"SYOTA MO ba si Daniel?"
Nanlaki ang mga mata ni Sasha sa tanong na iyon ni Noah sa kanya. Kakatapos lang ng huling gig nila sa gabi na iyon at sumama rito para kunin ang bayad sa kanila. Hanggang ng mga oras na iyon ay hindi pa rin niya pinapansin si Daniel. Hinatid siya ng lalaki para kumuha ng gamit at sabay na sila dumiretso doon. Hindi na lang siya nag-protesta dahil mas mainam na ito ang magpaalam sa kanya sa ina.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya napigilan ang sumimangot. "Hindi. Magkaklase lang kami sa ilang subject."
"Pero lagi kayo sabay pumunta sa gig natin?"
Nag-iwas siya ng tingin. Mataman na tumingin ito sa ekspresyon ng mukha niya. Sinubukan niya hindi magpakita ng emosyon.
"Sumasabay ako kasi isa lang ang pupuntahan namin. Ako din kaya nagpasok sa kanya kaya pasasalamat lang niya 'tong pagsabay-sabay sa akin."
Natawa si Noah. "Mukhang may LQ nga kayong dalawa."
Inismiran niya ito. Ayaw naman niya ikuwento ang ginawa ni Daniel sa kanya. Baka mag-away lang ang mga ito. Iyon ang bagay na iniiwasan niya. Ayaw niya ng gulo. Kampante ang mga ito kay Daniel at hindi niya sisirain ang relasyon ng mga ito.
"Huwag kang advance mag-isip kuya Noah." she snorted.
Sumeryoso ito. "Ayusin ninyong dalawa kung anuman ang hindi n'yo pagkakaintindihan."
"We are okay." Pilit niya.
"You looked happy with him these past few weeks. Hindi kita nakita na ngumiti ng ganoon. Nagkaroon din ng emosyon ang pagkanta mo." Ani Noah habang nakatingin sa harap. "Hayaan mo lang, Sasha. Kung gusto mo siya dapat hayaan mo ang sarili mo maging masaya. Sigurado ako na iyon din ang gusto ng kuya mo."
Natigilan siya.
"Be honest to yourself, bunso. Gusto rin naman namin ang sumaya ka." Pinitik nito ang noo niya. "Huwag mo saluhin ang lahat. Hindi mo na kailangan gawin ang mga bagay na hindi mo naman talaga gusto. Okay lang magpakatotoo. Tulad nang nararamdaman mo. He seems that he likes you a lot. Hindi ka tinatantanan ng tingin kanina."
Nauna na ito at iniwan siya. Napabuntong-hininga siya. Mula nang dumating si Daniel hinayaan niya ang sarili maging kampante. Natutunan niya dumepende rito.
Natigilan siya nang makita si Daniel na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga ito. Nagkakasundo ang mga ito sa halos lahat ng bagay. They looked all fine. Ito ang bandang pilit niya binuo noon at mukhang buo na ang mga ito ngayon.
"Oh, Sasha! Kanina ka pa diyan?"
Ngumiti siya at lumapit sa mga ito. Kinuha niya sa bag ang cellphone nang tumunog iyon. Unregistered ang number. Baka isa sa call center na in-applayan niya. Saglit na humiwalay siya sa mga ito at sinagot ang tawag.
Inabot siguro nang ilang minuto bago natapos ang tawag. Initial interview na siya. Tinanong niya kung puwede ba siya pumili ng oras sa trabaho. Hindi kasi siya puwede gabi-gabi dahil baka hindi siya makapunta sa gig. Hindi pumayag ito kaya tinanggihan na lang niya.
Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi puwede na ganito na lang. Kailangan niya makahanap agad ng trabaho para makaalis na sa bahay nila Daniel. Hindi puwede na magtagal sila doon. Hindi siya sigurado kung may pera pa sila dahil pati allowance niya ay pinutol ni Greg. May kaunti pa siyang kailangan bayaran bago maka-graduate. Because of what happened to them. Napilitan si Sasha maghanap ng trabaho na hindi conflict sa schedule niya. She considered the BPO company pero masyadong mahaba ang oras na kakainin. Baka hindi niya kayanin. Naghanap siya ng trabaho na kung maaari ay malaki ang kita at hindi ganoon katagal ang work hours.
Bumalik na siya sa mga ito. Inabot sa kanya ni Noah ang eight hundred pesos kasama ang tip na nakuha nila. Hindi nagtagal ay nagpaalam na sila sa isa't-isa. Nag-restroom muna siya.
Pagkalabas niya ay inaabangan pala siya ni Daniel. Nilagpasan niya ito.
"Nasa'n ang cellphone mo?" Tila hindi nakatiis na tanong nito, kapagkuwan.
Nagkibit-balikat siya. "Binenta ko na."
"Binenta? Kung kailangan mo ng pera dapat nagsabi ka sa akin."
Nilingon niya ito. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Kung may choice lang siya ay hindi siya papayag na tumira sa bahay ng mga ito pero wala.
"Hindi mo kami responsibilidad, Daniel. Sobra na nga iyong pagpapatira mo sa amin sa bahay ninyo."
malamig na sagot niya.
He sighed. "Ihahatid na kita sa inyo."
"Huwag na. Magko-commute na lang ako."
"Gabi na, Sasha. Ihahatid na lang kita."
Natigilan siya nang hinawakan ni Daniel ang braso niya. There are still a tingling sensation when he touches her. Simpleng hawak lang pero nagbibigay ng ibayong emosyon sa kanya. "I want to help you, Sasha. Don't push me away."
Matagal na nakipagtitigan siya sa lalaki. Siya din ang unang sumuko at nag-iwas ng tingin. Baka sumuko nang tuluyan ang puso niya kung hindi siya iiwas ng tingin. Tumango na lang siya para matapos na sila. Hinayaan na lang niya ihatid nito. Nakatingin lang siya sa labas hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga ito sa Forbes. Hindi na siya umimik ulit.
Akmang bababa na siya nang pigilan nito. Nilingon niya ito pero tumaliwas ang tingin niya pagkatapos. He sighed heavily. "I know you are still mad at me." Kinuha nito ang kamay niya at napasinghap siya sa ginawa nito. Isinampal nito iyon sa pisngi nito. "Daniel!"
"Curse me and hurt me, Sasha. Huwag ganito na parang hindi tayo magkasama." Mahinang sabi nito.
Napasinghap siya.
"Tatanggapin ko ang pananakit mo pero hindi 'yong ganito. Your silence killing me. Hindi ako sanay at ayoko na ganito tayo."
Nakuyom niya ang kamay. Siguro nga galit pa siya pero hindi sapat para saktan ito. Gusto lang niya dumistansiya. Kung tutuusin nga ay nilunok niya ang pride niya dahil wala na silang mapupuntahan mag-ina. Hindi niya alam ang gagawin.
"I'm sorry, alam kong hindi mo ko basta mapapatawad pero hayaan mo ko bumawi." Pakiusap nito.
"U-umuwe ka muna, Daniel."
"If you need anything please text me. Please, Sasha."
Humigpit ang kapit nito sa kamay niya. "Please, call me if you need help. Nandito ako. Nandito lang ako parati..."
Binitawan na siya ni Daniel kaya nakababa na siya. Walang lingon na iniwan niya ito. Napasandal na lang siya sa pinto at napapikit. Naiinis siya sa sarili.
Tumakbo siya sa kuwarto nila mag-ina at dinukdok ang sarili sa kama.
xxx
"'YAN 'yong bagong model ng phone ngayon 'di ba?"
Napalingon si Sasha sa mga kaklase na nasa harap niya. Wala pa ang professor nila kaya medyo magulo pa ang klase. Hindi niya kasama si Vivian sa klase na iyon dahil talagang naghiwalay sila ng section.
"'Di ba mahal 'yan? Parang last month lang bumili ka ng bagong Mac laptop. Ngayon naman bago na naman ang phone mo." ani Glenda.
Candy smiled. "Well, I work hard for it. Kita ko 'to sa part time ko."
"Nagka-casino dealer ka pa rin ba hanggang ngayon?" Pabulong na tanong ng kaibigan nitong si Dana.
"Kung sumasama ka lang sa akin. Sana nabibili mo rin ang gusto mo." Ani Candy at kinalikot ang bagong cellphone nito.
Tumahimik ang mga ito nang dumating ang professor nila. Pero sa buong oras ay hindi mawala sa isip niya ang pinag-usapan ng mga ito. Alam niya kung ano ang ginagawa ng casino dealer. Nang matapos ang klase ay inagapan niya bago umalis si Candy. Kailangan niya ng pera baka sakali na puwede siya ipasok nito.
"Puwede ba kita makausap?"
"Sorry but who are you again?" Nilingon siya ng babae. Maganda ito at makinis. Mukhang anak mayaman lalo na kapag pinagbasehan ang mga gamit nito.
"Sasha." Pakilala niya.
"What I can do for you then, Sasha?"
Tumingin muna siya sa mga kaibigan nito. Ayaw niya marinig ng mga ito ang tanong niya. Bumalik ang tingin niya kay Candy na tila naiinip na.
"Kilala kita. Ikaw 'yong pinag-awayan ni Daniel at Andy noong nakaraan."
Mabilis na umiling siya. "M-may hindi lang sila pinagkaintindihan na dalawa."
Tinignan siya ni Cindy pababa. Tila sinusuri siya.
"Puwede ba tayo mag-usap na dalawa?" Humigpit ang kapit niya sa bag. "Iyong tayo lang?"
"Okay," pagpayag nito.
Tinignan nito ang mga kaibigan at may kinuha sa bag. Binato ang susi ng kotse nito. "Mauna na kayo at susunod na lang ako."
Tumungo silang dalawa sa medyo tago na lugar. Sinigurado niya na walang iba na makakarinig ng pag-uusapan nila.
"What is this all about, Sasha? And is that true? Pinag-awayan ka ng mag-pinsan?"
"Hindi." Mabilis na sagot niya.
Siguro nga siya talaga ang pinagmulan ng away dahil sa pinagpustahan siya ng mga iyon.
"About the casino dealer..."
Humalukipkip ito. "Are you interested?"
Napalunok siya at tumango.
She nod and intently look at her. Nagulat siya nang kinuha nito ang salamin niya. "Sa bagay may height ka naman. Madadala naman ng make-up ang mukha mo."
"P-Paano?" Kinuha niya ang salamin sa kamay nito.
"Mamayang gabi kung decided ka na para maka-attend ka na rin ng training. May bayad na agad iyon basta ba madali ka matuto."
Napakurap siya. Ganoon lang kabilis? Walang kahit ano? Inabot nito sa kanya ang cellphone nito.
"Type your number. I'll contact you later."
Kinuha naman niya ang phone nito at ti-nype ang number niya. Hindi nagtagal ay nag-vibrate ang cellphone sa bag niya. Kinuha niya iyon para tignan. Pinatay na nito ang tawag at kumuha ng bubblegum sa bulsa nito.
"See you later, Sasha. Ite-text kita kung anong oras at saan tayo magkikita."
Napatango siya.
"Thank you."
Nang tumunog ang cellphone niya. Nag-text si Daniel sa kanya. Nasa parking lot na ito at hinihintay siya. Mabilis na umalis na rin siya at pumunta sa kung saan nakaparada ang kotse nito. Hindi pa niya agad nahanap iyon dahil kulay pulang Jeep Grand ang gamit nito. Kung hindi pa siya binusenahan ay hindi pa niya makikita ito.
Pinagbuksan siya ng pinto ni Daniel at kinuha ang mga gamit niya. Hindi na siya nakaalma at tahimik na sumakay. Hinahatid at sinusundo siya ni Daniel. Hindi siya makatanggi dahil binilin din iyon ng nanay niya. Sa totoo lang ay nahihiya na siya. Hindi niya alam kung paano susuklian ito sa lahat ng tulong sa kanya.
Hindi pa sila nakakalayo nang makatanggap siya ng text mula kay Candy.
I'll fetch you later. Mga 9pm.
Nagtext siya. Sige. Saan tayo magkikita?
Sunduin kita? Saan ka nakatira?
Wag na, ako na lang pupunta sa'yo. Text mo na lang sa akin kung saan.
Mabilis na sinilid niya ang cellphone sa bag. Hindi niya napansin na pasulyap-sulyap si Daniel sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at tinuon ang atensyon sa labas. Pagkarating ay bumaba na siya at dumiretso sa kuwarto nila ng ina. Kung wala si Daniel paano na sila?
Habang tumatagal ay lalong naa-attached si Daniel sa mga tao sa paligid niya. Kaya nahihirapan siya.
Panigurado na doon na naman kakain si Daniel sa kanila. Sa maikling panahon ay malapit na ito sa ina.
Hindi namalayan ni Sasha na nakatulog siya. Nagising siya nang maga-alas otso na ng gabi. Mabilis na bumangon siya at bumaba. Kumalam ang sikmura niya. Naabutan niya ang ina na naghuhugas na ng pinggan.
"Ma, kumain na po kayo."
Lumingon ito. "Pasensiya ka na, Sasha. Nauna na kami ni Daniel. Kakaalis lang niya."
"Dito kumain ulit si Daniel?" Hindi na nagtaka na tanong niya.
Tumango ang ina. "Oo. Bukas ay magluluto ulit ako ng ulam. Ibigay mo sa kanya. Gigisingin sana kita kanina pero sinabi niyang huwag na lang. Pinauwe ko na dahil anong oras na din. Maaga pa ang pasok ninyo bukas. Magwi-withdraw lang ako bukas para makapag-grocery. Bibigyan na rin kita ng baon mo."
Binuksan ang plato para kumuha ng ulam. Nag-prito lang ito ng talong at daing. Tumayo siya para maghugas ng mga kamay. Bumalik na siya sa upuan at kinamay ang pagdampot ng daing at inubos na niya ang kamatis.
"Huwag na, Ma. May pera pa naman po ako."
Nabenta niya ng limang libo ang cellphone niya. Kaysa pa iyon hanggang maka-graduate siya. Ang problema niya ay may miscellaneous fee pa siyang hindi nababayaran. Ayaw naman niya ihingi sa ina ang pambayad kaya magta-trabaho na lang siya.
Sumubo siya. Natatakam na siya dahil gutom na talaga siya. "Kumain siya ng mga ito?"
Tumango ito at nagpunas ng mga kamay. "Oo naman. Hindi maarte ang batang 'yon."
Hindi na siya umimik at patuloy lang sa pagsubo.
Umupo ito sa tabi niya.
"May pinag-awayan ba kayong dalawa?"
Natigilan siya at tinignan ito. "Ho?"
Ngumiti ang ina. "Normal sa mag-nobyo ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."
"Hindi kami, Ma!" napalakas ang boses niya.
Bakit ba lahat ng tao ganoon ang sinasabi?
Natawa ito. "Osiya, kumain ka na."
Umalis si Sasha pagsapit ng eight-thirty para makipagkita kay Candy. Isasama siya ng babae sa trabaho nito. Kung maayos ang kitaan doon at mabilis siya makakapasok ay kukunin na niya ang oportunidad. Hindi siya puwede mag-inarte.