CHAPTER 6

1684 Words
Chapter 6: unwanted visitor "MAMA? Hindi po ba... Makakarating si Daddy?" malungkot na tanong sa akin ng anak ko. Nakayuko siya at kanina pa niya pinaglalaruan ang mga daliri niya. Nahuhuli kong mariin na pipisilin iyon. Today is her 4th birthday. Sa nakalipas na kaarawan niya maliban sa first birthday niya ay hindi na namin kasama pa ang Daddy niya. Palaging kami na lang nina Arbeth at Lorda ang naghahanda para sa birthday ni Poinier. Lumapit ako sa kama namin dahil doon siya nakaupo, pagkatapos ko siyang bihisan. Tumabi ako sa kanya at marahan na hinawakan ko ang maliit niyang mukha. Nababasa ko ang lungkot at pananabik sa mga mata ng aking anak. Masuyo kong hinaplos ang pisngi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Palaging busy si Daddy para may ipambili siya ng mga laruan mo. Baka..." nangangamba na sabi ko at hindi ko magawang tapusin dahil sa pamumula ng mga mata niya at nangingilid na ang mga luha niya. Any moment ay babagsak na iyon. "P-Pero birthday ko po ngayon, Mama... D-Dapat...nandito po si D-Daddy ko... Palagi na lamang po siyang wala..." pumiyok ang kanyang boses. Nang tuluyang tumulo ang luha niya ay dinala ko sa dibdib ko ang ulo niya at niyakap siya. Nasasaktan ako para sa anak ko. Nasasaktan ako dahil palaging ganito ang eksena naming dalawa sa tuwing kaarawan niya. Nakauusap naman niya noon ang Daddy niya after her first birthday pero natapos na iyon, noong sumunod ang 2nd birthday niya ay wala na talagang paramdam sa amin. Na para bang wala na siyang pakialam pa. "M-Mama...hindi ko naman po k-kailangan ang maraming toys... G-Gusto ko lang makasama ang Daddy ko... Sapat na po siya sa akin, Mama... Palagi po siyang wala sa birthday ko..." sumbong niya sa akin at umalog ang balikat niya. Humigpit ang yakap ko sa kanya at hinalikan ang noo niya. Mahihinang hikbi na ang kumakawala mula sa mumunting bibig niya. "M-Mama... I wanna see my Dad... I want him for my birthday... H-Hindi na po ba niya ako...love, Mama? A-Ayaw na po ba sa akin ni Daddy? Kaya ba...palagi siyang wala sa birthday ko? Kaya ba hindi siya nagpapakita sa atin? May...i-iba na po ba siyang...love? Maliban sa atin, ha Mama?" punong-puno ng hinanakit na tanong niya sa akin. Parang sinasaksak lang ng patalim ang puso ko dahil sa mga narinig. Mas masakit na nga ang marinig ko ang pag-iyak niya at makita siyang ganito. Nasasaktan din siya. "Hindi totoo 'yan, anak ko... Mahal na mahal ka ni Daddy... Sobrang...love na love ka niya..." ani ko. Sinasabi ko ito kay Poinier para hindi niya kamuhian ang Daddy niya. Para hindi siya magalit dito, at kahit magtampo lang siya. Huwag lang ang lumayo ang loob niya. "B-But where he is, Mama? It's my 4th birthday, Mama... Where's my Dad?!" umiiyak na sigaw niya sa akin at hinagod ko ang likod niya. Paulit-ulit na hinalikan ang pisngi at noo niya. "M-May regalo naman si Daddy... Kahit hindi siya makakapunta, 'di ba? May birthday gift ka from Daddy..." pag-aalo ko sa kanya. Hindi totoong may regalo nga siya na natatanggap mula sa Daddy niya. Hindi totoo na nagpapadala pa rin si Poirier ng mga laruan para sa anak namin. Hindi katulad ng dati na hindi pa umaabot ng dalawang linggo ay kung anu-ano na ang mga laruan na natatanggap ni Poinier mula sa kanya. Pero may sustento pa rin si Poirier sa anak namin. Lumalaki ang pera sa bangko na hindi ko gaano binabawasan. Kada-buwan pa rin ang pagbibigay niya sa amin. Noong tatlong araw ang nakalipas ay nakita kong nasa 50K ang pera ng nag-withdraw ako. Napag-usapan namin noon ni Poirier na kahit 10K lang ang laman ng bank account ko ay ayos na. Kaya na kaming buhayin ni Poinier sa halagang iyon. Sa kompanya sumasahod, kung saan na-hired ang dalawa naming kasama kaya hindi na iyon naging problema ko. Tinira ko lang ang 30K para may mabalikan naman ako. Dahil inaamin kong natakot ako na baka pati ang sustento ni Poirier sa anak niya ay tatalikuran niya pero hindi naman. Pero kung mangyayari nga iyon ay mapipilitan akong maghanap ng trabaho para sa anak ko. Kahit alam kong mahihirapan ako. Napagkasunduan namin na 10K lang kada-buwan ang ipapadala niya at sumang-ayon naman siya sa akin. Alam kong napakayaman ni Poirier kaya sukli lang sa kanya ang 10K pero noong pumunta ako sa bangko kahapon at nag-withdraw ay nagulat ako nang makita na umabot na iyon sa milyon. Dinagdagan yata ni Poirier dahil alam niyang birthday ng anak niya. O kung naaalala pa ba niya. Ang tinutukoy ko namang regalo ay ako ang bumibili no'n at sinasabi ko lang sa anak ko na bigay ng Daddy niya. May cards pa ito para paniwalang-paniwala siya. Ayokong magsinungaling pagdating sa bagay na iyon pero hindi ko kayang makita ang anak ko na nasasaktan dahil lang sa paghihintay niya sa Daddy niya na walang kasiguraduhan kung ito ba ay darating. Dahil katulad pa rin ng dati ay walang Poirier ang nagpapakita sa amin. Hindi na nakatiis pa ang anak ko at iyak lang siya nang iyak. Sinubukan ko na rin na tawagan si Poirier pero hindi talaga siya sumasagot sa kabilang linya. Ni mga text messages ko ay hindi niya nire-replayan. Kaya sa huli ay sumuko na rin ako. Wala naman akong magagawa pa kundi ang aluin na lamang ang anak ko. Nakatulugan na ni Poinier ang pag-iyak pagkatapos no'n at tila wala na siyang balak pa na i-celebrate ang birthday niya pero napilit pa rin namin siya. Kahit papaano naman ay nakalimutan niya saglit ang tungkol sa Daddy niya. Balang araw, anak ko... Maiintindihan mo rin ang lahat. Na kung bakit...hindi rito natutulog sa atin si Daddy... Na kung bakit nagagawa ka niyang tiisin kahit na mahal na mahal ka niya. Dahil may kahati ka sa kanyang atensyon. Si Daddy ay hindi para sa atin... Kahit halatang malungkot si Poinier ay pinipilit niya pa ring ipakita sa amin na wala lamang iyon. Na ayos na siya at kaya pa rin niyang hintayin ang pagbabalik ng Daddy niya. Day off nina Arbeth at Lorda nang araw na iyon. Kaya naisipan nila ang umuwi sa probinsya at sinabi ko na gawin na nilang isang linggo ang pag-stay nila kasama ang mga pamilya nila. Nalulungkot man sila dahil isang linggo nila na hindi makikita si Poinier. Kaya naiwan kami ng aking anak sa mansion. Iniwan ko siya sa may sala habang naglalaro siya ng dollhouse niya. Naging paborito niya ang teddy bear niya na pinangalanan na Pon-pon. Ang bisekleta niya na kami na ang nagtuturo no'n sa kanya dahil hindi na nagawa ng Daddy niya. Hinalikan ko ang pisngi niya dahilan na napatingin siya sa akin, "Ano'ng gusto mong ulam mamaya, anak ko?" nakangiting tanong ko sa kanya. Inayos ko ang suot niyang headband. Ngumiti siya sa akin at may sagot na agad, "Iyong tuna lang po, Mama," sagot niya sa akin at muling naglaro. Tumayo na ako at naglakad na patungo sa kusina pero nakarinig ako ng pagbusina ng sasakyan sa labas ng mansion namin at baka nasa gate iyon. Hindi nakatakas sa pandinig ni Poinier ang ingay na iyon kaya gulat na napatayo pa siya. "Si Daddy! Baka nakalimutan po niya ang birthday ko kahapon kaya siya nandito? Baka may late celebration po tayo, Mama?" nakangiting tanong niya sa akin. Umiling ako dahil nakaramdam ako ng kaba sa dibdib. Imposibleng si Poirier iyon. Kahit hindi niya direkta na sinabi sa akin ng araw na iyon na ang pamilya niya ang pinili niya ay alam ko iyon na ang nangyari. Kaya napakaimposible na siya itong dumating dahil may kakaiba akong pakiramdam ngayon. Bago pa makalapit sa front door si Poinier ay mabilis ko na siyang pinigilan. Pinangko ko siya at naguguluhan na nilingon niya ako. "Si Daddy ko na po iyon, Mama. Gusto ko po siyang makita! Excited na po ako, Mama!" excited pa ring sabi niya. Umiling ako at pinaupo ko siya sa sofa. Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. Hinalikan ko ang ulo niya at nangungusap ang mga matang tiningnan siya. "Puwede bang dito ka na muna, anak ko? Titingnan lang ni Mama kung sino ang dumating pero...huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi kita tinatawag. Stay here muna, baby..." sabi ko at hindi man lang nabawasan ang kaba ko. "Poibier, maasahan ba kita, anak ko?" muling tanong ko sa kanya dahil nanatiling naguguluhan pa rin siya. "Hindi po ba si Daddy ko na 'yan, Mama?" tanong niya na ikinailing ko. "Kung si Daddy 'yan ay tatawag muna siya sa atin bago pupunta rito. Promise me, Poinier na hindi ka aalis dito at hintayin lamang ako sa pagbalik," sambit ko at unti-unti na siyang tumango. "O-Opo, Mama..." Alam kong masunurin na bata siya kaya malakas ang loob ko na iwan siya roon at huwag sumunod sa akin. Humugot na muna ako ng malalim na hininga. Sinulyapan ko pa ang anak ko na nakatingin sa akin sa mga oras na ito. Saka ko pinihit pabukas ang doorknob. Mas lalong lumakas ang tambol sa dibdib ko nang makita ko ang pulang kotse na halatang mamahalin. Nanginig ang binti ko pero nagawa ko pa ring maglakad at lapitan ang gate namin. Bumukas ang pintuan ng pulang sasakyan at may babae ang lumabas doon. Una kong nakita ang mataas niyang heels na kasing kulay rin ng kotse niya. Napatayo ako nang tuwid nang makilala ko kung sino ang babae. Walang kasing bilis ang t***k ng puso ko at nakararamdam na ako ng hindi maganda. Parang may mangyayari na ano...na hindi ko mawari. Sinulyapan ko ang mansion kung saan naghihintay sa akin ang anak ko. Tama nga ang kutob ko na hindi si Poirier ang dumating. Sa halip ay kanyang asawa... Oo, ang asawa ni Poirier ang dumating. Paano kaya niya nalaman ang tungkol sa amin? Ang mansion? May alam na ba talaga siya? Si Poirier ba ang nagsabi sa kanya? Maraming katanungan na kay hirap sagutin ngayon. Tumikhim ako at mas lumapit sa gate. Hanggang baywang ko lang ang taas no'n at wala akong balak na pagbuksan ang babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD