"una pa lang ay magkakilala na tayo, mga bata palang tayo, tayo na ang itinadhanang ipakasal ng mga magulang natin. hindi ako mahihirapang ligawan ka dahil alam kong may gusto ka na sa akin simula pa man" nakangisi niyang sabi. Nanmula naman ang pisngi ko. Ganon ba ako dati? may gusto na sa kaniya noong una palang. " tayo na ang laging magkasama. kapag umiiyak ka, nandoon ako. nagagalit, nandoon din ako. Hanggang sa lumaki tayo ay tayo ang palaging nagkaka-intindihan, nagkakasama" tumawa siya at napa-iling "minsan nga isang gabi, nagpatulong kapa sa akin na tumakas sa palasyo niyo para mapanood mo ang paglipad ng mga umiilaw na lantern. Ayaw mong pagmasdan lang ito sa veranda ng kwarto mo, gusto mong ikaw mismo ang magpalipad nito at kasama ako" Tumingin siya sa akin. "gusto kong mau

