CHAPTER 1

1300 Words
Chapter 1: Pregnant REOLLA MOON's POV "Poirier, b-buntis ako," nauutal kong sambit at medyo nanginig pa ang boses ko. Napatigil si Poirier sa ginagawa niya at nakaawang ang mga labing tiningnan ako. Hindi makapaniwala... Nangangamba ang emosyon na nakaguhit sa kanyang mukha. Nangangamba kasi ikakasal na siya sa fiancée niya. Sa babaeng una niyang minahal at matagal na silang magkasintahan bago pa man ako dumating sa buhay nila. Alam kong mali ang mga ginagawa namin. Alam kong mangyayari itong kinatakutan ko. At nangyari na nga... Buntis ako... Buntis ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ba ang desisyon na gagawin ni Poirier. Para sa akin at para sa magiging anak namin... "It can't be," mariin at malamig na wika niya. Napayuko ako at mahigpit na pinagsiklop ko ang mga daliri ko. Parang mabibingi na ako sa lakas ng t***k ng puso ko. May mga negatibong nabubuo sa utak ko. Negatibo na alam kong sa huli ay masasaktan ako. Sa sinabi pa lang niya ay tila pinagpira-piraso na nito ang puso ko. Sa mga mata pa lamang niya...ay alam ko na ang kasagutan... Pero wala naman akong magagawa, kung ano man ang pipiliin niya. Tanggap ko. Kung ano man ang magiging desisyon niya ay tanggap ko, tatanggapin ko pa rin at pinaghandaan ko na ito. Pinaghandaan ko na ang bagay na ito... "Paanong nangyari iyon? B-Bakit ka--" hindi niya natapos ang sasabihin niya at padabog na tumayo siya. "Shet! This is insane! Fvck!" malutong na mura niya at nagawa pa niyang sabunutan ang kanyang buhok. "Sorry..." naiiyak sa saad ko at nag-uunahan nang maglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Bumigat ang aking dibdib at unti-unti ring gumuguhit ang kirot sa aking dibdib. "Alam mo kung ano tayo... Alam mo kung ano ang mayroon tayo, Reolla... Alam mong wala tayong commitment sa isa't isa," walang emosyon na sambit niya. Mas lalo lang akong nasasaktan sa mga katagang binigkas niya. Bakit nga ba ginagawa namin ang bagay na iyon? Kahit pareho kaming aware sa magiging consequences nito? Bakit nga ba hinayaan niya na angkinin ako gayong alam niyang may girlfriend na siya? Bakit nga ba hindi ko siya pinigilan para sa bagay na iyon? Dahil pareho naming nagustuhan ang nangyari sa amin... Pero siguro... Pareho rin kaming nadala ng sinasabi na tinawag ng laman? Nagpadala sa init ng katawan? "A-Alam ko," nauutal kong sambit at bayolente akong napalunok. Sunud-sunod ang pag-agos ng mga luha ko. Naramdaman ko na tumabi siya nang upo sa akin at ramdam ko rin ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. Ayaw kong tingnan siya dahil natatakot ako... Natatakot ako dahil baka masaktan lamang ako sa mababasa ko sa mga mata niya. Kahit sa mga oras na ito ay nasasaktan na nga ako... "I'm sorry..." hinging paumanhin niya sa akin na labis na ikinabasag ng aking puso. Pitong letra, dalawang salita. Itong kataga na libo-libo ang kahulugan. Simpleng salita lang at tuluyan ng nadurog ang puso kong sugatan. Na matagal ng may sugat... "Ayokong maging pabigat sa 'yo, Poirier. H-Hindi ko intensyon na maging obligasyon ka namin ng anak ko... P-Patawad... Pero Poirier, alam mong hindi ko kayang buhayin ang batang nasa sinapupunan ko... A-Alam mo kung ano ako... W-Wala akong pinag-aralan at wala akong trabaho... K-Kaya...ikaw lang ang makakatulong sa amin..." malungkot na sabi ko. Sa puntong ito ay sinalubong ko na ang mga mata niya na halo-halong emosyon ang nakaguhit. Nangingibabaw ang awa... "A-Anak ko. Anak ko rin ang batang dinadala mo, Reolla... Huwag kang mag-alala, pananagutan kita. Pananagutan kita pero sa ibang paraan..." *** KINABUKASAN ay pumunta kami sa hospital para matingnan ang kalusugan namin ng aking anak. Sinamahan nga niya ako at todo alalay siya sa akin. Kahit ganitong gesture niya lamang, na tila iniingatan niya ako ay nakokontento ako at masaya na... Ang tinutukoy niyang pananagutan niya ako pero sa ibang paraan... Ay bibigyan niya ng sustento ang anak namin...kahit wala ng kasalan ang magaganap. Pananagutan niya ako na siya ang bahala sa mga gagastusin ko. Mula sa bahay at panganganak ko. Magbibigay siya sa amin ng allowance kada-buwan pero mananatili kaming lihim sa kanyang pamilya. Kami ay itatago niya, na natatakot din siyang malaman ang tungkol sa amin. Dahil ang kasal nila ng fiancé niya ang matutuloy. Ayos lang sa akin... Kahit masakit dahil...alam kong iniibig ko na si Poirier ay pinili ko ang kanyang desisyon. Ang mahalaga lang sa akin ay ang sustento niya sa anak namin. Dahil kung wala siya... Kung hindi ko sinabi sa kanya na buntis ako at tatakas na lamang sa takot... Hindi ko kayang buhayin ang aking anak... Wala na akong mga magulang dahil kamamatay lang ang mga ito at si Poirier ang kumupkop sa akin. Binigyan niya ako ng tahanan... Kaya kung tutuusin ay malaki nga ang utang na loob ko sa kanya. Kaya noong gabing lasing siya at may nangyari sa amin pero naulit ang mga kaganapan na iyon ng walang alak ang yumayakap sa kanya. Nakalimutan namin ang realidad... Ang mas inisip namin ng gabing iyon ay ang parehong maabot ang langit... Kahit isang kasalanan din ang ginawa namin... Nang malaman ni Poirier ang pagbubuntis ko ay nagpa-set agad siya ng schedule para sa check namin ng anak ko at sa doctor na kilala niya at pinagkakatiwalaan niya. "Ikaw talaga, Poirier, eh... Mas bata yata sa 'yo ang misis mo," puna ng babaeng doctor. Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko maiwasan ang magkulay kamatis ang aking magkabilang pisngi. Misis, ano kaya ang pakiramdam kung tinatawag na iyon sa akin ni Poirier? Pero hanggang pantasya na lamang ako dahil hinding-hinding mangyayari iyon. Napakaimposible at hanggang pangarap lang din. Sa iba niya lang masasambit ang katagang iyon at hindi sa akin. Nalulungkot man ako pero pinilit ko ang maging masaya. "Dito ka humiga, Misis," ang malambing na sabi sa akin ng doctor at nginitian niya ako na mabilis naman akong gumanti. Inalalayan naman ako ni Poirier na makahiga sa hospital bed at inayos pa niya ang pagkakahiga ko. Naramdaman ko ang paglagay ng malamig na likido sa bandang puson at tiyan ko. Maya-maya lang ay may itinuro na sa amin ang doctor at nang makita ang maliit na guhit na iyon ay naging emotional ako. Hindi ko lang siya nararamdaman ngayon, dahil nakikita ko na rin siya kahit hindi pa man siya na malinaw at buong-buo. Napangiti ako na may mga luha sa aking pisngi. "Oh... 8 weeks na ang bata. Malalaman natin ang gender niya next month... Congrats, Mommy and Daddy..." Nakita ko naman ang naging reaksyon ni Poirier. Katulad ko ay nakita ko rin ang pangingilid ng mga luha niya at mukhang masaya naman siya. "Thank you..." sabi niya at kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Salamat din po, Doctora..." "Ililista ko rito ang mga bagay na hindi na dapat ginagawa ni Mommy at ang mga pagkain na dapat niyang kainin at bawal... Saka ang vitamins niya rin," nakangiting pahayag sa amin ng doctor. Muli kong tiningnan ang ultrasound at napahawak ako sa tiyan ko. "Ang baby ko..." nakangiting sambit ko... Kakaiba pala ang saya kung malalaman mo na magiging ina ka na at may matatawag ka na ring anak... Sobrang saya na kay hirap ding ipaliwanag. Pero...sa mga sumunod na araw ay hindi na natuloy ang pag-aalaga sa akin ni Poirier dahil nalaman niya rin na buntis ang fiancé niya. Mas nabigyan niya ng atensyon ang babaeng mahal niya at doon pa lamang... Naramdaman ko na rin na isang unwanted family lang kami ng anak ko... Ako si Reolla Moon, nabuntis ng lalaking pag-aari na ng iba pero hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin dahil dumating sa buhay ko ang anak ko... Siya ang pinagkukuhanan ko ng lakas at loob...ang nag-iisa kong anak...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD