CHAPTER 3

1732 Words
Chapter 3: Baby Poinier NAGKAMALAY ako sa isang puting silid, ang puting kisame agad ang sumalubong sa akin at ang pamilyar na amoy ng mga gamot. Binalot ako ng malamig na aircon. Napahawak ako sa ulo ko dahil nararamdaman ko pa rin ngayon ang pagkahilo. Pilit ko naman na inaalala ang nangyari sa akin kanina kung bakit nasa hospital na ako. Si Poirier... Ang kasal... Tama... Nasa Manila Cathedral ako kanina at nakita ko si Poirier na may ngiti sa labi. Bakas ng kasiyahan ang kanyang mukha. Nakita ko rin ang kanyang mapapangasawa at nandoon lang ako bago ako nawalan ng malay tao. "Ang anak ko!" natatarantang sambit ko at bumangon ako. Dahil sa pagkabigla ay umikot ang aking paningin. "Please, Miss. Manatili ka na lamang sa hospital bed mo. Huwag mong biglain ang sarili mo," pigil sa akin ng pamilyar na boses at muli kong nakita ang babae kanina. Nag-aalalang nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit...nag-aalala siya sa akin? "Kumalma ka, okay?" sabi niya at tahimik na pinanood ko lang siya na nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay niya iyon sa akin. Malugod ko namang tinanggap iyon dahil tila natutuyuan ang aking lalamunan. "Kamusta ang iyong pakiramdam?" tanong niya sa akin. Tila hinihele ako sa malambing niyang boses. "Ang a-anak ko po?" sa halip ay iyon ang itinanong ko sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat. "Talaga namang walang ina ang hindi mag-aalala sa ating mga anak... Ayos lamang ang baby mo, Miss. Siguro ay nabigla ka lang kanina at may ibang emosyon akong nakikita kanina kung kaya't pati ang baby mo ay nararamdaman nito at naapektuhan siya. Be careful next time, iwasan mo ang ma-stress. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan niyong mag-ina," mahabang saad niya at napatango na lamang ako. Pero naaalala ko naman ang kanina. "Salamat... Kung hindi mo siguro ako...nakita kanina ay baka...napahamak na ang aking anak," marahan na saad ko. Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Nakikita ko kasi ang sarili ko sa 'yo noong pinagbubuntis ko pa ang panganay namin ng asawa ko. Nakikita ko rin ang lungkot... Pero matatag kang ina... Kung may problema ka mang kinaharap sa mga oras na ito...piliin mo ang magiging matatag, Miss. Maging matapang ka sa lahat ng bagay. Alalahanin mo rin na may baby ang inaasahan ka..." sabi niya. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya sa akin kapagkuwan. "Reolla... Reolla ang aking pangalan at maraming salamat, Elysian..." sabi ko at ngumiti sa kanya. "May pakiramdam ako na hindi pa ito ang huli nating pagkikita, Reolla..." Tumango ako. "Sino pala...ang lalaki kanina na bumuhat sa akin?" "Ang asawa ko, si Jayden. Kaibigan niya ang groom kaya noong nabuhat ka na niya sa taxi ay pinaalis ko na siya. Hindi siya puwedeng um-absent sa wedding ng best friend niya." Ngayon alam ko na... Kailangan ko na nga talagang umalis dahil nakilala ko ang asawa ng kaibigan ni Poirier. Utang ko sa kanya ang buhay naming mag-ina kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanya pero kailangan ko na talagang umalis. Baka malaman pa ito ni Poirier. Ayokong magalit siya sa akin. Si Elysian Carter ang nagbayad ng bills ko sa hospital kahit sinabi ko naman na may pera ako para doon. Pero nagkusa siya. BUMALIK ako sa mansion na halos palubog na ang araw kaya noong nasa gate pa lamang ako ay sumalubong na sa akin ang dalawa. Napangiti ako nang makita ang mukha nilang dalawa na nag-aalala. Bumili na rin ako ng prutas para kahit papaano ay wala silang paghihinalaan sa kung saan ba talaga ako nagpunta. "A-Ang tagal niyo po sa labas, Ma'am..." magkasabay na saad nila. "Napasarap ang aking pagpapahangin sa labas, eh. Heto, ang mga prutas at kayo na ang bahala," ani ko at akala mo ay walang nangyari sa akin kanina na hindi maganda. Naospital ako dahil sa katangahan ko. Gusto ko lang talaga makita si Poirier. Ayoko nang maulit ang nangyari sa akin kanina kaya todo ingat na ingat na rin ako. Nawala na rin sa akin ang paghihintay sa tawag ni Poirier pero hindi ko inaasahan na siya pa ang kusang dumalaw sa amin. Tatlong buwan na rin ang nakakaraan noong ikinasal siya kay Ameefa. Kabuwanan ko na rin. Ang dami niyang na-missed na mga araw. "Hindi ka ba pinapahirapan ng ating anak, Reolla?" nakangiting tanong niya sa akin. Kung ibang tao lang ang makakakita sa amin ay baka pagkakamalan kaming mag-asawa. Nasa sala kami at magkatabing nakaupo sa sofa habang nakaakbay siya sa akin at nasa malaking umbok na tiyan ko ang kanang palad niya. Marahan na humahaplos iyon. "Ayos naman. Mabait ang baby natin," nakangiting sagot ko pero naglaho iyon nang makita ko ang kamay niya. Sa kanyang palasingsingan. Uminit ang mga mata ko at parang may luha ang nais kumawala roon. Kumikirot ng matindi ang puso ko. Kung malalaman ito ng asawa niya ay alam kong sasabihin niya na isa akong kabit... At iyon naman ang totoo. May asawa na si Poirier kaya lumalabas na ako ang kabit. "Mabuti naman kung ganoon. Malapit na rin natin siya masilayan. Excited na ako kaya maghahanda talaga ako para sa panganganak mo. Gusto kong...ako ang unang makaririnig ng kanyang pag-iyak..." Pero hindi nangyari ang bagay na iyon dahil hindi naman siya dumating. Nasa ibang hospital siya at ang asawa niya ang sinasamahan niya sa panganganak na hindi ko rin inakala na sabay pa kaming manganganak ni Ameefa. Kaya noong isinilang ko ang aking anak ay marami na siyang kaagaw... May tumulong luha sa aking pisngi nang makita ko na ang anak ko. Sobrang liit niya at mamula-mula ang kanyang kutis. Halos humagulgol ako dahil sa sobrang kasiyahan. "It's a healthy baby girl..." Ipinatong ng doctora sa aking dibdib ang anak ko at gamit ang nanginginig kong mga kamay ay hinawakan ko siya at marahan na hinagkan ang kanyang noo. "M-Maligayang pagdating sa mundo, aking anak..." nanginginig ang boses na sambit ko. Kamukha niya ang Daddy niya... "Ano po ang ipapangalan niyo sa baby niyo, Ma'am?" tanong sa akin ng nars. Pagod na ngumiti ako sa kanya, "P-Poinier... Poinier Del Fierro ang pangalan niya," sagot ko. Isang linggo akong nanatili sa hospital kasama ang anak kong si Poinier. Sina Lorda at Arbeth ang nag-aalaga para sa aming mag-ina. Parang nagkaroon nga ako ng kapatid at kaibigan sa kanilang mga katauhan. Kaya kahit naging malungkot ako dahil pinaasa lang ako ni Poirier ay nawaglit na rin iyon sa aking isipan dahil sa kanilang dalawa. NASA kuwarto kaming mag-ina habang pinapasuso ko ang anak ko at hinahaplos ko ang pisngi niya. "Sobrang ganda mo, anak ko... Napakaganda..." malambing na sabi ko at may pag-iingat na hinalikan ko ang noo niya. Sa araw na iyon ay hindi ko inaasahan ang pagdating ni Poirier kaya nagulat pa ako. Sa ganoong posisyon niya rin kami naabutan at ang nakita ko lang ay ang mga luha niya habang nakatingin sa aming anak. "Siya... Oh, God..." Maingat na sumampa siya sa kama at humiga sa kama, sa tabi ni Poirier. "I'm sorry kung ngayon lang si Daddy, anak ko... I'm so sorry, baby..." puno ng pagsisisi ang kanyang boses at umalog mang husto ang kanyang balikat. Paulit-ulit na hinalikan ang pisngi at noo ng aming anak. Inayos ko ang sarili ko at bumangon na rin. "P-Puwede ko bang... Puwede ko bang hawakan siya?" tanong niya. "Oo naman..." sabi ko at ako na mismo ang nagbigay sa aming anak sa kanyang bisig at mas umiyak lang siya. Masaya na ako... Masaya na ako ang makitang mahal na mahal niya rin ang anak namin. Kahit palaging second priority niya lamang kami... O baka ang aming anak lang ang iniisip niya at hindi ako kasama roon. "You're so beautiful, baby... I love you... I love you, so much... I'm sorry if I failed you, anak ko... Babawi si Daddy sa 'yo... Babawi ako sa 'yo--" bigla ay natigilan siya at tiningnan ako. "Ikaw? Ayos ka lamang ba? H-Hindi ka ba nahirapan?" sunod-sunod na tanong niya. Umiling ako at nabigla ako nang hapitin niya ang baywang ko palapit sa kanya. Naramdaman ko ang malambot na mga labi niya sa noo ko. "I'm so proud of you, Reolla... Ano'ng... ano'ng pangalan ng anak natin?" tanong niya at isang bisig na lamang ang pinanghawak niya sa anak namin. "Poinier... Poinier ang kanyang pangalan," sagot ko at napasinghap siya. May mga luha na naman ang bumuhos. "Salamat... Salamat, Reolla... Pinasaya mo ako..." Na ngayon lang dahil alam kong mas masaya ka sa piling ng mag-ina mo. Gumawa ng baby sounds si Poinier kaya napangiti na niya ang Daddy niya. "She's very beautiful. just like her Mom," tila proud na sabi niya at mabilis na nag-init ang magkabila pisngi ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon ng walang pag-aalinlangan. Sana nga, Poirier... Sana nga ay kami na lang ang totoo mong pamilya...totoong pamilya naman kami pero may kahati pa kami. O baka kami itong nanghahati at umaagaw ng atensyon sa kanyang pamilya? "Poinier... Ang ganda ng pangalan mo, anak ko... Pareho ang birthday niyo ni Zoer..." Na baka mas uunahin mong mag-celebrate kasama ang anak mo kay Ameefa kaysa sa anak natin, Poirier. Katulad ko, ay alam kong aasa rin sa 'yo ang anak natin. Baka... mararamdaman niya rin itong nararamdaman ko ngayon. Ayokong masaktan ang anak ko pero wala akong magagawa... Dahil mas importante nga sa 'yo ang mag-ina mo kaysa sa amin... Dalawa na kami ang hadlang sa buhay mo. Totoong tinupad nga ni Poirier ang kanyang sinabi na babawi siya sa aming anak dahil nanatili siya ng isang linggo sa mansion namin at halos hindi na niya bitawan pa si Poinier. Napapangiti na lamang ako pero nagtataka rin ako kung bakit... O kung ano na ang ginagawa ng mag-ina niya ngayon. May alam kaya ang kanyang asawa kung nasaan siya sa mga oras na ito? Dahil natitiyak ko rin na wala pang alam ang asawa niya tungkol sa amin. Nanatiling lihim pa rin kaming dalawa. Ayos ka siguro iyon para sa kaligtasan naming mag-ina. "Babalik si Daddy, baby... Hintayin mo ako," sabi niya at hindi ko alam kung bakit may lungkot akong nakikita roon. Dapat maging masaya siya dahil uuwi na siya sa pamilya niya. "I'm gonna miss you, Poinier..." sabi niya at maging ako ay hinalikan niya rin sa noo bago siya umalis. Ganoong eksena ang palaging nangyayari sa amin sa mga nakalipas na buwan at nakokontento ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD