NAPAUNGOL si Sasha nang maramdaman ang pagsakit ng puson niya. Isa iyon sa mga pinaka-ayaw niyang araw sa bawat pagpapalit ng buwan. Ang first day ng period niya ang pinaka-worst days sa lahat. Matindi ang cramps na nararamdaman niya na halos gusto niya bumaluktot sa sakit.
Kakainom niya lang ng gamot kaya panigurado na mamaya pa ang epekto niyon. Mabuti na lang talaga at mamaya pang hapon ang pasok niya kaya kahit buong umaga na iyon ay mamilipit siya ay ayos lang. Wala naman siya balak mag-absent dahil malapit na nga ang graduation nila ay hindi pa siya papasok.
Nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell, kung ganoon ay may bisita siya. Wala ang Mommy niya dahil kinuha ito ng Tito niya kahapon. Kaya mag-isa lang siya sa bahay ngayon. Susuray-suray na naglakad siya patungo sa pinto. Hindi alintana ang itsura kahit hindi pa siya nagsusuklay, naghihilamos at nagsesepilyo. Wala siyang pakialam sa itsura niya.
Alas-otso pa lang naman nang umaga kaya ayos lang iyon. Kung sinuman ang bisita niya ay siguraduhin lang nito na may maganda itong dahilan sa pagpunta sa kanya.
Napahikbi siya nang sumakit na naman ang puson niya. Napahawak siya sa puson bago binuksan ang pinto. Hindi na siya nag-abala silipin sa peephole kung sinuman ang tao na iyon.
"Sasha, are you okay?" bungad ni Daniel sa kanya.
Nang makita nito ang mukha niya ay bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nakasubangot kasi na hinarap niya ito. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Mukha siyang hindi naligo nang isang linggo. Sa totoo niyan ay hindi siya naligo ng araw na iyon dahil ayaw niya tumayo. Gusto lang niya humiga maghapin sa sama ng pakiramdam niya.
"What happen to you?"
"Daniel, hindi mo na ko papasok sa bar mamaya." She mumbled.
Nakagat niya ang ibabang labi ng sumakit na naman ang puson niya. Humikbi siya. This is too much. Ayaw na niya maging babae. Madalas na lang ganito kapag mayroon siya.
"Are you okay?" lalong nadagdagan ng pag-aalala ang mukha nito nang suyurin ang kabuuan niya.
Umiling siya. She will never be okay as this cramp is almost killing her slowly.
"Sasha..."
Humugot siya nang malalim na hininga bago tinignan ito.
"I-I'm sorry, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Puwede ba na sa ibang araw na lang. Sobrang sama ng pakiramdam ko." pakiusap niya.
"I'll bring you to the hospital." alok nito.
Umiling ulit siya. "Hindi naman malala. Normal 'to sa akin."
He sighed. Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Pinangko siya ng binata at mabining hinalikan ang noo niya.
"Where's your room?" masuyong tanong nito.
Tinuro na lang niya kung saan ang kuwarto niya. Siniksik niya ang sarili sa dibdib nito. Ramdam na ramdam tuloy niya ang init na nagmumula kay Daniel. She felt his comfortable warmth. Napahawak siya sa uniform nito nang umatake na naman ang puson niya. Nawalan na siya ng lakas paalisin ito. Mas okay siguro kung may kasama siya.
"Nasaan ang mommy mo?"
"Nasa Batangas siya ngayon."
Saglit na tumahimik ito.
"Wala kong kasama ngayon..." pabulong na sagot niya.
"You want me to stay?" alok nito.
Nagmulat siya ng mga mata. "Puwede ba? Paano ang mommy mo? Mas kailangan ka niya."
"Bumalik na siya sa Catanduanes kaninang madaling araw." Sagot nito.
Binaba siya ni Daniel sa kama.
"You will miss her? Sana maging okay na ang mommy mo. I prayed for her peace of mind." Halos pabulong na sabi niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya.
"Really? Thank you, Sasha."
"Uminom na ko ng gamot kaya tatalab na rin mayamaya." Daniel keep on caressing her hair. Inaantok siya sa ginagawa nito.
"I'll be here as you get better."
She felt relieved. Malalim siyang napabuntong-hininga dahil medyo kumirot ulit.
"Sshh... you're going to be fine. Sinisigurado ko 'yan sa'yo."
Napapikit ulit siya sa sobrang lamyos ng tinig nito. Para bang may magic ang salita nito dahil nakaramdam siya ng kapayapaan kahit sandali. Umeepekto na yata iyong gamot na ininom niya. There are times he is mean but he's kind and thoughtful. Isa siguro ito sa pagkatao ni Daniel na hindi basta pinakikita nito sa iba.
"Dapat yata ma-turn off ka na sa'kin. Ang panget-panget ko na kaya." mahinang sabi niya.
Naramdaman niya na hinalikan nito ang buhok niya. "You're really funny, Sash. Masama na nga pakiramdam mo inaasar mo pa ko."
"Totoo naman, ang panget ko kaya ngayon."
Magaan na tumawa ito.
"Says who? You're more lovelier than before. At least kapag ganito ay hinahayaan mo ko mapalapit ng ganito sa'yo."
He likes her as he said. Siguro kaya nagustuhan niya ito sa dahilan din na iyon o dahil sa mga pinakikita nito.
"Ikaw hah. Nananan-tsing ka sa akin por que hindi maganda ang pakiramdam ko." Naramdaman niya na umupo ito. Hindi na siya nag-abala magbukas ng mga mata. Hinaplos nito nang masuyo ang buhok niya.
"Kapag nakatulog ka na ay ipagluluto kita para mainitan ang sikmura mo. Para paggising mo ay kakain ka na lang."
Napangiti siya. "Talaga? Marunong ka magluto?"
Tumawa ito. "Siyempre, ano ang akala mo sa'kin?"
"Puro pang-bababae ang inaatupag," inaantok na sabi niya.
"Nasaling mo ang ego ko do'n, babe. 'Yaan mo, patutunayan ko sa'yo na hindi lang pulos pambabae ang alam ko."
"Okay..."
Hindi niya namalayan na ginapo na siya ng antok habang kinakausap nito.
***
KAPAG inatake ka na naman ng dysmenorrhea ay maglagay ka ng warmth compress sa puson mo. Medyo mababawasan no'n ang sakit.
And don't forget to eat miswa with patola. Initin mo na lang kapag malamig na.
-Daniel
Ramdam ni Sasha ang pamumula ng mga pisngi nang mabasa ang note na iniwan ni Daniel sa ibabaw ng kitchen table niya kung saan nandoon ang sinabawan na patola with mswa na ginawa nito. Hindi na ganoon kasama ang pakiramdam niya.
Pagkagising niya ay agad na hinanap niya ito. Ang akala niya ay nandoon pa ito. Magpapasalamat siya dapat sa ginawa nito. Ite-text na lang sana niya ito pero naisip niya na mas maganda kung sa personal niya sasabihin iyon. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa may kusina. Ala-una na ng hapon, kaya tamang-tama para kumain na siya ng tanghalian.
Bumalik siya sa kuwarto at kinuha ang tuwalya dahil maliligo muna siya bago kumain. Natigilan siya bago pumasok sa banyo nang makita sa malaking salamin doon ang pang-upo niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na marami ang tagos siya. Dahil puti ang suot niyang pantulog ay pansin na pansin iyon. Hindi kaya nang dumating si Daniel ay nakita na nito iyon?
Nakakahiya! Mabilis na naligo lang siya. Sakto paglabas niya nang tumunog ang phone niya. Napangiti si Sasha nang
mabasa ang text ni Daniel sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang bumait ito sa kanya. They were friends.
Tama nga siguro ang sabi ng ina sa kanya. Madalas niya makita ang kabutihan ng ibang tao. Daniel was not that bad after all. Kung siya ang tatanungin ay gusto na niya ito ngayon. Naiinis pa rin naman siya pero hindi na tulad dati. Nagitla siya nang makita ang pangalan nito sa screen ng phone niya. Huminga siya ng maraming beses bago sagutin ang tawag nito.
"Hello?"
"Are you okay na?" mabilis na tanong nito.
"Oo, salamat."
He sighed on the other line. "Hindi na ko nakapagpaalam sa'yo nang umalis ako."
Pumunta ulit siya sa kusina para kumain na.
"Okay lang. May pasok ka din naman."
Kumuha siya ng kutsara at tinikman ang luto nito. Napangiti siya dahil masarap naman."Ang sarap nito, Dan. Thank you."
He chuckled.
"I'm happy you like it."
Umupo na siya sa silya at humigop ng sabaw. Malinamnam kaya hindi niya napigilan ang mapangiti ng malaki. Ito ang unang pagkakataon na may nagluto para sa kanya. Bukod sa ina at kuya niya.
"Bakit ka napatawag? Hindi ba off ko or baka na-miss mo na naman ako agad." biro niya.
Maybe teasing him is part of her defense mechanism. Ayaw niya maramdaman ni Daniel na may iba sa trato niya sa lalaki.
Hindi ito umimik sa kabilang linya. She find it kinda odd.
"I want to ask you for a dinner date tomorrow."
Napakurap siya. Ina-aya siya ng date? Medyo kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito. Binaba niya ang hawak na kutsara at napatitig sa harap. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagragasa ng kilig sa sistema niya.
"Hmm... date? Ang bilis yata..." Natuptop niya ang bibig. Sa isip lang dapat niya iyon pero nadulas siya.
She cleared her throat. "Dinner date saan?"
"Eight p.m sharp, sunduin na lang kita bukas diyan sa inyo," Bigla ay pinatay na nito ang tawag.
Tila umiinit ang pisngi niya. Is she blushing? Kinikilig ba siya?
***
BUWESIT na buwesit si Sasha habang nakikipagkuwentuhan ng masaya ang malandi na si Daniel sa b***h at haliparot na si Anastacia—isang schoolmate nila.
Ang landi talaga. Nang makita siya ng lalaki ay inismiran niya ito sabay talikod. She was really pissed off. May concern pa itong nalalaman samantalang may ibang babae naman pala. Bahala ito sa buhay nito dahil hindi siya sasama mamaya sa date nito. Si Anastacia ang i-date nito kung gusto nito.
She took a deep breath. Naiinis siya kahit wala siyang karapatan. Bakit ba siya nagre-react ng ganoon? Hindi naman sila.
Sasha, sasha. Ano bang iniisip mo? Vivian told you before. Ano ba?
"Sasha—"
Kung ganoon ay sinundan siya ng lalaki. Binilisan niya ang paglalakad para hindi maabutan nito.
Lalo siyang napasimangot. "Huwag mo matawag-tawag ang pangalan ko. Naiinis ako sa'yo."
"Are you jealous?" He teasingly asked her.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ang kapal mo!"
"Sasha, watch out!" sigaw ni Daniel, bago pa siya mag-react ay may kung ano na malakas na tumama sa balikat niya. Parang hinampas siya ng kung anong matigas na bagay at sa lakas ng impact niyon ay napaluha na lang siya sa sakit. Sinilip niya ang tuhod na unang ngumodngud sa semento. May sugat na ang kaliwang tuhod niya samantalang may gasgas naman sa kaliwa niya. Panigurado na peklat ang aabutin ng tuhod niya. Magkakaroon din siya ng malaking pasa lalo at mayroon pa siya. Bakit ba kasi nag-palda pa siya nang araw na iyon. "s**t talaga!"
Napahawak siya sa balikat, ang tanging nararamdaman lang niya ng mga oras na iyon ay sakit. Sa tuhod at braso niya. Matinding sakit.
"Damn it! Those reckless butthead." Wala siyang balak awayin ito dahil masakit talaga ang balikat niya. Pakiramdam niya ay ubod ng lakas na hinampas siya ng dor-for-dos. Nawala na lang ang presensiya ni Daniel sa harap niya. Ang sunod na nangyari ay nakarinig na lang siya ng sigawan.
"Tanga ka ba? Ang laro sa field lang dapat! Hindi dapat kayo makasasakit ng iba!" galit na galit na sigaw nito.
Napahikbi siya. "Daniel..."
Tila naman natauhan ito at iniwan kung sinuman ang kaaway nito at dinaluhan siya. Naramdaman na lang niya na binuhat siya.
"You should watch your surroundings. Sa field ka na naglalakad. Hindi mo ba napansin iyong mga naglalaro? Baki ba kasi hindi ka nagi-ingat." narinig niyang sabi ni Daniel.
Nag-angat siya ng tingin. "Pakialam mo ba?! Umalis ka na nga at bumalik sa Anastacia na iyon."
"You are really something. You are in pain but you keep on arguing to me."
Matalim na tinignan niya ito. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Ibaba mo ko!"
"Why don't you admit you are jealous."
"I'm not. Kaya tigilan mo ko."
Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Samyo na samyo niya ang amoy nito. Tila siya inaakit ng amoy ni Daniel.
Galit siya pero unti-unting nawawala iyon.
Narinig niya ang mahinang mura nito. What's wrong with him? Kanina pa ito napamumura. Hanggang marating nila ang infirmary ay mahinang nagmumura pa din ito. Ito na mismo ang humingi ng mga kailangan niya.
Tiim bagang na nakatingin ito sa kanya.
"Are you seducing me?"
Her eyes widen. Siya pa ngayon?
Bumalik ang nurse na dala ang isang ice bag at panggamot sa tuhod niya. Gumawa ng malaking pasa ang pagsubsob niya kanina dahil sa pagtama ng bola sa kanya. Tinignan ng nurse ang tuhod niya pati ang braso. Ayos naman diumano siya sabi ng nurse. Kailangan lang linisin ang sugat at lagyan ng ice pack ang mga pasa niya.
"Is she gonna be fine?" tanong ni Daniel.
Nasa labas ito ng tela na tanging naghihiwalay sa kanila. Nakapalibot ang kulay berde na telang iyon sa kama.
Napabuntong-hininga siya. Malayo din kaya ang nilakad nito at buhat-buhat pa siya. Daniel is right, she was jealous. Gusto naman kasi niya ito.
"Is Sasha's okay?" nag-aalalang tinig na mula sa labas.
"Yes, Andy. It is nothing serious." Sagot ni Daniel.
"But talk to your team next time. Dapat mag-ingat kayo sa susunod."
Hinawi niya ang kurtina. Nakatayo sa bungad ng pinto ng infirmary ang nangangalang— Andy habang nakaharang si Daniel sa daan.
"There she is," Ngumiti si Andy nang makita siya.
May sumulpot na lalaki sa likod noong Andy.
"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na tamaan ka kanina. It was an accident. If you need my help you can tell me. I'll help you as much as possible I can. Puwede tayo magpatingin sa doktor para malaman kung ayos ka lang ba talaga. Puwede kita—"
"I said, she's okay at hindi niya kailangan ng tulong mo." madiin na putol ni Daniel sa sinabi ng lalaki.
"Daniel it was an accident. Hindi naman sinasadya ni Brian ang mangyari," Andy's reply on behalf of the man who had hit her with football.
"Whether it was an accident or not, you have hurted her. Eh kung ibato ko kaya sa mukha mo ang bola na tumama sa kanya."
Tumayo na siya at nilapitan ang mga ito. Ayaw niya ng away. Pinigilan din ni Andy ang nasa likod nito.
"Go, Brian. I will talk to you later."
Umismid ang lalaki. "Pagsabihan mo 'yang pinsan mo Andy. Hindi yata marunong umintindi."
They were cousins?
Akmang susugod ito nang pigilan niya. Kung wala sila ng pinsan nito ay napang-abot na ang dalawa.
"Daniel, ayos lang ako. Aksidente ang nangyari. Huwag na natin palakihin ito."
Hinawakan niya ito sa braso.
Daniel took a deep breath and looked at her.
"Are you sure you are fine?"
Tumango siya.