Chapter 33 "Happy birthday, Mommy!" Masayang mukha ng aking anak ang bumungad sa akin pagdilat ko ng aking mga mata. Ginabi ako sa pag-uwi kagabi dahil tinapos ko na 'yung mga importanteng dokumento kaya't medyo tanghali na nang magising ako. Pansin ko iyon dahil lumulusot na sa kurtina ang sinag ng araw. Naka-leave ako ngayong araw sa trabaho dahil gusto kong makasama ang anak ko sa espesyal na araw na ito. Taun-taon kapag nagkakataong may pasok ako sa araw ng mismong birthday ko ay nag-f-file na agad ako ng leave. "Thank you, baby ko." Bumangon ako at naupo sa kama saka hinalikan ang aking anak. "Where's my birthday kiss, baby?" Tumingkayad naman ito at ginawaran ako ng matunog na halik sa pisngi. "I love you, mommy! "I love you too, baby. Thank you." Pinisil ko siya sa pisngi.

