LABING-APAT

2092 Words
"SAAN naman tayo pupunta?" may piyok pang tanong ni Sasha kay Daniel. Her eyes were puffy and her cheeks are burning red. Siguro talaga ay kailangan na lang niya tanggapin na mas importante pa rin sa ina ang iba kaysa sa kanyang sarili na anak nito.  Pagkatapos niya umiyak sa bisig nito ay pinasok na siya ng binata sa loob ng sasakyan. Hinaplos lang nito nang paulit-ulit ang buhok niya. Kahit papaano ay naibsan ang sama ng loob niya.  Hindi siya inimik ni Daniel hanggang huminto sila sa Mall. It is already ten-thirty pm. Halos sarado na ang mall nang ganoong oras. "Anong gagawin natin dito?"  Bumaba lang ito at pinagbuksan siya ng pinto. "Daniel?"  "Come on, we will chill out."  Bumaba na siya at sumunod sa lalaki. Pinapasok lang sila ng guard sa loob hanggang sa matanaw na niya ang malaking skating rink. Silang dalawa lang yata ang nandoon at ang mga guard sa labas.  Pinaupo siya ni Daniel sa may labas ng skating rink at may kukunin lang daw ito. Pagbalik nito ay may dalawa na itong dalawang skating boots, mga skating protective gear, at skating gloves.  "Hindi ako marunong." Sagot niya.  Kinuha nito ang siko niya at sinuot ang protective gear. "I'm here, Sasha. I'll never let you fall." Akmang isusuot na nito ang protective gear sa tuhod niya nang unahan na niya ito. "Ako na. Kaya ko naman." Tumango ito at tumabi sa kanya. Sinuot niya ang binigay na boots nito. Napatingin siya kay Daniel habang sinusuot ang sariling skating boots. He was doing that to ease her sadness. Napangiti siya habang tinitignan ito. Na-appreciate niya itong ginagawa ni Daniel para sa kanya. Gusto nito malibang siya sa ganoong paraan. Nage-effort ito para pagaanin ang loob niya.  Lumingon ito at kinuha ang kamay niya. Hindi na siya nakaalma ng isuot nito ang gloves sa kanya. "Are you falling, Sasha?" Pakiramdam niya ay kinuryente siya sa simpleng tanong na iyon. Did she falling to him? Umiwas siya ng tingin at inayos ang pagkakasintas ng boots niya. "Advance ka din mag-isip. Sorry to burst your bubbles pero natutuwa lang ako kasi nag-effort ka pa talaga. Anong ginawa mo para makapasok tayo nang ganitong oras?"  He shrugged. "I pull some string with the help of my friend. Sila ang may-ari nito."  Nanlaki ang mga mata niya. "Rich kid ka talaga. Kaibigan mo iyong mga Mondragon?" Tumawa lang ito at nilahad lang ang kamay sa harap niya. "Let's go?" Napakurap siya at tinignan ang kamay nito. "Baka madulas ako sa loob, Daniel."  "You trust me, Sash?"  Tumango siya. Sa ngayon wala naman siya na ibang mapagkakatiwalaan kundi si Daniel. He was always there for her. Through her ups or down, he was always with her. Tinanggap niya ang kamay nito at buong ingat na tumayo. Hindi siya sanay na magsuot niyon dahil hindi pa niya nasubukan ang mag-ice skating.  Mahigpit ang kapit niya sa lalaki hanggang giniya siya sa loob ng skating rink.  "Daniel!" Napakapit siya sa balikat nito nang muntikan na siya madulas. Hinawakan nito ang baywang at braso niya para suportahan siya. Napangiwi siya nang mahawakan nito ang may pasa sa braso niya. "Sorry. Masakit pa rin ba?"  Umiling siya. "Hindi na masyado. Okay naman na ako." Bumaba ang hawak nito sa may kamay niya.  "Relax. I'll be with you." Mabining bulong nito. She bit her lips. She felt tingling sensation on the way he whispered into her ears.  "Getting used wearing the skates?" Inalalayan siya ni Daniel hanggang sa makuha niya ang balanse niya. Nasa likod niya si Daniel at sinusuportahan ang buong katawan niya. They were on the middle of the ice skating rink. If Daniel let her go she might fall in the ice. "Slowly bend your knees and keep your feet apart."  Bahagya na humiwalay ito sa kanya.  "I'll let go, Sasha." She was afraid to let him go. "Huwag mo ko bibitawan." Kinakabahan na sabi niya at humigpit ang kapit sa braso nito. Nanlaki ang mga mata niya nang kumawala ito sa kanya. Sinubukan niya i-balanse ang sarili nang hindi hawak ni Daniel. Umikot ito sa harap niya. Bahagyang lumayo ang lalaki. "Daniel, baka sumubsob ako."  "Don't worry, I'll catch you." Garantiya nito sa kanya. Natatakot siya na baka mapaupo siya o mapadapa. Worse, sumubsob siya. She slid into him. Sinalubong naman siya ni Daniel kaya napayakap siya sa katawan nito.  "See, I'm here. I'll always catch you." Tumingala siya.  "How are you feeling?" He was considerate of her feelings. Tila sinisigurado nito na magiging maayos ang pakiramdam niya kapag may nangyayari na hindi maganda. Aaminin niya na gumaan ang lahat nang dumating ito sa buhay niya. Hinahayaan niya ang sarili umiyak at dumepende dito. Ginusto pa nga niya maging permanente ito sa buhay niya. Is she asking too much?  "What's wrong?"  Umiling siya at binalik ang mukha sa tapat ng dibdib nito. Rinig niya ang t***k ng puso nito. Iyon ang patunay na tunay ang lahat ng ito.  "Salamat, Dan."  Hinalikan nito ang noo niya.  "Let's go home, Sasha." Home? For the first time, home sounds so good on her ears xxx "SO Sasha hanggang kailan ka makikitira kay Daniel?" tanong ni Vivian kay Sasha habang naglalakad sila sa susunod na klase. "Buti nga nakumbinse ko ang mama mo na nasa amin ka kung hindi ay baka hinalughog ka sa kung saan man."  She smiled bitterly. Nang malaman ng ina na okay siya ay wala na itong pakialam. Ayaw na niya ikuwento sa kaibigan ang mga nangyari kung bakit binalik siya sa unit ni Daniel.  "Doon muna siguro ako hanggang sa maging okay kami ng mama ko."  Ginagap ni Vivian ang kamay niya. "Friends tayo, Sasha. Pasensiya ka na kung hindi ka puwede sa amin. Alam mo naman ang mga magulang ko."  "Naiintindihan ko. Pasensiya ka na kung naaabala din kita."  Umiling ito. "Wala iyon, Sasha. Magkaibigan tayo."  "Kumusta ka sa kanya?"  Nilingon niya ito at ngumiti. "Okay naman. Mabait siya sa akin."  Pinagkatitigan siya ng kaibigan. "Buti naman kung ganoon. Kumusta ang braso mo?"  Napahawak siya sa braso. "Okay naman kahit papaano. Hindi na ganoon kasakit."  Hindi nagtagal ay pumasok na sila sa klase. Naghiwalay na rin sila ni Vivian dahil sasabay sila umuwe ni Daniel. She was thinking about them. Their relationship. Tinibag na niya ang bakod na ginawa upang pigilan ang sarili mahalin ito. Ang sigurado lang siya ay mas matindi ang emosyon na nararamdaman niya. Marami man ang bagay na hindi sila parehas ni Daniel. Marahil ang ibig sabihin lang niyon ay totoo na nga ang damdamin niya. At malaki ang posibilidad na wala rin sa kanya ang katangian na gugustuhin nito. Sa dami ng babae na naugnay rito ay alam niya na malaki ang pinagkaiba niya sa mga iyon. Minsan nahuhulog ang isang tao kapag nakikita nito ang mga ilang bagay o katangian na gusto niya para sa isang tao. It was their third day together under the same roof. Nang makita niya sa b****a ng kusina ito ay ngumiti siya at inaya na ito kumain. Hinila niya ang isang silya at umupo doon.  Tinikman nito ang niluto niyang sinigang na hipon. It keeps on bothering her. Kailangan niya malaman ang label nila. Hindi itong hindi niya alam kung ano talaga sila. Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito. "Gusto ko ngayon pa lang magkalinawan tayo. Gusto mo ba ko ikama kaya ka ganito kabait sa akin?" Umiling ito. "If I want to get laid, those women are willing to give me what I need. Bakit ko naman pag-aaksayahan ng oras ang pagsasabi sa'yo na gusto kita kung puwede ko naman makuha ang lahat ng gusto ko sa iba. What I need is you not them. I hope I made it clear to you."                                                    Nagbaba siya ng tingin. Hindi kasi niya alam kung ano dapat ang maging reaksyon. Well, Daniel always make her caught off guard.  "Sa tingin mo ba hindi ko kayang magbago?" Naniniwala siya na kung gusto magbago ng isang tao ay magagawa nito iyon. Hindi pa naman huli ang lahat. Kailangan lang niya tanggalin ang pag-aalinlangan sa puso niya. "I believe you could change. Lahat naman ng tao ay puwede magbago. Lahat naman ay may karapatan. Kahit nakakainis, nabubuwesit at nagagalit ako sa'yo ng husto. Hindi ko ikakaila na masaya ako kasama ka." "Iisa lang naman ang nararamdaman natin. Bakit kaya hindi na agad tayo? Malay mo, ikaw at ako pala ang nakatadhana sa isa't-isa."  Natawa siya. "Ang corny mo na ngayon. May side ka palang ganito."  "You should stop working in the bar and don't clean my pad anymore." Pinandilatan niya ito."Ang utang ay utang kaya dapat bayaran. Magbabayad pa rin ako sa'yo kahit ano ang maging status ng relationship natin." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito.   "So you are my girlfriend?" "Wala akong sinabi na ganyan. 'Di ba sabi mo, we should take it slow." Tumango ito. Naningkit ang mga mata niya.  "Kapag may ginawa ka talagang hindi ko nagustuhan, Daniel. Humanda ka talaga sa akin." Napapikit na lang siya nang lumapit ang mukha nito sa kanya. Hahalikan na naman ba siya ng lalaking ito? Kaunti na lang at malalapit na ang labi nito sa kanya. Ramdam niya ang paghinga nito sa bandang ilong niya.  Ayan na naman. Hahalikan na naman niya ako sa lips. Bulong ng isang bahagi ng isip niya. Nang bigla ay may kung anong nag-ingay mula sa kung saan. Naramdaman na lang niyang binitiwan siya ng binata. Nagbukas siya ng mga mata. Hindi niya alam kung mapapasimangot siya o ano dahil...  Huwag mo sabihin na gusto mo nga halikan na naman niya? He kissed her temple.  "I respected you, Sasha. Maaasahan mo na hindi ako gagawa ng bagay na hindi mo gusto."  Napangiti siya. Mas sweet yata iyon kaysa sa halik sa labi. Hindi nga siya nagkamali.  May mga pagkakataon na nagugulat si Sasha sa mga ginagawa ni Daniel. Noong nakaraan nga ay niregaluhan siya ng binata nang tatlong libro na maraming poems at ilang Mills & Boon books. Nang magkaroon siya noong nakaraan na araw ay nautusan niya ito ibili siya ng napkin.  Noong una na maubusan sila ng supplies at namili siya sa grocery ay hindi ito nagreklamo sa tagal niya. Madalas kasi ay nakabase siya sa presyo kaya matagal siya mamili. Kung tutuusin ay mas mahaba ang pasensiya nito pagdating sa kanya. Malaking bagay na iyon para sa kanya.  Bumili siya ng prutas sa labas dahil mas mura doon kaysa sa loob ng supermarket. Huminto sila sandali para bumili ng prutas sa tabi ng daan. "Manong, matamis po ba ito?" tanong niya sa peras na hawak. Kinse ang isang piraso, mas mura kung tutuusin sa loob na apat na piraso nasa isang daang pesos na. "Oo naman, ine. Kung gusto mo tikman mo pero bibilhin mo na 'yang kinagatan mo." Ani ng manong.  Pinunasan lang niya ang prutas at kinagatan.  "Hindi ba dapat hugasan muna bago kainin? Hindi tayo sigurado kung malinis." ani Daniel sa kanya.  "Huwag ka maarte. Tikman mo matamis," in-umang niya sa bibig nito ang peras na hawak. Kumagat naman ito at hindi na nagreklamo. Napangiti siya nang kumagat ito sa parte na may kagat na niya.  "Kukuha po ako ng lima, Manong."  Natuwa si Sasha dahil pakiramdam niya ay malaki ang natipid nila. Nakatingin lang si Daniel sa kanya habang masaya niyang kinabit ang seat belt niya.  "Hindi mo naman kailangan magtipid, Sash."  “Kailangan iyon, Dan. Dapat praktikal tayo dahil mahirap kaya ang buhay. Maraming tao ang nahihirapan kumita ng pera sa mahal ng bilihin. At mas mabuti na mamili sa mga katulad ni manong kasi mas kailangan nila iyon. Marangal silang nagtatrabaho para mabuhay."  Nilingon niya ang nagtitinda sa gilid nila.  "Hindi natin alam ang maghirap kasi hindi natin naranasan. We study in a reputable university and have our own allowances. We live in a comfortable house and spending money without thinking if we need those things. Hindi natin naranasan ang mahirapan kumita ng pera."  Hindi niya naranasan mahirapan dahil binibigay ng ina ang mga kailangan niya. Pero ito ba noong namatay ang ama nila? Iyong pilit sila tinataguyod ng kapatid niya? She never understand her sacrifices. Iyong takot nito mawalan ng pera hindi dahil sa mga luho nito kundi sa maghirap muli ito.  Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya.  "You want to go with your Mom?"  Malungkot na nilingon niya ito. "Nasa Batangas siya kasama si Tito Greg." "Puntahan natin.” “Okay lang kaya?”  Tumango ito. “I want to meet your mother too, Sasha. Let’s go and talked to her. Nandito lang ako.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD