapupudpod na din ang mga pisnge ko kakabeso sa mga bisita mukhang hindi nila kilala si Bethany kahit pa ilang beses nang lumapit ito sa kanila. Mukhang kahit na ang tagal na simula noong umalis ako dito ay kilalang-kilala padin ako ng mga tao. Palihim kong nginisian si Bethany na ngayon ay nagpupuyos na ito sa galit.Si Blue naman ay nasa tabi ko at pinanonood ang pagdating ng mga bisita titignan lang daw nya kung merong mas gwapo sakanya.
Kasalukuyan kaming nagtatawanan ni Blue nang tumikhim si Dad na nasa likod na pala namin ngayon may kasama syang dalawang lalake yung isa ay kasing edad lang din ni Dad at yung isa naman ay isang lalakeng pamilyar sa amin ni Blue. Nagka-tingina nalang kami ni Blue palagay ko ay kagaya ko ay nagulat din sya.
“Pareng Fred, meet my unica hija, Isla Celestine and her bestfriend Blue Adkins” pagpapakilala ni dad sa amin ni Blue naguguluhan man ay bumeso at nakipag-kamay padin kami ni Blue sa kanilang dalawa.
Nang makaalis si Dad at Tito Fred ay naiwan ang lalake kasama namin nasa tabi ko na sya ngayon at napapagitnaan nila ako ngayon ni Blue. “Hi, anong course mo?”
tanong sakin ng lalake, “Uhh.. Business Ad, Management” sagot ko at pilit na ngumiti, “Anong mga hobbies mo?” tanong nya ulit, “Hmm depende sa mood mahilig kasi akong matulog eh haha pero nagpe-paint ako pero kadalasan nagbabasa lang ako ng libro pero pag weekends kasi nagmo-movie marathon kami depende din sa trip namin nitong bestfriend ko” sagot ko sakanya saka naman sya tumango-tango. Nang lingunin ko si Blue ay pinanonood nya pala kaming mag-usap nung lalake base sa paraan ng pagkakatitig nya ay tinitignan nya kung anong pakay ng lalake. Madami pa kaming napag-usapan nung lalake at masasabi kong okay naman syang kausap yun nga lang puro pang slambook ang tinatanong nya at hindi rin sila masyadong nag-uusap ni Blue pero gayunpaman ay hindi umalis ang kaibigan ko kahit na nagmukha lang syang dekorasyon sa lamesa namin.
It was refreshing to meet someone who’s a bit different from those people who I encounter every day. Ang ganda ng mga mata nya ang sarap titigan kahit na nakakaduling halata mong nakikinig talaga sya dahil ibinibigay nya sayo ang buong atensyon nya paminsan-minsan ay ngumingiti din sya. Hindi ko akalain na ang gabing ito ay isa sa mga araw na babalikan ko hanggang sa pumuti na ang lahat ng buhok ko. Nagliliwanag ang ka-gwapuhan nya sa gabing ito kaya hindi sya mahirap bigyan ng pansin.
That night ended well, iyong estranghero na ilang gabi nang ginugulo ang utak ko. He finally has a name now. He is Frazzer Sky Dawson. He is a licensed engineer but he is more than his title. Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero, may naramdaman akong sense of familiarity na para bang nakilala ko na sya noon pa pero ngayon ko lang sya nakita at nakilala, like how’s that even possible right? Baka kaka-kape ko lang to saka kakabasa ng detective at fantasy stories kaya naghalo-halo na lahat sa utak ko haynako makapag-pahinga na nga it’s not like I’d probably see him again and so what if I did? Come on Isla gather your thoughts some other day. Your bed looks appealing, don’t you think? Kaya kesa mag-isip ka ng kung ano-ano ay matulog ka na para mapaaga ang attendance mosa dreamland ang ma-very good ka naman ni Dream Goddess at ni Blue bukas dahil minsan ka lang mawalan ng eyebags.