Chapter 34 "ANAK, wala na ba talagang pag-asa na magkaroon ng kumpletong pamilya si Sagan?" mahinahong tanong ni Mama habang pinapanood namin si Sagan na naglalaro sa slide. Inaalalayan siya ng kanyang ama. Pagkatapos ng mahabang kainan at kuwentuhan kanina sa restaurant ay sumaglit kami rito sa park. Iyon naman kasi talaga ang balak ko sana kaya lang ay may pakulo pala silang sorpresa sa 'kin. Walang kapaguran si Sagan sa kakulitan. Hindi niya nakaligtaang magyayang pumunta rito. Sinulyapan ko si Mama at muling ibinalik ang aking tingin kay Sagan. Malakas ang kanyang tawa sa tuwing nadudulas siya sa slide. He looks completely happy. "Ma, hindi mahirap paintindihin ang anak ko. Isa pa, sanay na siyang ako lang ang kasa-kasama niya. Sanay na siyang wala siyang ama." "Pero, anak, hindi

