ANIM

1947 Words
HABANG iniisa-isa ni Sasha ang mga libro na sinasabi ni Daniel na nagulo nito ay may napansin siya. Halos lahat ng mga libro ay tungkol sa literature books ng mga iba't-ibang bansa. May mga libro na pulos plays, poems at novels lang ang laman. Interesado pala sa mga ganitong bagay. Well, kahit ilang beses na siyang naglinis sa unit nito ay marami pa rin siyang napapansin na bago sa lugar.  Nilingon niya ito na kakalabas lang mula sa silid nito na bagong paligo. Sanay na siya at huwag lang ito maglakad ng huba't-hubad. Nag-audition na rin ito sa banda nila at next week ay makakasama na nila ito tumugtog. Mukhang excited naman ito kaya hinayaan na lang niya. Kung anuman ang agenda nito ay wala na rin siyang pakialam. Ang kailangan niya isipin ay ang utang na kailangan bayaran at ang sekretong kailangan itago.  "Sino ang paborito mo'ng poet?" tanong niya at dinampot ang isang libro na pulos poems lang ang laman. She never thought Daniel was into literatures.  Umupo siya sa couch at binuklat ang libro. Umupo ito sa tabi niya.  Naamoy pa nga niya ang aftershave nito.  Hindi na lang niya pinansin dahil medyo sanay na siya. Huwag lang siya hahawakan nito.                                                                                                                    "I really love William Wordsworth. Have you read all his works?"  Tinignan niya ito. "Pamilyar ako sa ilan dahil sa literature class."  "He was known as one of the romantic age poets. He's my favorite actually. You should read his only play, The Borderers, a verse tragedy set during the reign of King Henry III of England. It is brilliant." "How about the 'She Dwelt Among The Untrodden Ways' it is tragic too, right?"  Tumango ito.  "That's my mom favorite poem," ani Daniel sa mababang tinig. May nabanaag siyang lungkot sa mga mata nito nang mabanggit ang ina.  "Tragic siya pero maganda ang meaning ng kada stanza."  Sumandal ito. "Yes. The poem has tragic meaning but it is beautiful piece."  She agreed. Na-topic nila isang beses iyon sa literature na subject nila.  "But tragic ending sometimes has good outcome, right?"  "Like..."  "Oo nga, tragic but it shows love and mystery combined. Every stanza of the poem has deeper meaning like it describing Lucy and the speaker reflects the love he/she has for Lucy. Those kind of love was pure, strong and undeniable. I want that kind of love." Titig na titig ito sa kanya.  "How did you see the beauty from that?" Ramdam niya ang lungkot nito. Umiwas ito nang tingin at tumayo na.  "You was like my Mom... hindi ko alam bakit hindi niya iwan ng tuluyan ang Daddy ko." Nakatingin lang siya sa lalaki.  "My Dad have mistresses, Sasha. I already lost count how many or who the f**k they are. But my mom keeps on forgiving him. Hindi ko maintindihan pero mahal niya talaga ang tatay kong gago."  Now she understand him. Kaya pala ganoon na lang ito nang sinabi na kabit ang mama niya at naninira ng buhay. Nagalit siya dahil sa talim ng pagkakasabi nito pero ngayon ay naiintindihan na niya ang pinaggagalingan ni Daniel.  Hindi niya alam kung bakit pero natagpuan na lang niya ang sarili na inilapit ang sarili at niyakap ito ng mahigpit mula sa likod. "I hate it." Ngayon alam na niya kung tungkol saan ang lungkot na iyon ni Daniel.  "Pero tatay mo pa rin siya..." "Gusto ko lang siya burahin sa buhay ko." Humigpit ang yakap niya nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya alam kung paano pagaanin ang loob nito. "I'd hate him ever since I found out he had a mistress. That he was cheating on my Mom. He is nothing but a lousy father that I wish I never had."     Nalungkot siya para kay Daniel. "Pero kahit bali-baliktarin natin ang mundo ay siya pa rin ang ama mo at anak ka pa rin niya. Hindi natin mababago ang katotohanan na 'yon." Mahinang sabi niya.  "I know... and I hate myself for that..." Napapikit siya. The rage in his voice gives shivered all over her. Ngayon lang siya nakaramdam nang ganoong katindi na galit. Humarap ito sa kanya. "Now I realized why..." makahulugan na sabi nito.  Tila tumalon ang puso niya nang makita na ngumiti ito. Hindi man umabot sa mga mata niya iyon ay at least napangiti niya ito kahit paano. Malaking bagay na rin iyon.  "Our parents are not perfect, Daniel. Tao din sila na nagkakamali at nagkakaroon ng selfish decision. Hindi natin mababago iyon." Dumukwang ito at hinalikan ang noo niya. May kung ano na kumiliti sa sikmura niya. Kumabog ang dibdib niya sa ginawa nito. "You have a big heart, Sasha. Thank you. " Masuyong bulong nito.                  Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nagkakaganito si Daniel. Ang mga nakakainis na ugali nito ay bunga ng mga bagay na pinagdaanan nito. Kailangan lang nito ng isang tao na iintindi at aalalay rito. Despite of all the bad things he had, there is a good man inside him. At siya, willing siya tulungan ito.  And she prayed that someday Daniel will find in his heart to forgive his Dad. After all, he was still his father. May kung ano na dumaang emosyon sa mga mata nito nang tumitig sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano pero sigurado siya na may nagbago sa paraan nang pagtingin nito sa kanya.  Sinapo nito ang mukha niya at dinampian siya ng mabining halik sa labi. Smack lang iyon pero nagdulot iyon nang kung ano na gambala sa loob niya.  *** "MOM, are you drinking again?" mabining tanong ni Daniel nang makita ang anino ng ina sa may bar counter. Madilim ang buong kabahayan at tanging ilaw lang sa counter ang ilaw nito. She was drinking her guts out again. It is all about his father and he wasn't surprised at all.  "Hi Daniel, my boy, how are you?" Nilapitan niya ito at kinuha ang kopita na hawak nito. Tinawagan siya ng kapatid na nasa Maynila nga daw ito. He went to their house in Forbes Park. Alam niya na doon ito didiretso pagkarating ng Maynila. Kung hindi pa siya sinabihan ng kapatid ay hindi niya malalaman.  "You didn't called me. I should pick you up at the airport, Mom."  "You're busy with your studies. Ayoko makaabala sa'yo."  Nakuyom niya ang mga kamay. He made a mistake before. Tinalikuran din niya ito nang mga panahon na kailangan siya ng ina. Lumayo siya para hindi makita ang pagkakatanga nito. Galit siya sa ginagawa nitong pagkakatanga sa sarili.  "You met his new woman. Kaya ka nandito?"  She sighed and smiled knowingly at him.  Siguro ay umalis ito para hindi makita muli ang mga ginagawa na kalokohan ng asawa. "Stop drinking." pakiusap niya.  She once admit in rehab due to her alcohol addiction. Mukhang bumabalik na naman ito sa pagiging lasenggera.  "I love you, Dan. So much anak." Niyakap siya ng ina  at hinilig ang ulo sa dibdib niya. He loved her too. Maybe she wasn't like Kerkie's Mom or stepmom but  she is a good mother to them. She remembered those times when she was attentive to him. Nagbago lang naman ito nang lumaki na siya. Noong unti-unti na niyang nakikita at nalalaman ang lahat sa pamilya nila. They are practically fruit of marriage for convenience because the elders thought it was good on their image. His parents came from two powerful family in their provinces. They will gain so much with that arrangement.  She was in chain for almost twenty-five years of no love marriage. She was deeply hurted and miserable with her marriage. Bakit ba kasi hindi na lang nito iwan? Binuhat na niya ang ina at dinala sa silid nito. Inalis niya ang wedge heels nito at kinumutan ang ina. She was in her fifties but still beautiful and sophisticated.  "You should stop this habit, Mom. Baka dalhin na naman kayo nila Lolo sa rehab."  Hinaplos niya ang buhok nito. Nagmulat ito nang mga mata. "I can't help it, Daniel. It is hurt like hell. I don't understand what is wrong with me. I was faithful to him even I wasn't really in love with him...at first."  "It is okay, Mom. Alester and I were already adults. You should not think about us. Annulled your marriage and you will be fine." Mapag-unawa na sabi niya.  She was been an obedient daughter. Sapat naman na siguro ang mga taong ibinigay niya sa pamilya nito. He wanted her to be happy and to set free on her misery.  Pumikit ito. "If I can I should end it long time ago, Daniel. But I can't."  Isa ito sa rason kung bakit hindi siya malapit sa mga magulang ng ina at ama. Hindi naman talaga siya malapit sa lahat. Mula nang malaman niya ang lahat ay lumayo siya para makaiwas sa lahat ng ito. Hinawakan nito ang kamay niya. "Hold my hand, Daniel until I fell asleep. I hope my insomnia will not strike again this time."  Pinisil niya ang kamay nito. "Sleep, Mom. I'm here with you. Ako 'di ba nga ang paborito mong anak."  He stared at her until she fell asleep. When the right time comes, she will save her from this hellhole. Ipaparamdam din niya sa babae ng ama kung gaano kamiserable ang naging buhay ng ina niya.  *** KANINA pa nga hindi maganda ang pakiramdam ni Sasha dahil tinapos niya kagabi ang ipapasa na project para sa finals nila. Nasa huling semestre na siya at graduation na lang ang aatupagin. Isang oras lang ang naging tulog niya dahil sa pagtapos sa ginawa niya. Hindi naman niya magawa magpaalam pa muli kay Daniel dahil hindi na rin siya pumasok nitong nakaraan pang gabi.  Isang gabi lang kasi ang naging paalam niya. Sa mga pagkakataon na may kailangan naman siya tapusin sa eskuwela ay pinapayagan siya ni Daniel na huwag muna magtrabaho. Kailangan din kasi niya tapusin ang mga requirements niya para maka-graduate. Hinilod muna niya ang sentido bago binuhat ang tray para ihatid sa mga customer ang order ng mga ito. Sanay na siyang ganoon ang routine niya pagkatapos ng klase. Pero hindi nang mga sandali na iyon, parang pagod na pagod na kasi siya. Ayaw naman niya isipin ni Daniel na sinasamantala niya ang kabaitan nito. Kung tutuusin ay pabor na nga sa kanya ang ginagawa para kahit paano ay makabawas sa utang niya. Inihahatid rin naman siya ni Daniel sa tapat ng bahay nila kaya hindi siya namomoblema sa pag-uwe. Nasa Ark's Bar siya at nagta-trabaho.                  "Sasha, ayos ka lang?" tanong ni Toni, kakabalik lang niya sa bar counter para kunin pa ang ibang order ng mga customer. Isa ito sa mga kasamahan niya sa trabaho.                                                    Tumango siya. "Oo, medyo nahihilo lang ako pero ayos lang naman. Kulang lang sa tulog."                                                                                            "Pansin ko nga," puna nito. Tumitig ito sa mga mata niya. "Gusto mo ba muna umidlip? Ako muna papalit sa'yo tutal naman hindi gano'n karami ang customer ngayon. Gisingin na lang kita kapag hindi ko na kaya."                                                                                                                              "Ayos lang talaga ko." Nakangiting garantiya niya sa katrabaho.                                               Napatango na lang ito. "Sige, sabi mo eh."                                                                                                Iniwan na siya ni Toni. Inilagay na ni Alde ang mga in-order sa tray na hawak niya para maihatid na sa mga customer.  "Thanks, Alde." Nakangiting sabi niya bago binuhat ang tray at naglakad na patungo sa isang table doon.  Napahinto siya nang bigla ay pumintik ang sentido niya at nahilo. Namalayan na lang niyang nasanggi siya ng isa sa mga customer na nagsasayaw sa dance floor kaya natapon ang alak at pineapple juice na dala niya. Wala na siyang naintindihan sa mga sumunod na nangyari.  Naulinigan na lang niya ang boses ni Daniel sa kung saan bago tuluyang magdilim ang paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD