ITINURO ni Sasha ang daan patungo sa resthouse na binili ni Greg para sa kanila ng ina. Dalawang beses pa lang siya nakapunta doon. The bungalow house looks quite expensive and she know it is secured. Nasa loob nang subdivision iyon na may mahigpit na security bago makapasok. Mabuti na lang at namukhaan siya ng dating guard na naka-duty. Tatawag pa sana ito para ikumpirma kung bisita talaga sila.
Ilang paliko-liko ang tinuro niya kay Daniel hanggang sa marating ang bungalow house. They parked two block away from the house. Bumaba na siya at sumunod naman ito sa kanya. Malapit na siya sa bahay nang matigilan siya sa nakita. Umaalingawngaw ang sigawan mula sa kabahayan. Mula sa may gate ay may babaeng padaskol na tinulak palabas. Nakasuot lang ito ng bath robe. Napaupo ito sa lakas ng pagkakatulak kasabay niyon ay sinipa pa ito ng isang babae na halos kasing-edad ng ina.
"Kabit! Ang kapal ng mukha mo at talagang hindi mo tinitigilan ang asawa ko!"
"Tumigil ka nga, Adela! Mahiya ka naman sa mga kapitbahay." suway ni Greg.
"Ako pa ngayon! Ang kapal din ng mukha ninyo ng kabit mo tumira dito sa pamamahay ko." sigaw ng babae at binalingan muli ang nakaupo sa lapag.
Napasinghap siya nang namukhaan kung sino iyon! It is her mother!
"Mama!"
Sabog ang buhok sa mukha na lumingon ito sa kanya nang marinig siya. "S-Sasha..."
Akmang sisipain pa muli nito ang ina nang mabilis na tinulak niya ito. Nasalo ito ni Greg kaya hindi ito napaupo.
Mabilis na dinaluhan niya ito at tinayo. Yumakap ito sa kanya kaya lalong nanlamig ang pakiramdam niya. Tinignan niya ng masama ang ginang.
"How dare you to pushed me! You little w***e!" she sharply cursed. Nang makabawi ito at tinignan sila mag-ina. "It is your daughter? Kamukha mo! Baka puta din 'yan."
"Shut up, Adela. Stop making a scene." banta ni Greg.
Bumaling ito sa asawa. "I'll humiliate this slut all I want—"
"Ma!" Biglang kumawala ang ina sa kanya at sinugod ito.
"Huwag mong idadamay ang anak ko. Adela! Saktan mo ko at pagsalitaan ng masasama pero huwag mong idadamay ang anak ko!" sigaw nito sa baba at hinila ang bagong rebound na buhok nito.
Sinubukan niya kunin ang ina para maihiwalay ito. Napasinghap siya nang mismong si Greg ang tumulak sa ina para maihiwalay sa tunay na asawa nito. Natigilan ang ina sa ginawa nito.
"Greg!" gumaragal ang boses nito.
She pity her mother. Of course, he will always choose his wife.
"Siya ang nauna kaya bakit parang pinagtatanggol mo pa siya." Nang makabawi ito sa ginawa ng lalaking mahal nito. Lalong bumukal ang mga luha ng ina. She didn't expect that not like this situation.
"Huh! You see Melia my husband will always chose me over you. I am the legal wife and you're only his mistress. You are just the side dish and I am the main course. Babalik at babalik siya sa akin dahil pamilya kami samantalang kabit ka lang."
Her heart tightened. Kinuha niya ang kamay nito pero pumiglas ito sa kanya. Lumapit ito kay Greg at akmang hahawakan ang lalaki ng magsalita ito.
He sighed to her. "Umuwe ka muna sa inyo, Melia. Tutal naman ay nandito si Sasha. Sumama ka na sa kanya para matigil na ito."
Tila nanigas ang ina sa narinig. Hindi niya maisip na kung ganito ba iyong nangyari noong nakaraan na umuwe ang ina na mukhang kinawawa!
"User ka, Greg! Minahal ka ng nanay ko at mas inuna pa kaysa sa akin tapos ito lang ang gagawin mo? Pagkatapos niya ibigay ang pagmamahal niya sa'yo ay ganito ang igaganti mo!" nanginig ang boses niya sa mga salitang iyon.
"Sasha, huwag kang magsalita ng ganyan." suway ng ina.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito makita ang lalaking pinagtatanggol nito ay hindi ito pipiliin!
"Greg, please let us talk next time."
Humalukipkip ang asawa ni Greg. "This will be the last time, Greg. I let you played with this slut and I had enough. Ayaw mo naman siguro maapektuhan ang pagtakbo mo sa susunod na eleksyon."
"I love you, Greg. Bakit mo ito ginagawa sa akin? Ang sabi mo mahal mo ko at hihiwalayan mo ang asawa mo para sa akin."
"You wished too much! Greg will never annulled our marriage. You know why? Because he is ambitious and greed in power. Alam niyang mawawala ang lahat sa kanya kapag naghiwalay kami." May halong kutya ang tawa nito. She looked at her mother with disgusted and felt belittled. "He only played you Melia. Hindi ka pipiliin ng asawa ko kahit ano ang nangyari."
Napasinghap siya nang lumuhod ito kay Greg. Masyado ng binababa ng ina ang sarili. Hindi na ito tama dahil sobra na ito sa inaasahan niya.
"Ma, tumayo ka nga!" Mabilis na hinatak niya ito patayo pero hindi ito sumunod sa kanya. Malabo na ang paningin niya sa mga namuong luha sa mga mata. Bakit ba ganito?
Greg was standing there and did nothing! What a fuckin' coward. While her mother weeping her heart out.
Umalis ang ginang at pagbalik nito ay may dala na itong hose. Binuksan nito ang hose at tinapat sa kanila.
"Ito tubig para naman magising ka sa katotohanan na hindi ka pipiliin ng asawa ko."
Mabilis na niyakap niya paharap ang ina para hindi ito mabasa. Mahigpit na niyakap niya ito. Nakasuot lang ito ng robe at hindi nga niya kung may suot pa ito sa loob na iba.
Napasinghap ang ginang sa hindi niya malaman na dahilan. Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa harap. Napamaang siya nang makita si Daniel sa harap niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Hinarang ni Daniel ang sarili para hindi sila mabasa.
"Mom, what are you doing? Daniel?" She was still in shock when someone approached.
Lalo yata siya nanlamig nang makita kung sino ang bagong dating. She knew the girl, it is Anastacia Le Vencia. Of course she knew her! She was the currently campus queen. Anak ito ng asawa ni Greg?
"Mom! What did you do? Daniel, are you okay?" Lumapit ito kay Daniel at halos hindi alam ang gagawin. Daniel looks soaking wet.
Hindi nito pinansin si Anastacia at bumaling sa kanila.
"Are you okay, Sasha?"
Kinabahan siya nang tumingin si Anastacia sa kanya. Sana lang ay hindi siya mamukhaan nito. Bago siya mag-iwas nang tingin ay nakita niyang tumalim ang tingin nito.
"So your mistress is here, Dad?"
Kung ganoon ay anak din ito ni Greg? Pero bakit iba ang dala nitong apelyido?
Bumalik ang tingin nito kay Daniel. "Are you with them?"
Sinulyapan sila ni Anastacia.
Hindi ito sumagot. Tinalikuran ni Daniel ang mga ito at dinaluhan sila mag-ina. Hindi masyadong lumapit si Daniel dahil basang-basa ito. When her mother collapsed right on her arms.
"Ma!"
Nilapitan sila ni Daniel at binuhat nito ang ina. Nagmamadali silang sinakay ito sa sasakyan. Tumabi na siya sa ina sa backseat at hinaplos ang walang kulay na mukha nito. Takot na takot siya makita na walang malay ito.
"Dan, please bilisin natin." pakiusap niya habang umiiyak. She was holding her hand and caressing her cheek. Hinalikan niya ang likod ng palad nito.
Sinabihan na niya ito na tumigil na pero bakit hindi ito nakikinig sa kanya?
Hindi nagtagal ay huminto sila sa ospital. Inasikaso naman ito agad. Hinawakan ni Daniel ang kamay niya at pinisil habang hinihintay kung ano ang resulta ng ina.
"She will be fine. Don't worry." Hinaplos nito ang pisngi niyang may bakas pa ng luha.
Yumuko siya. "Sorry sa abala. Nakakahiya naman sa'yo." Dumako ang tingin niya sa basang damit nito. "Nadamay ka pa tuloy."
"May extra t-shirt naman ako sa sasakyan."
Napabuntong-hininga na lang siya.
"Hindi naman talaga ganito si mama. Nagkaganito lang siya nang mawala ang kuya ko. She was always seeking for love and affection. Hindi ko alam kung ito ang paraan niya para mag-cope up sa pagkawala ng tatay at kapatid ko."
Ramdam niya ang titig ni Daniel.
"She's always like this?"
Tumango siya.
"Sa mga lalaki niya? Pero ito ang unang beses na nakita ko siyang hinayaan ang sarili niya ibaba ng ganoon. Mahal nga yata talaga niya ang Greg na 'yon."
Naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya. "It must be so hard for you."
Pilit na ngumiti siya. "Medyo nasasanay na."
"You can count on me, Sasha."
Tumango siya at ngumiti. Daniel was there so everything gonna be fine.
xxx
"UMUWE na tayo, Sasha." ani ng ina sa kanya nang lapitan niya ito. Naabutan niya itong kausap ang doktor na tumingin dito. Ngumiti ito nang makita siya.
Nilingon niya ang doktor. "Kumusta po ang Mama ko? Ano pong nangyari bakit siya nahimatay?"
Tipid na ngumiti ito. "Over-fatigue and a lot of stress, hija. Your mom need some rest."
Napatango na lang siya.
Saglit na umalis si Daniel para kunin ang extra t-shirt nito para makapagpalit. Lumapit siya sa bed nito at ginagap ang kamay.
"Puwede na ba kami umalis, doktor? Kaya ko naman magpahinga sa bahay."
Tumango ito at pinayagan ang ina. Hanggang sa tuluyan na silang iwan na dalawa.
"Puwede bang dito ka muna, Ma? Para matignan ka pa?"
Umiling ito. "Ayoko dito at gagastos lang tayo. Umuwe na lang tayo sa bahay."
"Pero hindi ako panatag kung sa bahay kayo magpapahinga."
"Sasha, pakiusap umuwe na tayo." Pilit ng ina sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya at tiningala dito. "Narinig mo naman ang sinabi ng doktor na ayos lang naman ako. Kailangan ko lang ipahinga ito."
She sighed heavily. Ano pa nga bang magagawa niya?
"Makikipaghiwalay ka na kay Greg 'di ba?" hindi niya natiis itanong.
"Sasha..."
"Stop doing this to yourself. You need money I'll earn it for you. Magtatrabaho na ko para naman hindi ka na umasa sa kanya. Ilang buwan na lang at may diploma na ko. Hindi mo na kailangan ang pera niya. Hindi nga lang siguro kalakihan ng binibigay niyang allowance pero mabubuhay tayo."
"Hindi ka sanay sa mahirap na buhay. I did everything for you and to your brother. Ayoko maranasan ninyo ang naranasan ko." Mahinang sabi nito.
"I know, Ma. Hindi. Hindi natin mararanasan iyon dahil magsusumikap ako para sa atin. Don't you trust me?"
"Pasensiya ka na, Sasha." Hinaplos nito ang pisngi niya na sinampal nito noong nakaraan. Namuo na naman ang mga luha sa mata nito. "I hurted you. I slapped you because of him. Sorry."
Ngumiti siya at kinuha ang kamay nito. "Ayos lang naman po."
"Makikipaghiwalay na ko kung 'yan ang gusto mo." Sagot ng ina sa kanya, kapagkuwan.
Tila nabunot ang tinik sa dibdib niya sa sinabi nito.
Nang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya sa bulsa at tinignan ang text.
I bought us lunch. Nasa labas lang ako ng kurtina. Text message galing kay Daniel.
Pumasok ka na. reply niya.
Hinawi nito ang kurtena para makapasok. Nakapagpalit na ito ng damit.
"Hi po, I bought foods for us."
"Hello," ngumiti ang ina kay Daniel.
Nilapag nito ang pagkain sa table katabi ng kama ng ina. Kinuha niya ang dinala ni Daniel at binuksan ang plastic para pakainin ang ina.
"Pasensiya ka na, hijo. Nadamay ka pa kanina sa away ko. Pero salamat at pinagtanggol mo ang anak ko."
Napamulsa ito. "Wala po iyon sa akin, Ma'am."
"Boyfriend mo ba siya?" Baling ng ina sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi po!" Nilingon niya si Daniel na nakatingin sa kanila. May halong gulat at pagtataka ang mukha nito nang tumingin sa kanya. Bumalik ang tingin niya sa ina. "Friends lang kami na dalawa."
"Friends?" balik-tanong ni Daniel sa kanya.
"'Di ba?" She insisted.
Tumaas lang ang kilay nito sa sagot niya. Of course, they weren't just friends. They kissed, he touched already her boobs and they live under the same house.
She smiled at her.
"Hindi ako magagalit kung mag-boyfriend ka na. Nasa tamang edad ka naman."
"Hindi nga po, Ma. We are good friends." Pamimilit niya. Ayaw niya mag-isip ito ng kung ano sa kanila. Baka kasi mag-alala lang ito sa oras na malaman na malabo ang kung anuman mayroon sila ni Daniel.
Ni siya nga hindi niya alam ang label ng mayroon sila.
Tumango ang ina at tinignan si Daniel. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya pero may napansin siyang kakaibang emosyon habang nakatingin rito. She wasn't sure if it sense of familiarity or longing. Maybe both. Hindi siya sigurado dahil mabilis din nawala iyon.
"Ano'ng pangalan mo, hijo?"
"Daniel po," tipid na sagot ni Daniel.
Napatango na lang ang ina. Binuksan na niya ang paper plate ng pagkain at sinubuan ito. Aalagaan muna niya ito ngayon.
"Daniel, puwede ko ba malaman ang pangalan ng mga magulang mo?" Hindi nagtagal ay tanong ng ina.
He was caught off guard in about a minute or two. Nang makabawi ay tipid na ngumiti ito. Pinisil niya ang kamay ng ina para sa kanya tumingin. In-umang niya ang kutsara sa bibig nito.
"Kain ka na po muna." Gusto niya iiwas ang topic dahil alam niyang hindi komportable si Daniel sa ganoong klase ng usapan.
"Ambrosio Robredo at Marita De Vela po."
Napansin niya ang pagkuyom ng kamay ng ina sa kumot nito. She wondered why? Tila may kung ano sa pagbigkas ni Daniel sa pangalan ng mga magulang nito. Kilala kaya nito ang mga iyon?
Bigla ay nag-iwas ito nang tingin at tinanggap ang isinusubo niya. Hindi na siya nag-isip ng kung anuman. Pagkakain ay uuwe na sila sa kanila. Uuwe na rin siya sa bahay para maasikaso ito.