Blue’s POV
Late na kaming nakarating ni Isla sa school dahil napasarap ang tulog ko sa kwarto ni Rhythm napuyat din kami sa kakalaro , gwapo lang ako hindi perfect okay? Akmang papalabas na ng bahay si Isla para siguro magcommute na nang hatakin ko ang earphone nya para ipaalam na gising na ako inilingan nya lang ako nang makita nya ako. Habang nasa sasakyan kami ni Isla papuntang school ay tumawag si Amethyst para kamustahin kami ni Isla miss na miss na daw nya ang Pilipinas kung nasaan ang taong pinakamamahal nya na itago nalang natin sa pangalang ‘Rozend Blue Adkins’ hahahaha!
The day after tomorrow ay gaganapin na ang sports fest namin sa university. Ako ang captain ng basketball team naming mga estudyante ng Business Ad at kung kaninong team ang mananalo sila ang makikipag-laban sa ibang university kaya naman puspusan ang training namin ngayon. Huling taon ko na din kasi dito ngayon lalo at graduating na din ako kaya ayun. Ganun talaga eh hindi lang dapat basta pogi lang dapat may laro ka din at syempre ang ever supportive kong bestfriend ay pupunta daw sa practice game namin para suportahan ako makikiusap nalang daw sya sa isa naming ka-blockmate na makipag-palitan sakanya sa pagbabantay ng food booth namin.
10 minutes before the practice game ay preskong pumasok si Isla sa boys’ locker room para tignan kung ayos na ako saka sinabing galingan ko dahil manonood sila ni Amethyst tatawagan nya daw ang girlfriend ko through video call.
Isla’s POV
Nang magsimula ang game ay kaagad na nakapuntos si Blue kaya ganon nalang ang tili namin ni Amethyst kahit na practice game palang to at kahit na ilang beses na akong nakapanood ng laro nya ay naghahalo-halo ang excitement at kaba. Ilang buwan ko na ding inihanda ang lalamunan ko para sa katakot-takot na tilian sa mismong game day. Habang naglalaro sila ay napadako ang tingin ko sa bleacher na katapat ng inuupuan ko, napukaw ang tingin ko sa ilang hindi pamilyar na lalake sa palagay ko ay outsider sya dahil ngayon ko lang sya nakita dito may mga kasama syang mga lalake na dito din nag-aaral sa university at base sa tawanan nila ay nasisiguro kong magka-kaibigan sila. Bago ko pa maibalik ang tanong ko sa mga manlalaro ay naramdaman ko ang paninitig ng isa sa kanila. Weird pero para akong nahulog sa paraan ng pagkakatitig nya sakin.
Pagkatapos ng practice game ay hindi naman na bago sakin na nanalo ang kaibigan kong hambog pero saglit ko munang pinagmasdan ang lalake sa katapat na bleacher, “Huy, ano san tayo kakain? Huy, Isla!” sabi sa akin ni Blue na hindi ko na namalayang nasa tabi ko na at naiayos na din pala nya ang mga gamit nya. Grabe ganon katagal ako nakatitig sa lalakeng yon? “Anong nangyayare sayo? Sino bang tinitignan mo dyan?” pang-uusisa nya sakin, “Wala napatingin lang ako tara kain nalang tayo!” pagpapatay-malisya ko na mukhang sinakyan naman nya dahil hindi na sya nagtanong hanggang sa ihatid nya ako sa bahay.
Rhythm’s POV
Maaga akong kinatok ni Ate Isla sa kwarto ko ngayon daw ang laro nila Kuya Blue sinabi ko kasi sakanya nung nakaraan na gusto kong manood kaya eto at nag-aagahan na kami I am wearing a limited edition Lakers jersey paired with a maong ripped jeans and a black nike shoes, Ate Isla is wearing a white morena tribe shirt the Ideologie Studio tucked in a denim short paired with a Louis Vuitton belt and her favorite pair of black Vans sneakers and a black small Guess backpack.
Fast forward.
Nag-commute kami ni Ate kahit na may kotse naman sya sa bahay at marunong na din naman sya magdrive kakakuha nya lang din ng professional driver’s license nung nakaraan kaya lang ang sabi nya kasi kelangan daw may alam kami sa mga pasikot-sikot dito samin para kahit na wala kaming sasakyan alam namin kung pano pupuntahan. Kapag kasi si Kuya Blue ang kasama nya lagi silang naka-sasakyan except nalang kung may ipapa-gawa dun sa auto ni Kuya o kaya naman sapilitan syang pinag-commute ni Ate. Nang makarating na kami dito sa university nila Ate ay may isang lalakeng sumalubong saamin na may nakalagay na Gomez sa likod ng jersey nya, sya siguro yung kinukwento sakin ni Kuya Blue nung nakaraan na nangungulit kay Ate kaya tahimik kong binantayan ang mga kilos nya “Hi my loves! Sabi ko na nga ba hindi mo din maiiwasan ang charm ko at pupuntahan mo ako dito eh talagang nagpaganda ka pa ah! Ikaw ang pinaka maganda para sakin kaya no need to impress me” preskong sabi ng lalake saka nag ngiting-aso, “Ay charm pala yon? Akala ko body odor eh! Bakit naman kita pupuntahan dito, Blue na ba pangalan mo ngayon? Saka excuse me lang ah, I’m not trying to impress anyone with the way I look, this is what you call self-expression. If you may excuse us, papanoodin pa namin kung paano ka lalampasuhin ng bestfriend ko” pambabara sakanya ni Ate Isla saka ako nilingon hindi agad nakabawi ang lalake kaya tinawanan ko nalang sya saka nilampasan.
Fast forward.
Nasa kalagitnaan na ng game nang magka-initan sina Kuya Blue at yung Gomez kanina nya pa kasi sinasadyang balyahin si Kuya Blue at isang beses nya din itong tinulak pero agad naman ding nakabawi si Kuya at hindi na pinansin ang lalake pero ayaw padin tumigil noong isa. Kanina padin sya madaming violations, maging si Ate Amethyst na kanina pa nanonood ng laro through videocall ay nagagalit na din. Idi-disqualify na sana si Gomez pero sinabihan sila ni Kuya Blue na hayaan nalang at patapos na din naman ang laban. At ayun na nga, tinapos na ni Kuya Blue ang laban sa loob ng ilang minuto ay nalamangan nila ang tourism team ng sampung puntos kaya siguro hindi hinayaan ni Kuya na ma-disqualify si Gomez para sampalin sya ng pagkatalo. Tuwang-tuwa naman sina Ate Isla at Ate Amethyst nang i-announce na talagang panalo ang team ng Business Administration.
Matagal na ding magkaibigan sina Ate Isla at Kuya Blue siguro baby pa ako or bago pa ako pinanganak nasa buhay na sila ng isa’t-isa kaya hindi na din iba si Kuya sa pamilya namin ganon din si Amethyst. Supportive sila sa isa’t-isa noon pa man at si Kuya naman ay protective kay Ate pero never namang nagkaron ng ibang kulay ang pagkakaibigan nila kasi parang kapatid na ang tingin ni Ate Isla kay Kuya Blue. Naging parte na sila ng mahahalagang parte ng buhay ng isa’t-isa, friendship goals kung tawagin kasi minsan halos hindi na umuuwi si Kuya sa bahay nila eh lagi syang nandon kasama namin sa bahay nina Tita Eve at lagi din namin syang kasama pati sa family events pati na din si Ate Amethyst noong bago pa sya lumipad papuntang Australia.
Habang ako naman nakikitira lang din kina Tita Eve, maayos naman kami ng parents ko may tiwala sila sakin kaya hinayaan nila akong tumira malayo sa kanila. Inaayos ko din ang studies ko para hindi masayang ang perang binabayad nila para sa tuition and expenses ko hindi ko din halos nagagalaw ang allowance ko kasi hindi naman ako pinababayaan nila Tita tapos sina Ate Isla naman at Kuya Blue palagi naman ding nanlilibre o kaya naman ay may dalang pagkain kaya hindi na din ako lugi hahahaha.