PART 2

935 Words
"Malayo pa ba tayo?! Hindi ko na kayang maglakad!" Angal na ni Leah sa mga pinsan. Tumigil ito sa paglalakad, nakaramdam na kasi ito ng hapdi sa mga paa. Hindi man nito tingnan ay alam na nitong puro paltos na ang mga paa sa loob ng suot nitong doll shoes. "Malapit na tayo. Konting tiis na lang," ani ni Ana na napatigil din sa paglakad. Kahit ito ay iika-ika na rin. Ilang metro na ang layo ng kanilang nilalakad mula sa tumirik nilang sasakyan. At kahit alam nilang malapit na ang target nilang bahay na pupuntahan ay pakiramdam nila hindi na sila aabot sa sobrang pagod nila. For the first time, nagawa nila ang ganitong bagay. Magsisi man sila ay huli na. "Bilisan niyo na r'yan! Gabi na! Baka kung ano pa mangyari sa'tin dito sa daan!" sigaw ni Jeff sa kanila. Mas nauna ito sa paglalakad, palibhasa atleta ito sa kanilang school kaya sanay. Sa takot, muling pinilit na naglakad ang lima. Sinundan nila si Jeff sa ayaw at sa gusto nila. May papilay-pilay na, may naghanap na ng tungkod at may nagtanggal na ng sapatos. At ang masaklap lahat sila uhaw at gutom na. Nagdilim na ang paligid. May takot mang nararamdaman ay patuloy pa rin ang magpipinsan sa paglalakad. Nang sa wakas, ilang hakbang na lang ay narating nila ang unang bahay nang nayon. Subalit wala yatang tao, kaya lakad ulit silang magpipinsan. Dahil probinsya hindi na sila nagtaka kung bakit hiwa-hiwalay ang mga bahay, ilang metro pa bago marating ang isa pang bahay. Hindi gaya sa Maynila. "Mga insan! May burol!" Napaatras si Jeff sa nakita. Mula sa malayo ay pansin na agad na may pinaglalamayan ang mga tao sa susunod na bahay. "What?!" Nahintakutang reaksyon ni Leah. Nagkandahaba-haba ang leeg nito para masilip ang sinasabi ni Jeff. Samantalang si Jules, lumapit pa sa bahay, saka bumalik. "Oo may lamay nga. Tamang-tama pwede tayo makekape. Gutom na talaga ako," at anitong kinapa ang tiyan. "No way! Hanap na lang tayo ng ibang bahay, huwag diyan!" Subalit pag-angal ni Lyn na napayakap sa braso ni Belen. "Good timing nga 'to eh, makakakain tayo agad! Magpanggap lang tayong nakikiramay ay papakainin na tayo ng biscuit!" Pagpipilit ni Jules. "Hindi naman kaya nakakahiya ang gagawin natin kung ganoon, Jules? Baka magambala lang natin ang mga namatayan? Hindi naman yata tama 'yon!" Ana opposed. "Oo nga. Baka multuhin pa tayo niyan? Titiisin ko na lang ang gutom ko," Leah seconded. "But I think wala namang masama. Makikiramay lang tayo tapos aalis na. Dadaan din naman tayo bakit hindi na lang tayo sumaglit?" suhestyon pa rin ni Jules. Palibhasa ay gutom na talaga ito. "Tingnan niyo, oh, mukhang malayo na naman ulit 'yung susunod pang bahay." Napaisip ang mga babae. Saglit na nagpalitan sila ng mga tingin. "Ano?! Game na ba?!" Inip na tanong ni Jules, hindi na makapag-antay sa gutom. Pakiramdam nito kasi ay naglalaban-laban na ang mga alaga nito sa tiyan. "Sige na nga. Uhaw na uhaw na rin talaga ako, eh." Nang sa wakas ay sang-ayon na rin ni Leah. "Good!" Naibulalas ni Jules sa katuwaan. Nag-fist bump sila ni Leah. "Kayo? Game na rin ba?" Tapos baling nito kina Lyn, Ana at Belen. Walang problema kay Jeff. Mukhang inaantay lang naman nito ang desisiyon ng mga babae nilang pinsan. Sa huli ay tumango ang apat dalaga. Mahapdi na ang kanilang tiyan kaya no choice sila. Unang pumasok ang dalawang lalaki sa gate ng bahay na gawa sa kawayan, pansamantalang pinaiwan ang apat na babae para sigurado. Pagkuwa'y kita na ng mga dalaga ang pagkaway ni Jeff sa kanila. Pinapasunod na sila. Alinlangan man ay pumasok na rin ang apat. "Nana Gwada, mga pinsan ko po sa side ni Mama." Ang narinig nilang sabi ni Jules sa isang matandang babae. Nakatalukbong ito ng itim na tela sa ulo kaya na-gests nilang ito ay kamag-anak ng namatay. Isa-isa silang pinagmano ni Jules sa matanda. Nagtataka man ay sunud-sunoran na lamang ang apat na dalaga. "Nana Gwada, pasensiya na po kayo ulit, hah? Kung ngayon lang kami nakarating. Nasiraan po kasi kami sa daan. Saka late na po nang mabasa ko 'yung sulat niyong pinadala na sinasabi niyo," sabi ulit ni Jules sa matanda. Akala mo ay totoo ito. Naguguluhan na sila sa mga sinasabi ng pinsan. Pasimpleng siniko ni Ana si Jeff. "What the hell he's doing?" "Basta makisama na lang kayo. Mamaya na namin ipapaliwanag," Jeff answered ni slow voice. Sapat na para manahimik silang apat. Pinaupo silang lima sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Maliban kay Jules na kasama na ng matanda sa harap ng kabaong. Seryosong nag-uusap ang dalawa na animo'y magkakilala. "Nagpapanggap si Jules na anak ng namatay. Napagkamalan kasi siya ng matanda na apo." Mayamaya ay mahinang paliwanag ni Jeff sa nangyayari sa mga babae. "Oh my, God! Bakit kailangan pa niyang gawin 'to?!" nangangambang wika ni Leah. Mababakas sa tinig at reaksyon ng mukha nito ang pagkadisgusto sa ginagawa ni Jules. "Baka lalo tayo mapahamak nito, Jeff?! Stop him! His crazy!" takot namang sabi ni Belen. Niyugyog nito ang manggas ng t-s**t ng pinsan. Ito ang mas kinakabahan sa ginagawa ni Jules. "Eh, pinigilan ko na kanina. Ayaw paawat, eh. 'Di bale, bukas na bukas aalis na rin naman na tayo rito," alo ni Jeff sa mga babaeng pinsan. "Baliw talaga ang lalaking 'yan! Puro kalokohan ang alam!" sambit ni Ana na napakasama ang tingin kay Jules. "Naku! Kapag pumalpak 'yan! Bahala siya sa buhay niya!" Hindi ring sang-ayon na sabi ni Lyn. Napahalukipkip pa sa inis. Parang nawala na ang gutom nila at napalitan ng nerbyos..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD