CHAPTER 2

1703 Words
Chapter 2: Marriage & Almost miscarriage KINABUKASAN ay maaga akong nagising at naghanda ako agad. Sa sarili ko. O tamang sabihin na hindi ako nakatulog dahil sa walang tigil ko sa pag-iyak kagabi. Aksidente ko lang nalaman ang tungkol kay Poirier at sa fiancée niya. Na ngayong araw na ito ay sila ikakasal na. Sobrang bigat sa dibdib nang malaman ko iyon at tila sinasaksak ako ng kutsilyo sa puso ko. Mahal ko nga talaga si Poirier kaya nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil ikakasal na siya sa babaeng mahal niya at hindi ako iyon... Never na magiging ako ang babaeng makakasama niya hanggang sa pagtanda niya at maging sa habangbuhay at napakalabo talagang mangyari ang bagay na iyon. Suntok sa buwan. Baka kung hihilingin pa niya na kung muli siyang mabubuhay sa mundo ay pipiliin pa rin niya si Ameefa sa kanyang buhay. Na ito lang ang mamahalin niya, kahit ilang beses man siyang ipanganak sa mundong ito o maging sa kabilang buhay. Hindi ko nga rin alam kung kailan at paano nga ba talaga ako nahulog kay Poirier. Kung bakit siya ang tinitibok ng puso ko gayong may mahal na siyang iba. Gayong may nagmamay-ari na ng puso niya at nakatakda na silang ikasal. Ako lang ito ang naging...hadlang sa kanila kaya pinili rin ni Poirier ang ilihim ako, ang tungkol sa pagbubuntis ko sa kanyang anak. Isa lang siguro ang naging maganda sa buhay ko... Ang magkaroon ng sariling anak na siya mismo ang ama... ALAM kong isa sa katangahan ang gagawin ko ngayon dahil hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang lakas na loob kong pumunta sa kanyang kasal... Kahit na alam kong...hindi puwede. Nalaman ko na sa Manila Cathedral gaganapin ang kanilang kasal at sa malaking hotel naman nila tutungo ang lahat ng kanilang mga bisita pagkatapos ng wedding ceremony. Simpleng white floral dress lang ang sinuot ko at flat na sandals. Hinayaan ko lang nakalugay ang alon-alon kong buhok na hanggang baywang ang haba nito. Parang ako ang ikakasal dahil sobrang paghahanda ang ginawa ko. Hindi ako naglagay ng kolorete sa mukha. Natural na mapula ang mga labi ko at para na rin akong naglagay ng eyeliner sa kilay dahil sa kakapalan nito at ang itim na itim kong mga mata. Namumula rin ang aking pisngi na kahit hindi naman ako naglalagay ng blush on. Ilang linggo nang hindi tumatawag si Poirier sa akin para kamustahin ang lagay namin ng kanyang anak. Na kung dati ay madalas naman niyang ginagawa. Una pa lang ay nagtataka na rin ako kung bakit...hindi na siya tumatawag. Iyon pala ay naghahanda na siya para sa kasal niya. Noong nakaraan kasi ay naulinigan ko ang pag-uusap ng dalawang kasambahay, na aking kasa-kasama sa mga oras na ito. 'Saktong pababa lamang ako mula sa hagdanan nang marinig ko ngang nag-uusap sila. "Lorda, hindi ka ba nagtataka kung bakit madalang ng tumawag sa telepono si Sir Poirier at bumista man lang?" tanong ng isang pinagkakatiwalaan ng kasambahay ni Poirier. Kasalukuyan silang naglilinis sa sala at nakuha pa nila ang magkuwentuhan. Wala namang kaso iyon sa akin at kaya ko rin naman ang kanilang mga trabaho pero napagsabihan na rin naman ako ni Poirier na dapat nagpapahinga ako at hindi masyadong maggalaw sa mansion dahil buntis ako. Ayaw niya lang daw ang mahirapan kami ng anak namin. Kaya kumuha siya ng dalawang kasambahay na pinagkakatiwalaan niya ng lubos. Kaya hindi magiging problema sa kanya ang tungkol sa amin. Ang pagtatago niya sa akin na nagdadalang tao. "Nagtataka rin naman ako, Arbeth. Lalo pa na nag-aalala ako kay Ma'am Reolla. Halos bantayan na niya ang telepono sa loob ng kanyang kuwarto dahil sa paghihintay sa tawag ni Sir Poirier pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam," sagot ng nagngangalang Lorda. Alam kong nag-aalala sila para sa kalusugan ko. Nakikita ko rin ang awa sa kanilang mga mata na hindi ko naman kailangan. "Palaging balisa si Ma'am. Kung bakit naman kasi hindi pa pinakasalan ni Sir Poirier si Ma'am Reolla. Bagay naman sila at nakikita kong hindi naman pera ang habol sa kanya nito kahit alam natin pareho na may isang bagay siyang pinanghahawakan upang hindi na makawala pa sa piling niya ang ating amo... Pero hindi niya ito ginamit dahil mabuting babae si Ma'am Reolla. Hindi ko maintindihan si Sir, eh... Pero hindi ko alam kung totoo nga ba ang nalaman kong balita... Nakita ko lang kanina habang namamalengke ako. Alam mo naman na mayaman si Sir Poirier at ang kanyang pamilya, hindi ba?" mahabang sabi nito. "Ano ba iyon? Parang kinakabahan ako... Sana naman ay hindi malala." Napatutop pa sa dibdib ang isa at mas lumapit sa kanya ang kasama niya. "Nabalita mismo sa TV na ikakasal na si Sir Poirier kay Ameefa San Gorte. Kilalang anak mayaman din ang babae..." Ameefa San Gorte...siya ang fiancé ni... Poirier... Sumikdo ang aking puso at napahawak ako sa aking dibdib. Nagtaas baba ang aking pahinga dahil sa unti-unti kong nararamdaman ang paninikip nito. Posibleng tama iyon... Totoo ang balita na iyon. "O baka arrange marriage lang 'yan? Alam mo naman ang mga mayayaman, eh madalas ganyan..." "Totoong ikakasal na si Sir Poirier dahil may mga larawan pa sila kasama ang bride niya. Hindi ko nakikitaan na ano'ng emosyon, iyong tila pinipilit siya dahil nakangiti naman siya. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Marahil mahal talaga ni Sir Poirier ang babae... Pero si Ma'am Reolla... Feeling ko ay masasaktan ang ating mabait na amo..." "Posible 'yan. Kaya pala masyadong abala si Sir Poirier nitong mga nakaraang araw... K-Kinakabahan na rin ako para kay Ma'am Reolla... Ano na ang kanyang gagawin? Sana man lang ay sinabi niya... pakiramdam ko ay..." Umalis na ako sa lugar na iyon bago ko pa marinig ang iba nilang pinag-uusapan. Muli akong pumanhik sa akin silid at nahahapong napaupo sa paanan ng kama. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at may luha agad ang nagbabadya. Kagat-labing pinapakalma ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan na akong lumuluha nang walang ingay. Tahimik lang ang aking pag-iyak. Kaya naman pala wala na siyang paramdam sa akin, sa amin ng anak namin... Dahil matatali na siya sa babaeng mahal niya. *** "SAAN po kayo pupunta, Ma'am Reolla?" tanong sa akin ni Lorda at humarang pa siya sa dinaraanan ko. Napahinto na rin si Arbeth sa kanyang ginagawa at binigyan ako nang pansin. "Nababagot na ako sa mansion. Gusto kong magpahangin sa labas," nakangiting sagot ko pero mukhang hindi siya mabibili sa kasinungalingan lang dahil dumako ang nanunuri niyang mga mata sa suot kong damit ngayon. "Puwede po bang samahan ko na lang kayo, Ma'am?" pagpipresinta ni Arbeth at lumapit na siya sa aming puwesto ni Lorda. Umiling ako, "Ayos lang na mag-isa ako. Maiwan na lamang kayo rito at magpahinga. Sandali lamang ako mawawala. Huwag na kayong mag-alala sa akin," ani ko. Nasa mukha nila ang hindi sang-ayon sa sinabi ko pero dahil nirirespeto nila iyon ay wala sa sariling tumango na lamang sila. Bitbit ang aking maliit na shoulder bag ay tinulak ko ang aking sarili palabas. Sumakay ako ng taxi at alam kong malayo sa lugar na ito ang pupuntahan ko. May perang iniiwan para sa amin si Poirier kaya iyon ang dala ko. Sa katunayan nga ay nasa akin din ang isang black card niya na hindi ko rin masyadong nagagamit. Maliban na lamang sa pamimili ko ng mga gamit para sa baby ko. Iilan din ang mga damit ko na kung hindi si Poirier ang bumili no'n ay wala akong balak na pumili noong nasa mall kami. Ayokong sayangin ang pera niya... Halos isang oras ang biyahe namin at nanakit ang aking balakang at pang-upo sa tagal nang biyahe namin. Nagbayad ako kay Manong taxi driver at hindi na ako nag-abala pa na kunin ang sukli ko. Alam kong masyadong mahirap ang kanyang trabaho kaya hinayaan ko na rin. Mapait akong ngumiti nang makita ko ang simbahan at punong-puno ng dekorasyon sa labas. Nagtago ako upang hindi ako makita...kahit hindi naman kailangan dahil wala namang nakakakilala sa akin. Maliban si Poirier. Napahawak ako sa baby bump ko nang makita ko na si Poirier. Para akong maiiyak nang muli ko siyang masilayan. Bihis na bihis siya at ang guwapo niyang tingnan ngayon. Malinis na nakagupit ang kanyang buhok at may ngiti na nakapaskil sa mga labi niya. Masaya siya... May isa pang lalaki ang lumapit sa kanya at pinagpagan pa ang kanyang balikat. Sabay pa silang tumawa at dinumog na siya ng mga kalalakihan. Siguro mga kaibigan niya iyon. "Sino sa kanila ang crush mo, Miss?" Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng isang babae malapit sa aking tainga. Napahawak ako sa dibdib dahil sobra talaga ang gulat ko. Napatingin ako sa babae at halos umawang ang labi ko nang makita ko ang mukha niya. Ang ganda niya... Para siyang anghel... "I'm Elysian Carter. Ayos ka lamang ba? Kanina pa kita napapansin, eh. Mukha kasing hindi ka okay habang nakatingin ka sa mga lalaking iyon. May crush ka sa mga gagong iyon? Sa ikakasal ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Tipid na ngumiti at umiling. Maya-maya ay nawala ang atensyon niya sa akin nang makita ang paparating na kotse. Siguro iyon na ang bride. Wala na rin sa labas sina Poirier at ang kanyang mga kaibigan. Napako ang mga mata ko sa magandang babae na nakasuot ng magandang gown. May ngiti rin sa kanyang mga labi... Malamang...masaya rin siya dahil kasal nga nila ngayon. Mahal nila ang isa't isa kaya sila magpapakasal at buntis din siya katulad ko. "Baka magsisimula na ang kasal. Maiwan na kita, Miss..." ani ng babae at tumango na lang din ako. Napahawak ako sa sinapupunan ko dahil may kirot akong nararamdaman dito. "A-Ayos ka lang ba, anak ko?" nahihirapang tanong ko sa anak ko at dahan-dahan akong dumausdos sa kalsada. Para akong nahihilo at dumidilim na rin ang paningin ko. Habol na habol ko ang paghinga ko dahil tila kakapusin ako hangga't sa hindi ko na nga nakayanan at nawalan na ako nang malay pero narinig ko ang boses ng babae na sumisigaw. "Miss! Oh, my God! Ano'ng nangyayari sa 'yo?! Jayden, hon! Tulungan mo ako at buhatin mo ang babae!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD