"ANO'NG ginagawa mo dito?" bungad ni Sasha kay Daniel nang mabungaran niya ito sa labas ng bahay nila. Nawala ang disoriented niya nang makita ang guwapong mukha nito. Ala-siyete pa lang nang gabi para puntahan siya ng binata. They moved their date due to her accident. May pasa pa rin siya sa braso pero hindi na ganoon ka-violet ang kulay.
Pinamaywangan niya ito habang sinusuri ito. He wore V-neck maroon shirt and fitted pants. He looked incredibly hot.
Sashaaa! Ano bang pinagsasabi mo? You hated him, right? Huwag ka maging marupok.
"I assume you like what you see," nakangising sabi nito.
"Ilusyunado!" she hissed.
Akmang sasaraduhan niya ito ng pinto nang bigla nito iharang ang sarili doon. At walang paalam na dumeretso ito papasok sa loob.
"Teka—" Maagap na hinarangan niya ang dadaanan nito nang dumeretso pa rin ito at nagawang banggain siya sa balikat. Hindi naman malakas pero sakto lang para makapasok sa loob.
Napamaang na lang siya sa ginawa nito at umupo sa couch. Hindi pa siya nakakapag-ayos at tingin niya ay maaga pa.
"Magbihis ka na—"
Tumaas ang kilay niya. "Sino ka ba para utusan ako? Hindi tayo okay dahil kasalanan mo ang nangyari sa mga tuhod ko."
Napalunok siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya. Napaatras siya nang dumukwang ito at inilapit ang mukha sa kanya. May kumosyon na naman tuloy sa loob ng sistema niya. Daniel knows to knock her inner feelings.
"You owe me a date, right?"
"H-hindi ako umoo." she stuttered.
"You still owe me, Sasha. Should I drag you out for this date?"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Oo na!" Humakbang siya paatras at tumakbo sa kuwarto niya.
Nilingon niya itong prente na nakaupo sa couch nila. May kung ano itong kinakalikot sa phone nito.
"Hintayin mo ko and don't move. Mabilis lang ako."
Pagkasara niya nang pinto ay agad siyang sumandal sa likod ng pinto. Ang bilis ng paghinga niya at pati ang t***k ng puso niya. Pero alam niyang wala itong maidudulot na maganda sa kanya. Pero hindi niya napigilan ang sarili. May gusto siya sa lalaking iyon. Alam niyang nasa danger zone ang puso niya pero hindi niya mapigilan.
Pinakalma lang niya ang sarili bago dumeretso sa banyo para magbihis.
xxx
NAGSUOT si Sasha nang simpleng lacy cream dress at doll shoes para sa dinner date nila. Dinala siya ng binata sa isang mamahalin na hotel-restaurant. It is a cocktail bar and lounge on the rooftop with plush seats and an intimate setting along the city skyline.
"You like here?"
Manghang tumingin siya sa liwanag na tila maliwanag na bituin sa harap niya. "Ang ganda-ganda dito, Dan."
Ngumiti ito. "I'm glad you like here,"
Sabay silang napalingon sa boses na nanggaling sa likod nilang dalawa. May ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya.
"Hi, I'm Andy. We already met in the infirmary." pakilala ng lalaki at inabot ang kamay sa kanya.
Saglit na tinignan niya ang kamay nito at tinanggap. Napasinghap siya nang pisilin at halikan nito ang likod ng palad niya.
"Nice meeting you finally in good circumstances, Sasha."
Tumikhim si Daniel sa tabi niya kaya nilingon niya ito. Walang emosyon ang mukha nito nang tumingin sa kanya. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba. May nagawa ba siya?
"Hinatid ko lang si Sasha dito." ani Daniel.
Bigla ay nakaramdam siya ng pagkalito. Ang akala ba niya ay sila ang magde-date na dalawa?
"Daniel..."
"If you both excuse me," paalam nito sa kanila.
Nag-panic siya kaya mabilis na hinigit niya sa braso ito. Hindi siya puwede iwan ng lalaki. Ni hindi nga niya kilala ang taong nasa harap niya kahit sabihin pang pinsan ito ni Daniel.
Lumingon ito sa kanya.
"Huwag mo kong iwan," mabilis na sabi niya.
Tumikhim ang nangangalang Andy. "Let's dinner all together then,"
Hindi siya bumitaw kay Daniel hanggang hindi pumapayag ito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti kaya lumuwag ang hawak niya sa braso nito.
Tinungo na nila ang table na ni-reserve para sa dalawa at nagdagdag na lang sila ng upuan. Hindi niya maintindihan kung bakit siya iiwan ni Daniel sa pinsan nito. Kumain na silang tatlo, ang awkward lang dahil nag-uusap ang mga ito tungkol sa pamilya ng mga ito.
"How about you, Sasha?" Ngumiti ulit ito sa kanya. "Do you like the food?"
Tumango siya. "Oo. Thank you."
"You should try the pasta." Binigay nito ang maliit na platito ng pasta sa harap niya.
Tinikman niya ang binigay nito. Masarap nga pero hindi ang tipo ng ganoong pagkain ang magiging paborito niya. Nang matapos na sila kumain ay pinagmasdan niya ang isang grupo na gumagamit ng gitara.
"They have good music here too," ani Andy sa kanya.
She couldn't agree more.
Nang tumunog ang phone ni Andy at saglit na nagpaalam para sagutin iyon.
Nakasimangot na hinarap niya si Daniel na busy sa pagsubo. "Bakit mo ko iiwan sa pinsan mo?"
Huminto ito sa pagkain at tumingin sa kanya.
"I'm giving you a blind date."
"I don't need a blind date." She sighed. "Kung alam ko lang na ganito. Hindi na lang sana ko sumama sa'yo."
Sumandal ito at tumitig sa kanya. "Ayaw mo?"
She sighed again and nod.
"Pero kung ako ka-date mo?" Pabulong na tanong nito at nilagok ang kopita ng alak.
Nilingon niya ito. Ang totoo niyan, ang alam niya ay ito talaga pero ipade-date lang pala siya sa pinsan nito. Hindi sa ayaw niya pero akala niya kasi sila ni Daniel. Hindi siya umimik hanggang sa bumalik ang pinsan nito. "I'm sorry but I need to go. May emergency lang,"
"What kind of emergency, Andy?"
"Personal emergency," tipid na sabi nito.
Bumaling ang lalaki sa kanya at dumukwang para halikan siya sa pisngi. "I'm so happy to finally meet you, Sasha. See you again next time."
Nagulat siya sa ginawa nito.
"O-okay, ingat ka."
"I will," kinuha muli nito ang kamay niya at hinalikan. Mabilis na nagpaalam ito sa kanila kaya naiwan na lang silang dalawa.
"He likes you,"
Binalik ang tingin niya kay Daniel. Walang emosyon ang mukha nito.
"Andy is a good man and I'm sure you will like him."
Salubong ang kilay na tinitigan niya ito. Anong ginagawa nito?
"Ano ba talagang dahilan kung bakit mo ko dinala sa kanya?"
He shrugged. Sumimsim ito sa kopita nitong may laman na alak. "I told you he likes you,"
Andy looks a decent guy. Iba ang aura nito kay Daniel at mukhang mabait nga. But...
"Hindi ko siya gusto..." Pabulong na sabi niya.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Sino ang gusto mo?"
Nang tuluyan na siyang ma-distract ng kumakanta. She loves the song. Napangiti siya habang nakikinig sa babae. Her voice was smooth and has standard heightens emotion. Nakikita niya ang sarili nang mga panahon na hindi pa siya kumakanta para sa banda ng kapatid. She was into musical musics but Red Tag band was her complete opposite. Siya ang nagbago para sa banda ng kapatid.
"Wanna sing, Sash?"
Nilingon niya si Daniel na nakatingin sa kanya. Her heart fluttered. "You play the piano?"
Tumayo na ito at kinausap ang mga tumutugtog. Binigay daan naman ito sa piano kaya tumayo na siya para lapitan ito. They agreed to play On My Own by Lea Salonga. Nagsimula na itong tumipa at kumanta siya. Pinagmamasdan lang niya kung paano pumindot ang mga daliri nito sa tiklado. He was looking at her intently and she's singing the song.
On my own
Pretending he's beside me
All alone
I walk with him till morning
Without him
I feel his arms around me
Hindi niya napigilan ang mapangiti. Daniel looks so dearly while playing the piano. People tend to drawn to something bad for them. Hindi siya exception doon. Nag-iwas siya nang tingin at patuloy na kumanta.
And when I lose my way I close my eyes
And he has found me
She keeps on singing. Ang tahimik ng lugar at tila lahat ay nakikinig sa kanila. She was in the middle stanza of the song and back her looks at him.
Still I say, there's a way for usI love him
But when the night is over
Her heart was into emotions. Ngayon niya napagtanto na kaya pala siya hindi na ganoon kainis kay Daniel ay dahil...Ito ang unang pagkakataon na nagmahal siya. He has the talent and looks. Sobrang laki ng potensiyal nito sa Music Industry balang-araw kung ipo-pursue nito. Daniel was imperfect but she can't help to fall. She was happy with him. Like how happy she is with his brother. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Miss na miss na niya ang kapatid niya.
Without him
The world around me changes
As she lost her brother, her life totally changes.
I love him
But every day I'm learning
All my life
Until she finished the song and Daniel stop playing.
Nilingon niya ito.
"Thank you, Daniel. I owe you..."
Tumayo ito at yumakap sa kanya.
"Sshh, peaches." Masuyong bulong nito.
Hinarap siya ng binata at pinunasan nito ang mga luha niya sa pisngi. Dinampian nito ng halik ang kanyang mga labi. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na tumutugon sa mga halik nito. Hanggang sa namalayan na lang niya na lumalim iyon. Nalunod siya sa kakaibang sensasyon na hatid ng halik nito.
He might be an asshole but she loves this man.
***
"GRABE, Sash. Ang galing mo, sikat ka na sa University natin." Ani Vivian sa kanya nang umupo ito sa tabi niya. Nasa canteen sila at break time.
"Huh?"
"Hindi mo ba nakita 'yong naka-post sa bulletin board natin?"
Her brows furrowed.
"Anong naka-post?"
"Best in thesis ka kaya isinali ang thesis mo sa International Contest."
Hindi siya makapaniwala. She know the contest pero hindi niya naisip na nakukuha niya ang best in thesis.
"Tutal naman ay malapit na tayo gum-raduate. Makakakuha ka ng scholarship abroad for Masters." kumbinse ni Frankie—ang sekretarya ng student council ng university nila-- na bigla na lang sumulpot. "Ikaw pa ang magiging pride ng BusAd natin."
Nilingon niya ito. "Ang dami-dami naman nang magaling sa department natin. Bakit ako ang napili? Alam mo naman na wala kong hilig sa mga ganyan."
Umupo ito sa tabi niya. "Panigurado na papasok ka as finalist sa galing mo. Sinali nila ang thesis mo sa contest at si Ms. Delya ang nag-file."
Nanlaki ang mga mata niya. "Huh?"
"Matagal na nilang gusto ka isali, Sasha. They think your thesis is good to the contest."
Nilakihan na lang niya ang kagat sa hotdog sandwich. Ano pa bang magagawa niya? Sila Mrs. Delya at Mrs. Ramirez ay ang mga adviser nila. Ito ang mga heads ng department nila.
"Malaki din naman ang pakinabang nito sa'yo, Sasha. Kapag pumasok ka, bukod sa ikaw ang pride ng school natin ay free scholarship ka doon at sponsor pa ng school natin ang ibang expenses mo."
Napamaang si Sasha sa narinig.
"Seryoso?" gulat na tanong niya.
The offer was tempting, actually. Gustuhin man niya ay hindi puwede. Bukod sa iiwan niya ang mommy niya ay mahihirapan siya mag-adjust. Mas gusto niya ang buhay sa Pilipinas.
Tumango ito. "Grab mo na rin, sis. Mukhang malaki ang chance mo makuha ang scholarship. The department heads are confident in your thesis. Matagal na rin mula nang manalo tayo sa Australia International Business Thesis Contest. They are rooting for you,"
Napangiwi siya. Pakiramdam niya ay pressure ang gusto ng mga ito.
"It will help your career in the future." ani Frankie.
Alam niya kung ano ang sinasabi nito. It is a big opportunity pero wala siyang balak iwan ang mommy niya. Bukod kanino, mas kailangan siya nito.
"I will wait for the final screening. Kung sakali... Saka na ko magdedesisyon siguro."
Napatango ito.
Kahit lumusot siya sa final screening ay hindi pa rin niya kukunin ang offer. Mas kailangan niya i-priority ang pamilya kaysa sa kung anupaman.
Iniwan na siya ni Frankie at hindi nagtagal ay dinaldal siya ni Vivian. Nang tumunog ang cellphone niya sa bulsa.
Congrats! Let's celebrate your achievements.
Napangiti siya. Mula nang inamin niyang mahal niya ito ay naging masaya ang puso niya. Walang opisyal na sila pero masaya siya.
"Uyyyy, si Daniel ulit 'yan ano?"
Tumango siya.
Okay. Text kita mamaya kapag nasa pavilion na ko. Mamaya na lang :)
"Gaga ka talaga! Mukhang nahulog ka na sa kamandag ng Daniel Robredo na 'yan." Litanya ni Vivian sa kanya.
Pinanlakihan niya ng mga mata ito. Umiling lang si Vivian sa kanya.
"Anong balak mo kung sakali na manalo ka? Tuloy ka ba?"
Umiling siya. "Hindi,"
"Bakit? Sayang ang opportunity, Sash."
She sighed. "Hindi ko maiiwan ang mommy ko."
"Mommy mo lang ba talaga..."
"Vivian," suway niya.
Napailing ulit ito. "Ewan ko ba sa'yo, nasa harap mo na kung sakali ang opportunity pero ayaw mo pa i-grab."
It is not all about Daniel or her mother. It is her choice too.
"Girl, ingat ka baka mamaya niyan ma-chismis ka. Alam mo naman dito sa atin madikit lang ang pangalan sa mga kilalang tao ay pinuputakte na ng istorya." Kumagat muna ito sa egg sandwich nito. "Kilala mo ba iyong nasa Architecture na ka-batch natin? Iyong maganda na balingkinitan? Nililigawan daw dati ni Daniel iyon pero two months lang break na. Iyong sa Nursing Dept. naging syota din niyan tapos balita ko hindi tumagal ng one month. Ang dami ng istorya tungkol sa lalaking 'yan."
"Ano'ng big deal doon?"
"Anong big deal doon? Malamang big deal iyon kasi habulin ng babae 'yang boyfriend mo na 'yan. Pati tropa niya. Balita pa nga kaibigan din daw nila iyong nawawalang apo ng Don ng mga Mondragon."
"Hindi ko boyfriend si Daniel. Magkaibigan lang kami." Sansala niya.
"Sus, doon din ang punta ninyong dalawa. Lagi mo kayang kasama iyon kaysa sa akin."
She sighed. Hindi alam ni Vivian na may binabayaran siya sa lalaki. Ni hindi nga niya kung hanggang kailan matatapos iyong pagbabayad niya.
"Medyo nag-aalala ko sayo. Hindi kasi nagseseryoso ang mga 'yan. Alam mo naman kung ilang babae iyong di-nump ng mga 'yan. They are literally lady killer. Ayoko masaktan ka, Sasha."
Nginitian niya si Vivian. Alam niya ang lugar sa buhay ni Daniel. Hindi na siya aasam ng mas higit para hindi masaktan. Concerned ang kaibigan sa kanya. Siyempre dahil since first year ay kaibigan na niya ito.
"Alam ko, Viv."
Siguro madali siya ma-fall sa lalaki pero hindi niya hahayaan na pangunahan siya ng emosyon. It is always her mind before heart.