Mabilis ang takbo ko palabas ng harden. alam ko na hinahabol niya ako. ilan pa? ilan pang kasinungalingan ang itinatago niya sa akin? Iyak ako ng iyak habang tumatakbo. kusang bumukas ang pader kaya mabilis akong nakalabas. nasa tulay na ako ng may humablot sa braso ko at pinalingon ako sa kaniya. Nakita ko ang kinakabahan na niro, huminga siya ng malalim. inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. "h-hannah..." "wag ka ng mag-salita!" galit kong sabi. "mahal ko, p-patawad.." "sabi ng wag ka'ng mag-sasalita!, at wag na wag mo akong tatawaging mahal!" Lumunok siya at namuo ang butil ng luha sa mata niya. "ilan pa? ilan pang kasinungalingan ang tinatago mo sa akin? ha? bakit, bakit kong hindi ko pa nalaman ay hindi mo sasabihin sa akin!" "patawarin mo ako, nais lang

