"MA..."
Natigilan si Sasha nang makita ang itsura ng ina. Kapapasok lang niya sa bahay nila galing sa eskuwela. Mamaya ay may gig siya at dadaanan siya ni Daniel para sabay na silang dalawa. Kanina bago siya umuwe ay kumain muna sila ng pizza at ice cream na treat ng binata. They were having a little chitchat about her thesis contest. Wala naman sa kanya iyon dahil hindi niya kukunin kahit mapili siya. Kailangan siya ng Mommy niya at hindi biro ang malayo ng mahabang panahon rito. Hindi siya sanay.
Nilapag niya agad ang mga gamit at nilapitan ang ina. Gusot-gusot ang damit at nakasaboy halos sa mukha nito ang magulong buhok. Umupo siya sa tapat nito at hinawi ang buhok nito. Napasinghap siya nang makita ang dugo sa gilid ng labi nito. Hindi lang iyon dahil may mga kamot at pasa pa ito. Parang sobra yata iyong ginawa sa ina.
"Anong nangyari?" Pabulong na tanong niya.
"Sasha..." Humagulgol lang ang ina at mabilis na niyakap siya.
"M-Ma, ano bang nangyari?" nanghihina na tanong niya.
Base sa itsura ng ina, mukha itong pinagtulungan. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya sa galit.
"S-Si Tito Greg po ba ang gumawa nito?"
Umiling ito at umiyak lang sa kanya. Niyakap niya ang ina ng mahigpit. Hinagod niya ang likod nito at pilit na pinatahan. Nang medyo kumalma na ito ay kinuhanan niya ito ng tubig. Kinuha rin niya ang first-aid kita para gamutin ang nasa gilid ng labi nito.
Hindi na siya nagsalita. Ayaw niya pilitin ang ina magsabi sa kanya ngayon dahil baka hindi pa nito kaya. Dinampi niya sa gilid ng labi nito ay bulak na may gamot. Napaigik ito sa ginawa niya.
She sighed. Binaba niya ang kamay at tumingin nang mataman sa ina.
"S-Sorry, Sasha..." her mom's voice was trembled
"Ginawa ba niya ito sa'yo?" Kalmado na tanong niya.
Umiling ang ina.
"Sino kung ganoon?"
"Iyong asawa niya..." mahinang sabi ng ina. Sapat para marinig niya. "Kinaladkad niya ko palabas ng bahay at pinagsasampal. Hindi ako agad nakaganti kasi kasama niya iyong anak niya. Pinagtulungan nila ko."
Nakuyom niya ang mga kamay. Kaya ganito ang itsura ng ina dahil pinagtulungan. Hindi ba ito gumanti? O pinagtanggol ng boyfriend nito? Naiintindihan niya kung saan nanggaling ang galit ng pamilya ng Greg na iyon pero hindi ito makatarungan.
"Anong ginawa ng boyfriend mo?"
Umiling ito. "Anak at asawa niya 'yon kaya wala siyang magawa."
"Tang-ina." Nausal niya bigla dahil sa pag-iling ng ina. Hindi tulad ng ibang kabit ang ina niya na mas matapang pa sa tunay na asawa.
"Sasha..."
"Hinatid ka niya?"
Umiling ito.
Sinubukan niya pakalmahin ang sarili pero hindi talaga. Kung galing itong Batangas at umuwe ng ganoon ang itsura. Nakaramdam siya ng awa para sa ina. Parang gusto niya magwala sa galit. Kinawawa ng mga ito ang nanay niya!
"Hindi ka na nga pinagtanggol ay hinayaan ka pang umuwe ng ganyan? Hinayaan ka niya bugbugin ng pamilya niya?!" Hindi na niya napigilan ang sarili. Umusbong ang galit sa buong pagkatao niya.
Alam niyang mali ang ginawa ng nanay niya pero para pagtulungan ng ganoon ay hindi sapat iyon.
"Asawa at anak niya 'yon kaya siguro hindi niya mapigilan. Intindihin mo ang Tito mo—"
Napatayo siya nang balak nito abutin ang kamay niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ma?" Hindi na niya napigilan pagtaasan ito ng boses. "Intindihin? Binugbog ka ng legal na asawa at ng mga anak kaya intindihin na lang? Ma, hindi por que kabit ka hahayaan mo ganyanin ka nila!"
"Sasha! Iiwan naman niya ang asawa niya kailangan lang niya nang sapat na panahon."
Natawa siya ng sarkastiko. Ilang beses na ba sinabi sa kanya ng ina iyon. Hindi na niya mabilang. Kung totoo ang sinabi nito ay dapat noon pa. Pero hindi dahil kasal pa rim ito sa asawa. Hindi man nga nagsasama pero sa tama ng batas ay legal pa rin ang dalawa. At ang ina niya? Ano pa nga ba kundi kabit?!
"Ano ba, Ma? Kung talagang iiwan niya ang asawa niya para sayo dapat noon pa. Ang tagal ninyo nang dalawa pero hanggang ngayon kabit ka pa din niya!" Mabilis na tumayo ito at nagulat siya sa ginawa nito. Sinampal siya ng ina. Natigilan siya at namuo ang luha sa mga mata. Ito ang unang pagkakataon na nasaktan siya ng ina dahil sa lalaki nito.
"B-bakit? Hindi mo matanggap? Pumapatol ka sa may asawa. Hindi ba kabit ang tawag doon?"
"Ina mo pa rin ako, Sasha. Wala kang karapatan tawagin akong kabit." Maemosyonal na sabi ng ina.
She took a deep breath. Masakit ang ginawa nitong pagsampal sa kanya pero mas masama ang loob niya. Mula nang mamatay ang kapatid ay pakiramdam niya nawalan na rin siya ng ina. Halos wala na nga itong pakialam sa kanya dahil sa lalaki na nito ito nakatira. Napapagod na siya intindihin ito kasi paano naman siya. Palagi na lang ba siya ang maga-adjust?
"Iwan mo na siya, Ma. Pinaaasa ka lang niya sa isang bagay na hindi niya kayang ibigay sa'yo. Tumigil ka na bago pa mas malala ang gawin sayo ng pamilya niya."
Umiling ang ina.
"Ma?! Can't you see?! Hindi ka niya pinagtanggol kasi wala siyang magawa sa galit ng asawa niya. Ano ang gusto mo? Mas malala ang matamo mo next time? Kung talagang mahal ka niya hindi niya hahayaan na gawin ito sayo ng asawa niya. Ipagtatanggol ka niya!"
"Huwag kang magsalita ng ganyan sa kanya, Sasha. Tandaan mo, siya ang bumubuhay sa atin." Pagtatanggol pa nito.
"We don't need him. I don't need his money to survive. I can earn on my own." Matalas na sabi niya. Hindi man nga malaki ang kinikita niya sa paggi-gig ay may nakukuha naman siya. Sapat para hindi humingi ng pera para sa mga projects at libro niya.
"Hindi mo kaya! Hindi natin kaya kaya kailangan mo tanggapin na nariyan si Greg para sa atin. Tandaan mo, ginagastusan niya ang pag-aaral mo."
She smirked. Hindi naman lahat ay sagot ng lalaki dahil may scholarship siya. Siguro nga kalahati lang pero malaking bagay na iyon sa kanya.
"I'm studying hard, Ma. Wag kang mag-alala dahil sinusuklian ko ng tama ang ginagastos ni Tito sa pag-papaaral sa akin. Susuklian ko ang lahat ng tulong niya pero hindi sa ganitong paraan. Hindi gaganyanin ka nila!"
"Anak, intindihan mo naman ako. Mahal ko siya at baka hindi lang niya ko napagtanggol kanina sa pagkabigla."
Gustong-gusto na niya bulyawan ito para magising sa katotohanan. Kung hindi ito pinagtanggol ngayon paano pa sa susunod?
"Kung mahal ka niya hindi niya hahayaan na umuwe ka sa bahay ng ganyan ang itsura mo."
"Sasha, please..."
"Kung kailan ko magtrabaho para mabuhay tayo ay gagawin ko. Hiwalayan mo na ang lalaking iyon habang hindi pa lumalala ang lahat! Alam na ng asawa niya at nagawa niya 'yan sayo kahit nariyan siya. Ano pa ngayon? Baka kung ano ang mas malala na gawin sayo sa susunod."
"Anak, intindihin mo naman ako."
"Ilang beses na, Ma? Iiwan ka rin niya tulad ng ginawa ng ibang lalaki mo!"
Akmang sasampalin muli siya ng ina pero umabante siya at binigay ang kanang pisngi na hindi pa nasasampal nito. "Sige ho, ito naman para pantay na."
Natigilan ito at binaba ang kamay. Humikbi na naman ito. Ito ang pangatlong beses na naging kabit ang ina niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi sa maling tao ito napupunta. Bakit hindi nito gamitin ang utak nito kaysa puso ang pinaiiral.
Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Pagod na siya intindihan ang gusto nito. Palagi na lang ito nasasaktan kung hindi man emosyonal ngayon naman ay physical. Hanggang kailan ba ito magpapakatanga ng ganoon?
Diretsong tinignan niya ito.
"Hindi ako gagaya sa inyo, Ma. Kahit magkanda kuba ako sa pagtatrabaho ay hindi ko pipiliin na maging kabit." Dismayado na sabi niya.
Tinalikuran niya ito at kinuha ang bag niya.
"Sa'n ka pupunta?"
"May group study pala kami ngayong gabi. Doon muna ko kina Vivian matutulog."
"Sasha!"
Hindi na niya hinintay magsalita ang ina dahil dali-dali na siyang lumabas. Ang sama-sama ng loob niya. Lagi na lang nito pinipili ang lalaki nito kaysa sa kanya. Mas mahal nito ang boyfriend nito kaysa sa kanya na anak. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya palabas nang may humawak sa balikat niya.
"Sasha?"
Napahikbi siya.
"What happen? Umiiyak ka ba?"
She tried to compose herself. Ayaw niya maging kawawa sa harap nito. Mabilis na pinahid niya ang mga luha pero may tumakas pa rin sa mga mata niya. "Bakit ang aga mo yata, Daniel?"
Sabay sila mamaya pupunta sa gig. Sinabi niya na mag-abang na lang ito sa kanya sa may kanto pero ito ang binata at nakaparada sa tapat ng bahay nila.
Tumitig ito sa mga mata niya kaya nag-iwas siya ng tingin.
"Why are you crying?" Sa halip ay tanong nito sa kanya.
"Hindi naman ako umiiyak. Naiyak lang naman ako..." sabi na lang niya. Parang tanga iyong paliwanag niya pero hindi niya alam kung ano ang idadahilan. She felt overwhelmed of what her mother did.
"Hey," kinabig siya ni Daniel at niyakap. Naramdaman na lang niyang bumuhos ang mga luha niya. Pagod na siya ang laging umiintindi. Pagod na siya sa ginagawa ng ina pero dahil mahal niya ito ay pilit niyang tinatanggap ang mga kamalian nito sa buhay.
"It's okay, Sash. I'm here." His voice and presence soothes her agony at the moment.
She wanted to lean to someone right now and Daniel was there for her. It is enough to lessen the pain she felt. For the first time, she wanted someone to be with her. More than her brother, more than her Mom. "H-hindi pala ko okay, Dan. Napapagod na ko..."
Naramdaman niyang hinagod nito ang buhok niya. Lalo bumuhos ang mga luha niya. Nagagawa siya saktan ng ina dahil sa lalaki nito. Hindi lang niya matanggap.
Mas mahalaga ba talaga iyong lalaki na iyon kaysa sa kanya?
xxx
SASHA SIGHED. Hindi niya mabilang kung ilang beses na pero hindi niya mapigilan gawin iyon. Ang bigat pa rin ng kalooban niya. Lagi na lang siya ang nagpapasensiya at umuunawa. Nakakapagod rin pala.
Bumalik si Daniel na may dalang isang baso ng hot mocha latte. Kinuha nito ang mga kamay niya at pinagsalikop iyon sa baso.
Tinignan niya ito at tipid na ngumiri. "Thank you."
"What happen, Sasha?"
She sighed again. Hanggang ngayon ay bigla pa rin siya sa nangyari. Hindi niya akalain na masasaktan siya ng ina para sa ibang tao. Sa bagay, hindi pa ba siya sanay na hindi siya ang priority nito?
"Hindi ba ko kapili-pili, Daniel?" Mahinang tanong niya.
Napakurap ito.
Pinaglaro niya ang mga kamay sa baso. Nang mawala ang kapatid malaki ang pinagbago ng ina pero hindi niya akalain na aabot sa punto na mas pipiliin nito ang ibang tao kaysa sa kanyang anak. Ni minsan hindi niya isinumbat ang pagiging kabit nito. Tito Greg wasn't the first. Hindi niya maintindihan kung bakit mas pinipili nito ang komplikado na buhay. They can live at peace without her luxury life. Mas mahalaga pa rin ba ang pera?
"S-she slapped me because of Tito Greg. A-ayaw niya iwan ang lalaking 'yon kahit hindi man lang siya pinagtanggol sa asawa't-anak noon. Mahal niya oo pero mali na kasi..." Nang maalala niya ang sinabi nito sa kanya noon. Her mother was a mistress. Kahit saan tignan ay talo at dehado ang ina dahil wala itong karapatan. "Kung hinayaan siya ganunin ng pamilya. Paano pa sa susunod?"
Naramdaman niyang may dinampi si Daniel sa pisngi niya. It is his handkerchief. Dumaan ang mabangong amoy niyon sa ilong niya.
"Stop crying, Sash." Mabini na sabi nito sa kanya.
Siguro manhid na siya dahil hindi man lang niya naramdaman na tumulo ang luha niya.
"I'll text them that we can't go tonight. Baka kaya naman ni No—"
Umiling agad siya. "Tuloy tayo. Ayoko naman hindi tumuloy ngayong gig dahil lang sa nangyari."
"You're not okay." Pinunasan nito ang mga luha niya.
"Magiging maayos rin ako. Baka mag-alala sila kapag hindi ko kumanta ngayon." Dinama niya ang init ng kape. Somehow, it calmed her.
He sighed.
"You really love that band?"
Marahan na tumango siya.
"It's originally my kuya's band. Hindi lang basta banda iyon dahil binuo ng kapatid ko ang mga taong iyon. They were his closest friends."
Tinignan niya ito. Titig na titig ito sa kanya.
She smiled. Hindi man umabot sa mga mata niya pero totoo ang ngiting binigay niya.
"Iyon na lang ang iniwan ng kapatid ko sa akin. It makes him happy when he was alive. It completes him. Kaya hindi ko papabayaan ang iniwan ng kuya ko. I'll never let them down. Not now and not ever."
Pagkatapos niya inumin ang binigay ni Daniel ay dumeretso na sila sa gig nila. May maliit na mga lockers sila sa likod niyon. Kinuha niya ang mga gamit niya at agad siyang nagpalit ng damit para puntahan ang mga kasama. Mamaya-maya ay magsisimula na sila.
She tried to be calm and jolly as possible. Ayaw niya mapansin ng mga ito na may problema siya.
Nakamasid lang si Daniel sa kanya hanggang sa makausap na niya ang mga kasama nila. She flashed her sweetest smile to him giving him a sign that she will be fine.
Napailing na lang ito.
In the midst of this chaos, she didn't expect him to be with her. Pero aminin man niya o hindi ay malaki ang pagpapasalamat niya sa binata.
They went to the small stage and she looked at the crowd. She will do it for her brother.
She took a deep breath and sang to everyone.