Chapter 35 "SA WAKAS bumigay rin ang bitterela ng taon!" nakadipang deklara ni Marga pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagbabalikan namin ng sperm donor. "What's bitterela, Tita Marga?" inosenteng tanong ng anak ko habang kumakain ng sandwich na ginawa ko para sa almusal niya. Sinenyasan ko si Marga na manahimik. Ngunit lumapad lang ang ngiti niya kahit na pinandilatan ko siya. Kaya pala sinulsulan niya akong sugurin si Sid sa kanilang bahay dahil isa siya sa mga kasabwat ng mga lalaking 'yon. "Baby Sagan, ang ibig sabihin no'n nagpapakipot pero may gusto rin naman." "Marga!" I clenched my fist. "Oh!" Napatakip ng kanyang mga bibig si Sagan. "Sagan, doon ka muna. Manood ka ng TV. Mag-uusap lang kami ng Tita Marga mo, ha?" Saktong tapos na siyang kumain kaya't inalalayan ko s

