"SO this is our new recruit?" ani ng isang matandang babae habang pinapasadahan nang tingin si Sasha. Napalunok siya nang lumapit ito at tinaas ang mukha niya. "Tanggalin mo ang salamin mo."
Sumunod siya at inalis ang salamin. Hindi niya sinuot ang contact lense niyang may grado. Minsan ay sinusuot niya iyon kapag naggi-gig siya. Mas kumportable siyang suot ang salamin kaysa sa contacts niya. Binitiwan nito ang baba niya at tinalikuran na siya.
"Saan mo nakuha ito, Kandi?"
Prenteng umupo ito sa sofa at dinampot ang isang kaha ng sigarilyo. Dumukot ito ng isang piraso at sinindihan sa harap niya habang tinitignan muli siya. Nailang siya sa paraan ng tingin nito na tila sinusuri siya na tila wala siyang damit.
"Classmate ko po sa isang subject, Mamang. Tingin ko madadala naman ng make-up ang ayos niya. Matalino 'yan kaya malamang madaling matuto."
"Bakit gusto mo pumasok sa ganitong klase ng trabaho kung matalino ka?" Tanong sa kanya.
"Kailangan ko po ng pera,"
"Lahat nangangailangan ng pera, ine. Pero bakit sa ganitong klase ng lugar mo pumasok? Alam mo ba kung ano ang gagawin mo rito?"
Nang may pumasok na babaeng naka-miniskirt at ipit na ipit ang dibdib. Kulang na lang ay lumuwa ang dibdib ng babae sa baba ng tube nito. He wore heavy make-ups and high heels.
"Tapos na ang duty mo, Herilyn?" tanong ni Candy.
"Oo. Ihing-ihi na rin ako." Pinagmasdan niya ang babae hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
"Nasabi mo ba na magsusuot siya ng mga sexy na damit kung sakali. Nakita mo ba iyong babae na dumaan? Ganoon ang papasukin mo dito kaya handa ka na ba?"
She looked at her. Kung malaki ang kita rito at makakatulong sa kanila ay bakit pa siya tatanggi?
"Hindi naman po nagte-take out ng babae rito?" She asked without second thought.
Tumawa ang matanda. "Hindi kami nag-aalok ng aliw." Napailing ito na may ngiti ang mga labi. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Sasha po,"
Tumango ang matanda at saglit na sinulyapan siya. "Hindi basta-basta ang trabaho bilang casino dealer."
She gulped again.
"You gonna wear sexy clothes and heavy make-ups. Don't worry, may mga damit at may magme-make up naman sa'yo." segunda pa ni Candy.
Tumango siya.
"Dalin mo na lang sa HR para sa mga kailangan. Tell them to sched her for training with other girls."
Lumabas na sila ni Candy at sumunod lang siya. "Mukhang nagustuhan ka ni Mamang."
Kanina ay sinundo siya ni Candy sa isang convenience store. Ayaw niya kasing malaman nito kung saan siya nakatira at kanino ang bahay na tinitirhan nila ng ina.
Hanggang pumasok sila sa isang pinto. May dalawang babae na humarap sa kanila. Nasa middle thirties siguro ang mga ito. "Ms. Santiago, bago po natin. Pinapa-sama na ni Mamang sa training."
"Good evening po,"
Umupo na siya sa harap ng table ng babae.
"Mauna na ko, Sasha."
Nilingon niya ito. "Saan ka pupunta?"
"Shift ko na. Kailangan ko na pumunta sa puwesto ko."
Tumango siya. "Thank you,"
"Galingan mo." Maliit na ngumiti ito sa kanya. "Ingat ka sa pag-uwe mo mamaya."
May mga pinapasa lang sa kanya na mga requirements. Bukas ay puwede na siya magsimula sa training. Puwede siya nang apat na oras lang sa loob ng isang gabi. Kung gabi-gabi naman siya papasok ay malaki rin ang kikitain niya. Na-discuss sa kanya kung magkano ang posible kitain pagtapos ng training kung isasalang agad siya. Posible pa siya makakuha ng tip kung didiskarte siya.
Pagkatapos ay umuwe na siya agad para makapagpahinga. Maaga pa ang pasok niya kinabukasan. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay muntik na siyang mapasigaw.
"Anong ginagawa mo ng ganitong oras, Daniel?"
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa hagdan sa harap ng bahay na pinahiram nito sa kanya.
"It's too late, Sasha. Saan ka nanggaling? Nakatulugan na ng mommy mo ang paghihintay sa'yo." Mabilis na pumasok siya sa loob at naabutan na nakahiga ang ina sa sofa sa salas. Nilapitan niya ito para gisingin pero pinigilan siya ni Daniel.
"Let your mom sleep. Kanina pa siya naghihintay."
Nasa alas-dos na rin halos nang madaling araw. Napaupo na lang siya sa harap nito. Tinitigan ang ina na mahimbing na natutulog. Mula pa noon wala na yatang nangyari na hindi nasaktan at nahirapan ang ina. Talaga bang malas sila?
May inabot na kumot si Daniel na ibinalot niya sa inang mahimbing na natutulog.
"Kung kailangan mo ng tulong, Sasha. Nandito ako."
Napatayo siya pero hindi pa rin hinaharap ito. Nagsasawa na siya sa ganoon ni Daniel. Iba kasi ang sitwasyon nito sa kanila. Hindi nito alam ang mga hirap niya.
"Pinanganak kang may gintong kutsara samantalang ako, kami kailangan kumayod para mabuhay. Huwag mo ko igaya sayo na kahit hindi na siguro mag-aral ay mabubuhay. Kung hindi ako magtatrabaho at mag-aaral ng mabuti hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Kami." Madiin na sabi niya.
"Then let me help you."
Nakuyom niya ang mga kamay. Sinubukan niya humugot nang malalim na buntong-hininga. Parang nagsisikip ang dibdib niya.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Sapat na itong pagpapatira mo sa amin sa bahay ninyo. Hindi na ko manghihingi ng higit dito."
"Galit ka pa rin. Hindi mo parin ako napapatawad."
Hindi niya ito inimik.
"But Sasha, you can have me anytime. Just tell me."
"Anong kapalit?" Tahasan niyang tanong.
"Wala," sagot nito agad.
"May gusto ka sa akin hindi ko alam kung libog ba or nasaling ko ang ego mo. Wala akong pakialam...kung anuman iyon pero babayaran ko itong ginagawa mo."
He smile a little. "No need, Sasha."
Nilingon niya ito pagtalikod sa kanya. Siguro nga ang tigas niya para hindi ito patawarin. Masisisi ba siya?
Hindi nagtagal ay umalis na rin ito.
Lumipas ang isang linggo, natapos niya ang training at sinubukan maging kumportable sa damit na pinasusuot sa kanya. Wala na siyang ibang pamimilian kundi kunin ang trabaho na ito. Kailangan niya alisin ang arte sa katawan. Nangangailangan sila ng pera.
She looked herself in the mirror. Masyadong lantad ang balat niya na hindi niya ginawa noon. Mababa ang neckline ng suot niyang satin dress, kaunting galaw ay tila lalabas ang n*****s niya. Halos lumuwa ang dibdib niya sa pagkakahati ng damit. Pati nga balat niya sa ibabaw ng dibdib at gitna ay nilagyan ng make-up. Pakiramdam niya mas lumaki ang mga iyon tignan. This will be her life now. Kung gusti niya mabayaran si Daniel at makatayo sa sariling mga paa ngayon kailangan niya gawin ito.
Kaya mo ito, Sasha.
"Ready ka na ba, Sha. Table 19 ka naka-assign." Sabi sa intercom sa loob ng dressing room.
"Galingan mo, may tip mga customer." Ani ng isang kasama bago siya tuluyang lumabas.
Sha was her nickname in the casino. Kailangan kasi maglagay ng pangalan sa nametag nila. Bago siya tuluyang lumabas sa hallway ay inayos niya sa huling sandali ang damit at lumabas na.
It is her first time in the live casino with filthy rich customers.