bc

GANTI SA PANAGINIP

book_age18+
552
FOLLOW
1.8K
READ
adventure
murder
revenge
time-travel
student
tragedy
no-couple
like
intro-logo
Blurb

Anim na magpipinsan ang sadya'y magbakasyon lamang sana sa kanilang lola. Ngunit sa kasamaang palad sila ay naligaw. Para maka-survive, nakagawa sila ng kasinungalingan. Isang bangkay ang kanilang nagambala nang hindi nila sinasadya.

Sa kanilang pagbabalik sa Maynila ay namalayan na lamang nila na tinutugis sila ng bangkay na iyon sa pamamagitan ng mga panaginip nila. Ang nangyayari sa panaginip nila ay nangyayari rin paggising nila. Kung mamamatay sila sa panaginip nila ay mamatay rin sila paggising nila.

Paano nila tatakasan ang ganti sa panaginip ng isang patay?

Sino ang makakaligtas?

Sino ang magliligtas?

chap-preview
Free preview
PART 1
Biglang preno ang sasakyan kaya halos masubsob ang lahat sa harapan ng van sa ginawang iyon ng driver. "Aray! Ano ba 'yan?!" Inis na react ni Leah. Halos mahalikan na nito kasi ang salamin ng kotse dahil ito ang nakaupo sa front seat. Tapos ay nadaganan pa ito ng isang pinsan mula sa likuran. Tulog kasi silang lahat sa byahe kaya hindi nila napaghandaan ang pagkadyot ng sasakyan. Nagulat silang lahat. "Bakit ka ba kasi biglang prino, Insan?!" Iritang tanong ni Jules na nagda-drive na pinsan din nila. Sumubsob naman ito sa likod ng upuan ng nagmamaneho. Napakamot ng ulo ang driver. At imbes na sumagot ay lumabas ito sa van. Takang nagkatinginan sa isa't isa ang magpipinsang naiwan sa loob ng sasakyan. Oo, magpipinsan lahat sila ngayon na nakasakay sa van dahil dadalawin nila dapat ang Lola nila sa probinsya ng sabay-sabay subalit inabot yata sila ng kamalasan. Sapagkat lahat ay batid nilang nawawala sila kanina pa. Kanina pa kasi sila sa byahe pero hindi sila makarating-rating sa paroroonan. Kinabahan ang lahat sa inasta ni Jeff. Ang pinakapanganay sa kanilang lahat at ito ang driver. "Anong problema n'on?" takang tanong ni Ana. Inalis nito ang malaking headphone sa ulo. Kibit-balikat si Lyn na nasa tabi nito. "Ewan ko. Baka wala ng gas 'tong van or baka nasiraan tayo." "Ang malas naman natin! Badtrip!" Inis na turan ni Jules, bahagyang nasuntok nito ang salamin ng van sa inis. Palibhasa ay napilitan lang itong sumama sa mga pinsan kanina. "Keysa gumanyan ka, bumaba ka kaya para tulungan mo si Jeff kung ano man ang problema!" Singhal ni Leah dito. Lalong nairita ang dalaga sa pagdadabog ni Jules. Lahat naman sila ay naiinis na sa nangyayari dahil dapat ay kanina pa sila nakarating sa probinsya ng Lola nila. Hindi dapat ganito na parang nagpapaikot-ikot lang sila sa hindi nila alam kung anong lugar. "Oo nga naman!" Sang-ayon ni Belen na kanina pa tahimik sa lahat. Ito kasi ang pinakamahina ang loob kaya pinili na lang nitong magmukmok sa gilid ng van mula i-anunsyo ni Jeff kanina sa kanila na parang nawawala sila. Padabog na binuksan ni Jules ang pinto para lumabas na ng van. "Oo na!" at walang nagawang sabi na lang nito. Ano bang laban nito sa mga babaeng pinsan kapag pinagtulungan siya? Wala! "Dito lang kayo! Walang lalabas!" Kusot ang mukhang padabog na isinara rin nito ang pinto pagkasabi n'on. Batid nitong pinagtatawanan siya ng mga pinsang babae dahil talo na naman siya. Tss! Iiling-iling na lang itong pinuntahan si Jeff. Medyo nasa malayo na si Jeff na nakatayo at tila nagmamasid. "Insan!" tawag nito sa pinsan. Ngunit parang walang narinig si Jeff. Lumapit pa si Jules lalo rito. "Parang walang katapusan ang bundok na ito, Insan." pasigaw na sabi n Jeff. Hindi na maantay na makalapit ng todo si Jules. Sa narinig, awtomatiko na umikot ang tingin ni Jules sa paligid. Nakakatakot ang mga naglalakihang mga puno. Nakakapangilabot ang malamig na ihip ng hangin. At tanging huni ng mga ibon lamang ang naririnig. Napalunok ng laway si Jules. Pansin din kasi nito na papadilim na rin pala kaya para itong batang sumiksik kay Jeff nang tuluyang makalapit sa pinsan. "Bitiwan mo nga ako!" angal ni Jeff. Tinutulak nito ang ulo ni Jules. Para kasing bata si Jules kung makakapit sa braso nito. "Nakakatakot dito, Insan! Gumagabi pa naman na! Anong gagawin natin? Huwag mo sabihin dito tayo magpapalipas ng gabi? Sigurado bubulyawan tayo ng mga babae!" ani Jules. Bumitaw na ito kay Jeff bago pa ito upakan ng pinsan. Pupunas-punas ito ng mga braso gawa nang tumatayo na lahat ng mga balahibo nito sa katawan habang iginagala nito ang tingin sa paligid. One word na describe nito sa kinaroroonan nila- creepy! Sobrang creepy! Sh*t! Si Jeff, napamaywang lang. Hindi kasi nito alam kung ano ang isasagot kay Jules. Ang totoo kanina pa ito nag-iisip kung ano ang dapat gawin. Talaga kasing paikot-ikot o pabalik-balik na lang sila sa lugar na 'to. At kung hindi man parang walang katapusan na paglalakbay. Kaya nga uminit ang ulo nito kanina. Hindi nito matanggap sa sarili na wala itong magagawa ngayon, lalo pa't mga pinsan nito ang umaasa rito sa pagkakataong ito. Si Jeff kasi ang pinakamatanda kaya ang isip nito'y resposibilidad nito ang kaligtasan ng ibang pinsan. "Ewan ko, Insan!" Ang tanging nasabi nito sa bandang huli kay Jules. "Patay tayo riyan!" Nanghinang ani ni Jules. "Tingnan niyo 'yon! Parang may ilaw sa banda roon!" Bigla ay boses ni Ana mula sa kanilang likuran, na halos ikatalon nilang dalawa sa gulat. Nakalapit ang dalaga sa kanila nang 'di nila namamalayan kaya nagulat sila at sa tingin nila narinig ng dalaga ang kanilang pinag-uusapan. "Ano ka ba gusto mo ba kami patayin sa gulat?! Next time mag-excuse ka muna, hah?!" reklamo ni Jules kay Ana. OA na napahawak pa ito sa dibdib gawa ng pagkakagulat. Muntik na kasi itong panawan ng ulirat sa matinding takot. Ngumisi ang dalaga. Hindi naman nito sadya na manggulat, na-excite lang ito sa hindi inasahang nakita. "Tingnan niyo kasi 'yon! Ilaw 'yon hindi ba?" Kahit gulat pa'y sabay na sinundan ng tingin nina Jeff at Jules ang itinuturo ni Ana. "Oo nga! Ang galing ng mata mo, Insan!" pagkuwa'y tuwang wika ni Jules. Inakbayan pa nito ang dalaga sa katuwaan. Kahit paano nagkaroon ulit sila ng pag-asa. Konting nawala ang kaninang pangamba nila na baka matulog sila sa gitna ng gubat at lamunin sila ng mga mababangis na hayop. Bata pa sila para mamatay agad! Waaahh! "Ano sa tingin mo, Jeff?" baling na tanong ni Ana sa nakakatanda nilang pinsan. Ngumiti si Jeff. "Ilaw nga siguro ng bahay. Pero parang malayo 'yon mula rito. Konti na lang ang gasolina ng van. Mukhang hindi na kakayanin ng van ang pumunta roon." "Okay lang 'yon, at least makalapit tayo konti. 'Di bale na lang na maglakad tayo 'pag tuluyan nang maubusan tayo ng gasolina," ani Ana which is may point. Tumango-tango si Jeff. "Kung sabagay." "So, tara na?!" Anyaya na ni Jules. Masaya ang tatlo na bumalik sa van. "Oh, what's the plan?" tanong agad ni Leah sa kanila. "Pupuntahan natin iyong bahay na nakita namin," tipid na sagot ni Ana. "Baka makahingi tayo ng tulong." Bumalik ang sigla nilang magpipinsan. Muling pinaandar ni Jeff ang van. Bahala na kung hanggang saan aabot ang kanilang gasolina..........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

SILENCE

read
381.3K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.4K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.2K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.6K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook