NAGTAKLOB si Sasha ng kumot at hinayaan ang sarili matulog pa. Wala siyang pasok ng araw na iyon at ang balak lang ay ipahinga ang sarili. Alas-nuwebe na ng umaga pero wala pa rin siya ganang bumangon. Sa lalong madaling panahon ay dapat na niyang bayaran si Daniel. Baka masiraan siya ng bait kung palagi na lang siya maglilinis sa pad nito na kung ano-ano naman ang nahahawakan at nakikita niya.
Nang marinig niya ang tunog ng cellphone niya na nakalagay sa kung saan parte nga kama niya. Bumangon siya at hinanap kung saan napunta ang cellphone niya na patuloy sa pagtunog. Tinanggal niya ang kumot at sumilip-silip sa ilalim ng mga unan niya. Hihigitin na sana niya ang bedsheet nang makita niya ang cellphone malapit sa paanan niya. Dinampot niya ang aparato at tinignan kung sino ang tumawag sa kanya.
Napasimangot siya nang makita na unregistered number iyon. Malamang sa malamang ay si Daniel ang caller na iyon. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tawag na iyon.
"Hello?"
"Pumunta ka ngayon dito sa Ark's Bar ng nine-thirty. Kapag na-late ka ay dadagdagan ko ang utang mo sa akin." utos nito sa kabilang linya.
Napasinghap siya sa narinig. Wala man lang ito na sinabing "hi-ni-ho" sa kanya. Bigla ay utos na pumunta siya sa Bar na hindi naman niya alam kung saang lupalop niya matatagpuan. Sumilip siya sa malaking bilog na relo sa dingding ng silid niya. Nine-fifteen na; ang ibig sabihin ay may fifteen minutes na lang siya para maligo at magbihis. Magbibiyahe pa kaya siya papunta doon sa kung saan man siya pupunta.
Letse! Ano'ng tingin nito sa akin? Ako si Wonder woman?
She snorted. "Hoy! Ang wagas mo mang-utos sa akin!"
"Bakit hindi? Baka nakakalimutan mo ang utang mo sa akin."
Nakuu! Kung hindi ko lang iniisip ang utang ko sa'yo na baka totohanin mo ang bantang dadagdagan ay baka kanina pa kita binabaan. "Saan 'yang Ark's Bar na 'yan?"
Sinabi naman nito kung saan niya matatagpuan ang Ark's Bar na iyon.
"Okay. Pero hindi mo ba alam na magbibiyahe pa ko. Kagigising ko lang. Maliligo, magsesepilyo at magbibihis pa ako. Magbigay ka naman ng kahit kaunting konsiderasyon-"
"I need you here at nine-thirty." Ani Daniel bago nito binaba ang tawag na iyon. Hindi makapaniwala na tinignan ang screen ng phone niya. Ngayon lang may nagbaba sa kanya ng tawag.
"Ang bastos talaga! Nagsasalita pa kaya ako. Hindi man lang ako nagawa patapusin sa sasabihin ko."
Nang matauhan ay pumasok siya sa loob ng CR at ginawa ng mabilis ang morning routine niya. Ang buong akala pa mandin niya ay makapagpapahinga siya pero hindi rin pala. Alam niya na hindi siya aabot sa binigay na oras ni Daniel gayunman ay pupuntahan pa rin niya ang lalaking iyon. Bahala ito kung dumating siya ng late, ang mahalaga naman ay sumipot siya. Gumayak siya at pumunta sa Ark's Bar na iyon.
"Late ka ng ten minutes." Ani Daniel pagkarating niya sa Ark's Bar na hinanap pa niya kung saan sa Makati. Idagdag pa ang traffic na sinuong niya sa pagpunta doon. Pasalamat pa nga ito at sampung minuto lang siyang late sa usapan. Hindi ba nito alam kung gaano kalala ang traffic sa Pilipinas.
"Hoy! Pasalamat ka nga at dumating pa rin ako. Ang hirap-hirap kaya magbiyahe. Alam mo rin ba na tinatamad ako ngayon at walang balak bumangon. Gusto ko matulog at ipahinga ang sarili ko pero dahil sa kapritso mo ay pumunta ako dito." Inis na litanya niya nang i-abot nito sa kanya ang pang-mop ng sahig at isang timba na puno ng tubig.
"Wala man lang na pahinga?" inis na tanong niya.
"Time is gold, Sasha."
Napaismid na lang siya sa narinig. Kinuha niya ang mga inaabot nito at naglakad na palayo sa lalaking gusto talaga siya alilain.
Ni hindi nga sumayad puwet ko sa upuan. Halimaw talaga!
"Wait," pigil nito sa kanya.
"Ano na naman?!" singhal niya.
"I'll introduce you to the other employees." Pakli nito.
Napamaang siya. Employee?
"Huh?"
Pumalakpak ito at inagaw ang atensyon ng mga taong sa tingin niya ay empleyado doon. Nagsilapitan naman ang mga ito sa kanila. "Guys, I want you to meet Sasha, our new waitress here."
"Hello, Sasha!" ani ng isang babae na may maikling buhok. Lumapit ito sa kanya at nilahad ang kamay sa kanya. "I'm Debby."
Saka nagpakilala na rin ang iba sa kanya. Lahat naman ng tao doon ay sa tingin niya na madali niyang makasusundo puwera na lang si Daniel.
Nagsimula na siyang mag-mop nang sahig at nag-ayos ng mga upuan at silya. Para sa first timer na tulad niya sa pagta-trabaho sa mga ganoong klase ng lugar ay hindi na masama para sa kanya.
Kagabi, pinaalam niya na sa lahat ang balak na pagsali ni Daniel sa kanila sa mga kasama. Nagtatanong na kasi ito kung kailan puwede makasali sa banda nila. Kung siya ang tatanungin ayaw niya pero dahil hawak siya ng lalaki sa leeg ay wala siyang magagawa. Mamaya ay pupunta ito sa maliit na studio nila para magpakitang gilas. Sa tingin din niya hindi malabo na makuha ni Daniel ang gusto nito. Nang mayroong paligsahan sa unibersidad nila ay tumunog ito. He was used to play guitar and bassist. Magaling naman talaga. Pinagkaguluhan talaga ang binata kasi aminado naman siyang may itsura talaga ito. Aaminin niya na may laban si Daniel talaga.
Napabuntong-hininga na lang siya. Apat na araw pa lang mula nang magsimula siya maging alila nito. Sana makakuha siya ng pera pambayad kay Daniel dahil ayaw na niya laging nakikita ito. Nabu-buwesit siya. Nareserbahan na rin niya ang kotse ng Tito Greg niya. Buti at hindi naman halata. Binalik rin niya agad iyon kinabukasan pagkahatid sa ina.
"Nasungitan ka ni boss?" tanong ni Jonathan sa kanya.
Pinatong niya ang baba sa ibabaw ng mga kamay na nakahawak sa mop na hawak niya.
"Boss? Amo ba talaga natin si Daniel?"
Tumango ito at pinunasan ang lamesa. "Kapatid niya ang may-ari dito. Ang alam ko magka-sosyo sila. Matagal na rin kami mag-three years na."
"Weh?" Hindi siya makapaniwala. Bata pa pero may diskarte sa buhay. Hindi na rin masama. Siya nga hindi pa guma-graduate pero wala pang kahit na anong napatutunayan. Kaya nga nag-aaral siyang mabuti. Sa oras na makakuha siya nang magandang trabaho ay sisigurahin niyang hindi na maghahanap ng lalaki ang ina. Ibibigay niya ang lahat ng gusto at luho nito para silang dalawa na lang.
"Kami ang mga unang empleyado. Mabait ang mga boss natin pero minsan mainitin ulo talaga ni Boss Daniel."
Despite the fact he's good handling his finances, masama pa rin ang ugali nito. Kung hindi magaling mang-blackmail, ibang klase mang-utos. Aanhin nito ang tino sa paghawak ng pera at kung anuman yaman meron ito kung nagma-manipula ng tao. People should be kind hearted.
Hindi naman lingid sa kanya at sa lahat na politician ang mga magulang ni Daniel. Bukod pa doon, galing sa mayaman na pamilya ang angkan nito bago pumasok sa politika. He has been born with a silver spoon in his mouth. Paanong hindi niya malalaman kung alam ng lahat sa unibersidad nila na iyong isang bagong gawa na building ay donasyon ng pamilya nito.
She pouted. "Masama talaga ugali no'n."
"Baka marinig ka,"suway ni Jonathan.
"Okay nga marinig niya para aware siyang masama ang ugali niya. Minsan kailangan din ipamukha sa tao kung paano nila itrato ang ibang tao. Hindi siya ginawang espesyal ng Diyos." Hinampas niya sa sahig ang ulo ng mop. "Pare-parehas tayong may karapatan."
Natawa ito. "Ang cute mo, Sasha."
"Sasha! Sumama ka sa akin aalis na tayo." Narinig niya ang boses ni Daniel hindi kalayuan. Nilingon niya ito. Nakatingin ito sa kanya na tila inip na inip. Paano na hindi ito maiinip kung nakatayo lang ito at pinagmamasdan sila. Mas mainam nga yatang umalis na ito kaysa tumatambay doon.
Nagsalubong ang kilay niya. "Problema mo?"
Lumapit ito at hinigit siya.
"Sumama ka sa akin. I need your opinion for my audition later. You are one of them, isa pa ikaw ang bokalista kaya malaki ang maitutulong mo."
Binawi niya ang kamay. "Kaya mo na 'yan at isa pa, naglilinis ako. Di ba nga nagbabayad ako ng utang sayo."
"I need you to listen to me. I need your opinion. Ikaw ang vocalist."
"Bokalista ka, Sasha? Saan iyong bar para makapunta ko? Gusto kita makita kumanta?" Singit ni Jonathan.
"I didn't ask you." Malamig na baling ni Daniel kay Jonathan.
Natigilan ang lalaki. Nilingon niya si Jonathan na nawalan ng kulay ang mukha. Mabilis na pumihit ito at iniwan sila.
Bumalik ang tingin ni Daniel sa kanya.
"Ang rude mo, alam mo iyon. Nagtatanong nang maayos tapos ginanon mo." She spat with annoyance.
Wala ng kahit anong kapilyuhan o ngiti sa labi nito. Ano bang problema nito?
"Sasama ka o sisesantihin ko si Jonathan."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Huh? Bakit?"
"Chose, Sasha. Madali akong kausap."
Napamaang siya. Seryoso ito?
"Grabe ka talaga. Ang tino-tino noong tao tapos sesisantihin mo. Wala ka talagang patawad."
Napamulsa ito. "It's up to you. Tatanggalin ko siya o sasama ka?"
Gusto niya kutusan ito. Ang galing-galing talaga. Nang tumalikod na ito ay sumunod na lang siya. Tinanggal na niya ang apron niya at kinuha ang bag.
Ngumiti ito nang makita na nakasunod siya. "Good girl,"
She sneered. "Hope you go to hell, Robredo."
***
THEY went straight to his unit for the practice. Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangan pa nito ang opinyon niya. She think it doesn't matter. Panigurado naman na magugustuhan si Daniel nang mga kasamahan. Nakatitig lang si Sasha habang tumutugtog si Daniel ng bassist guitar nito. She will be honest, magalang talaga ito. He may not sing but he was talented on playing his instrument. Dagdag factor pang magandang lalaki ito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Sinabi ba niyang guwapo ito? She blinked her eyes many times. Kung ano-ano ang iniisip niya. He was devil in disguise. Behind his handsome face there are evil rotten within him. Nang matapos ito ay tumingin ito sa kanya. Hindi mawala ang ganda ng ngiti nito. Tila nage-enjoy ito. He looked so satisfied with what he did.
Right there and then she concluded, he really wanted to be part of the band. Maybe it is not that bad to give him a chance. Magaling ito at asset din nila ito kung tutuusin.
"Am I good enough?"
Tumango siya. "Puwede na."
"C'mon, Sasha. I am the best, right?" he confidently asked her.
She nod. Ayaw niya makipag-ayaw dahil talagang may ibubuga ito.
Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo eh."
Tumayo na siya at akmang tatalikuran ito nang hawakan nito ang kamay niya. She felt something strange when their hands collide. Nilingon niya ito. Naging malawak ang ngiti nito.
"Thank you, Sash. You helped me alot." He genuinely said.
Ano bang ginawa niya? Nakinig lang naman siya at umoo sa mga sinabi nito. Natigilan siya sa sunod na ginawa nito. Niyakap siya ni Daniel nang medyo mahigpit.
Medyo nanindig ang mga balahibo niya at bumilis ang t***k ng puso. Naamoy niya ay mamahaling pabango nito. Mabilis na lumayo siya nang bitiwan nito. She is still in shock.
She cleared her throat. Nailang siya sa huling ginawa nito.
"Ano... maglilinis muna ko dito bago umuwe." mabilis na paalam niya at dumiretso sa kusina.
Nang makalayo ay ganoon pa rin ang kabog ng dibdib niya. He looked happy and it is because of her? Ganoon ba kalaking bagay iyon kay Daniel? Yes it is flattering when someone appreciates your hard-work.
Napahawak siya sa tapat ng dibdib. Weird iyong naramdanan niya. It is the first time her heart wildly beat inside her chest. What was it all then?