Story By Ad Sesa
author-avatar

Ad Sesa

ABOUTquote
FALL SEVEN TIMES, STAND UP EIGHT... Be a part of my friends: Facebook: Ad Sesa Facebook Page: Author Ad Sesa Tiktok: Ad Sesa Instagram: ad_sesa YouTube Channel: Ad Sesa STORYDRAMA Email: adsesa0631@gmail.com
bc
THE PLAYBOY'S NERD SLAVE (Corinne)
Updated at Mar 29, 2024, 19:06
"Pangit man kung tawagin, at least ma-appeal pa rin." =============== Sobra ang takot ng sampung taong gulang na batang si Corinne nang sa harap-harapan niya ay pinagpapatay ang pamilya niya. Mabuti na lamang at may naka-hoddie ng itim na lalaking nagligtas sa kanya. “Mabuhay ka, bata. Hindi kita papatayin. But remember this; you owe me your life. Babalik ako after fifteen years upang singilin ka,” subalit ay sinabi sa kanya. As she matured, those words continued to haunt Corinne. Napilitan tuloy siyang magpanggap na baduy. She thought that by doing so, the male killer wouldn\'t recognize her. Ang kaso\'y naging dahilan iyon upang maging tampulan siya ng tukso at tawagin din siyang pangit. Ayos lang naman sa kanya na ma-bully, ang mahalaga ay ligtas ang identity niya. Lumaki si Corinne sa mag-asawang umampon sa kanya at naging maalwan pa rin ang buhay niya sa kabila ng nakakarimarimarim na nakaraan. Nagulo lamang ulit ang buhay niya nang biglang nalugi ang negosyo ng Daddy niya at nakulong. Kapalit ng paglaya ng kanyang ama ay nagpaalipin siya kay Jagr Salvatore, ang lalaking inakala niyang matandang mayaman madaling mamatay, ngunit kabaliktaran pala. Hindi naging madali ang pagsisilbi niya sa bastos, mayabang, arogante, at higit sa lahat ay napakamanyak na binata. Paano kaya makakalaya si Corinne kay Jagr Salvatore? Magkakapalagayan pa kaya sila ng loob kung sa bandang huli ay malalaman ni Corinne na may kinalaman si Jagr sa lahat ng nangyari sa kanyang buhay mula umpisa? And who is the man in the hoodie? Will he really find Corinne?
like
bc
HER SUFFER-RING
Updated at Jan 26, 2024, 03:19
May gustong-gusto si Calynn na singsing. Subalit isang araw ay binili ito ng isang lalaki para sa nobya nito. Simula niyon ay animo'y heartbroken na si Calynn. Hindi niya matanggap na pag-aari na ng ibang babae ang singsing na inasam-asam niya. Ang hindi niya inasahan ay muling magkukurus ang landas nila ni Reedz, at walang anumang ibinigay na lang nito ang singsing sa kanya dahil ni-reject daw ito ng nobya. Subalit imbes na matuwa ay nakonsensya si Calynn. Hinanap niya si Reedz para ibalik ang singsing. Ang hindi niya inasahan, sa isang iglap, dahil sa singsing ay siya na ang na-engaged sa binata, kay Reedz Rovalez na isa palang bilyonaryo. Anyare? At ano pa kaya ang mangyayari?
like
bc
ANOTHER MRS. ZIEGLER
Updated at Dec 10, 2023, 07:52
"BILYONARYO NA NAGKAROON NG AMNESIA, NANG BUMALIK ANG KANYANG MEMORYA, MERON NA SIYANG TATLONG ASAWA..." *** Namatay si Mia Ziegler kung kaya pinagpanggap ni Kabhy si Lailey na maging si Mia ito hangga't hindi pa siya nakaka-move-on. Ang hindi inasahan ni Kabhy ay bigla siyang naaksidente na naging dahilan nang pagkawala ng kanyang memorya at tuluyang pag-angkin ni Lailey sa pagiging Mrs. Ziegler. Naging ghost singer naman Lailey si Eyrna Arquino. Pero bigla-bigla ay naglahong parang bula si Lailey sa showbiz kasabay nang pagkatuklas ng mga tao na hiram lamang pala nito ang maganda nitong boses. Naging dahilan iyon upang maging trending si Eyrna sa social media. Sa kasamaang palad, naging sanhi rin iyon ng panganganib ng kanyang buhay at mga mahal niya sa buhay. Nagkaroon siya ng mga bashers. Gawa ng takot, nagdesisyon si Eyrna na magtago. Nagtungo siya sa isang probinsya. Doon ay nakilala niya si Darion, ang estrangherong binata na mayroong amnesia. In just a short period of time, Eyrna and Darion fell in love with each other. At kinailangan nilang magpakasal sa ayaw at gusto nila dahil nahuli sila ng mga matatanda sa maselang sitwasyon. Sa una ay naging masaya naman silang mag-asawa. Until Darion was tracked down by his real family, and his name turned out to be Kabhy Ziegler, a billionaire who owns a mining company in the country. Tanggap naman ni Eyrna ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. Ang hindi niya lang halos matanggap ay ang malamang may asawa na pala si Darion. Ang masaklap pa ay ang kinamumuhian niyang si Lailey pala ang legal wife nito. How can Eyrna overcome the fact that she was not the real and first Mrs. Ziegler? Ipaglalaban ba niya ang pagmamahal niya kay Kabhy o magpaparaya? And what if Kabhy’s memory returns. Sino kaya ang pipilian niya na maging tunay na kanyang Mrs. Ziegler? ************************************************* MISTRES MISTAKE SERIES: Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna) Series 2: Mistress By Accident (Kai) Special Series: Uncured Pain of a Wife Series 3: His Secret Rage (Rucia) Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella) Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)
like
bc
THE MAFIA'S UGLY NANNY (Xalene)
Updated at Dec 4, 2023, 10:10
"Hipon man sa inyong paningin, nakakalibog pa rin!" =============== Pikit-mata na ipinagkaloob ni Xalene Silvano ang virginity niya sa isang guwapong pulubi gawa nang sobrang sama ng loob niya sa pinsan niyang nais siyang gasahain ng paulit-ulit. Subalit bigla na lamang itong naglahong parang bula. Sinubukan niyang hanapin upang kahit paano maibalik niya ang pulang sumbrero nito. Unfortunately, ni anino ng pulubi ay hindi na niya nakita. Sa huli, tinanggap ni Xalene ang kasawian na makilala ang pulubi at nag-focus na lamang siya sa bagong career na nadiskubre niya; ang pagpapatawa sa social media. Makalipas ang isang taon, naging isang sikat siya na komedyanteng vlogger. At buong akala niya ay magtutuloy-tuloy na ang suwerte niya sa buhay. Hanggang sa nasangkot siya sa pagkawala ng sampung milyon sa fundraising na ginawa nila ng kapwa niya vlogger. She was accused of stealing the donations, which led to her reputation being tarnished. Overwhelmed by shame and stress, Xalene chose to temporarily distance herself. Lumayo muna siya sa limelight. Naging dahilan iyon para tanggapin niya ang trabahong pagyayaya ng mga naglalakihang alagang aso ni Syver – ang bilyonaryong binata na CEO ng Exo Gaming Company. Subalit dahil likas na makulit si Xalene ay hindi sila madaling magkasundo ni Syver. Laging naiinis sa kanya ang binata, pero sa huli ay makukuha naman niya ang kiliti nito hanggang sa mahuhulog ang loob sa kanya nito. Ang hindi inasahan ni Xalene ay ang malalaman niyang may kinalaman pala si Syver sa nawawalang sampung milyon na sumira sa kanyang career. Na isa palang modern-day cybercriminal mafia boss ang inakala niya'y mabait na binata. Ano ang mangyayari sa love story nilang dalawa kung hindi pala nila kilala ang totoong pagkatao ng bawat isa? At paano na kaya kung babalik pa bigla sa buhay ni Xalene ang guwapong pulubi na pinakanais-nais niya na makita? *********UGLY BESH SERIES********* Series 1: THE BILLIONAIRE'S PLUS-SIZE MAID (Leren) Series 2: THE MAFIA'S UGLY NANNY (Xalene) Series 3: THE PLAYBOY'S NERD SLAVE (Corinne)
like
bc
RIVALRY OF TWO HUSBANDS ( R-18)
Updated at Nov 20, 2023, 05:45
Tumakas si Anasia dahil sa pananakit at panloloko sa kanya ng asawa niyang si Vernon. At hindi sinasadya ay sumakay siya sa kotse ni Reynan. Ang hindi niya alam ay pauwing probinsya ng San Ildefonso ang binata upang makaiwas sa Covid-19 na kumakalat na raw sa buong Metro Manila. Nang mahuli siya ni Reynan ay pinagtabuyan siya nito. Pero nang makita nito ang mga pasa niya sa braso ay napilitan itong kupkupin siya kahit sa araw lang na iyon. Ngunit sa kasamaang palad ay nasama sa lockdown ang probinsya ng San Ildefonso kaya hindi na makaalis si Anasia. Sa ancestral house nina Reynan ay nagsama ang dalawa. Sa una'y hindi sila magkasundo dahil napakasungit ni Reynan gawa na brokenhearted ito, ngunit hindi nagtagal ay nagkagustuhan din sila at pinilit ni Anasia na magpakasal sila agad. Masaya na ang dalawa bilang mag-asawa ngunit nang matapos ang lockdown at malaya na lahat ng tao ay nahanap sila ni Vernon. Binawi nito si Anasia ngunit hindi rin papayag si Reynan na mawala sa kanya ang asawa. Ano ang magiging kahihinatnan ng tunggalian at agawan ng dalawa? At sino kaya ang totoong asawa? Paano kung mabuntis din siya? Sino kaya ang ama?
like
bc
CANNIBAL BEAUTIES
Updated at Nov 20, 2023, 05:24
Anim na sundalo ang napasama na sumabak sa gyera sa lugar na pinamumugaran ng mga bandido. Pero natalo sila hanggang sila na lang ang natira. Tumakas sila sa mga bandido para mailigtas ang buhay nila. Napadpad sila sa isang tahimik na lugar. Lugar na mga babae lang ang mga nakatira. Subalit ang akala nilang ligtas na sila sa piling ng mga naggagandahang mga babae iyon ay hindi pala. Anong hiwaga meron ang mga babaeng nakasuot ng mahahabang itim?
like
bc
A Deal with Mr. Hired Killer
Updated at Nov 8, 2023, 07:23
Ang magiging trabaho lamang sana Marisel 'Isel' Francisco ay ang bantayan ang bahay ng kanyang tita sa Maynila. Subalit ay hindi sinasadya ay nakita niya ang totoong hitsura ni Mr. Hired Killer na kinakatakutan ng lahat, lalo na ng mga mayayamang may ginagawang katiwalian. At pinapili siya, ang patayin siya o paglingkuran siya? Ano kaya ang pipiliin ni Isel?
like
bc
DARKER SIDE OF HIM (Free)
Updated at Oct 30, 2023, 19:59
Nagmahal lang siya nang lubos kaya nakisama si Maiza sa nobyo niya kahit na hindi pa nagpapakasal. Pumayag siyang makipag-live in partner. Tinanggap niya ang kapalaran niya basta makapiling lamang niya ang lalaking mahal niya. Ngunit paano kung ang ka-live-in niya ay may mas totoong ka-live-in-partner pala? Paano kung ginagamit lang pala siya para ang dalawa ay makapagsama? Ang masakit pa'y may girlfriend pa ito na totoong minamahal? Paano tatanggapin ni Maiza ang kawalang hiyaan ni Olmer? Will she still love him despite the fact that he is playboy and a gigolo?
like
bc
TAYO NA LANG, PUWEDE NAMAN
Updated at Oct 30, 2023, 04:58
Noong namatay ang mama niya, ang hiling ni Tiffany ay makatapos siya ng pag-aaral kahit na ano'ng mangyari. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Hanggang sa isang madam ang tumulong sa kanya at in-offer-an siya ng isang milyon gawin niya lang na tunay na lalaki ang bakla raw na anak nito. Sa una ay nag-alangan siya pero sa huli ay tinanggap niya ang offer nang wala na siyang choice. Nga lang ay hindi pala madali dahil ang crush niyang si Bearlan Grylls ang baklang paiibigina niya pala. Nasaktan siya dahil bakla pala ang inakala niyang binata na ka-forever niya. Tuloy ay naging aso't pusa silang dalawa. Magagawa nga kaya niyang gawing lalaki si Bearlan Grylls na bakla... RAW?
like
bc
MAKE HIM BAD
Updated at Oct 16, 2023, 20:11
“Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!” Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil agad niyang nakilala si Kevin Arrastia. What she didn't expect was that Kevin would be the one to change her. She turned into a kind person and fell in love. Tuluyang nabigo siya sa kanyang misyon lalo na nang hindi siya pumayag na mamatay si Kevin. Nabuhay si Kevin, pero kapalit niyon ay naglaho siyang parang bula. Pasalamat nila at sa huli ay pinagbigyan ng langit ang pagmamahalan nila. Muling naisilang si Kiara. Ang problema, nang muli silang magkita ay parang ‘tatay’ na ni Kiara si Kevin dahil labing walong taon na ang agwat ng edad nila. Will heaven grant them another chance to resume their interrupted love story?
like
bc
KISS, MARRY, KILL
Updated at Oct 16, 2023, 19:56
DON'T LET THIS GAME BE YOUR NIGHTMARE TOO... ********** Sikat ang grupo ng limang mananayaw sa Sanchi High, at kung tawagin sila ay The Matrix Dancers. Subalit isang umaga ay lumabas na lamang sa news na sila ay mga pinatay sa loob mismo ng prestihiyosong paaralan habang sila ay nagpa-practice ng kanilang sayaw na isasali dapat nila sa isang dance contest sa TV. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Sino ang pumatay sa kanila? At ano ang ibig sabihin ng mga salitang nakasulat sa mga bangkay nila na KISS, MARRY, and KILL?
like
bc
THE BILLIONAIRE'S PLUS-SIZE MAID (Leren)
Updated at Aug 30, 2023, 01:44
"Kapag ako pumayat, who u kayong lahat..." ============= Leren Guzman has been chubby since birth. Nang lumaki siya'y lalo pa siyang tumaba. At kahit gusto niyang pumayat, hindi pupuwede dahil sa isang pangako na ginawa nila noon ng kanyang kababata at crush niyang si Kent Adriano. Subalit nang biglang namatay ang kanyang Kuya Rain at kagagawan daw ng isang bilyonaryong mafia boss na ang alyas ay Solomon, napilitan siyang mag-focus sa paghahanap ng hustisya. Sa kagustuhan niyang maipaghiganti ang kanyang kapatid ay kakailanganin niya ng malaking halaga. Upang makita raw niya kasi ang mukha ni Solomon ay kailangan niyang makapasok sa website ng mga bilyonaryo na ang grupo ay Exodus. At magagawa niya lamang iyon kung magkakaroon siya ng isang milyon na pang-membership. Naging dahilan iyon upang pasukin lahat ni Leren ang trabaho makaipon lamang ng ganoong kalaking halaga. Kasama na ro'n ang pagtanggap niya sa offer ng isang sikat na kompanya na may bagong slimming product. Ang kasunduan: kailangan niyang pumayat gamit ang produktong iyon upang makuha niya ang bayad na kalahating milyon. Subalit dahil hindi madali para sa kanya ang magpapayat at kukulangin pa rin ang ibabayad sa kanya kung sakali, Leren also had to accept the job of being a maid. She became the maid of the Dr. Zrion Maixner – the surgeon doctor who no longer wants to operate on his patients. Kasabay ng kanyang pagpapapayat ay ang pikit-mata niyang pag-alaga sa doktor. Tiniis niya ang pagiging arogante nito. Until she realized that she was already in love with him. Ang hindi inasahan ni Leren ay malalaman niyang mayroon palang alam si Dr. Zrion kung paano at sino ang pumatay sa kanyang Kuya Rain. Ano kaya ang kinalaman ni Dr. Zrion Maixner? Sino ang mafia boss na si Solomon? At sa huli, papayat o magpapapayat pa kaya si Leren? **********UGLY BESH SERIES********** Series 1: THE BILLIONAIRE'S PLUS-SIZE MAID (Leren) Series 2: THE MAFIA'S UGLY NANNY (Xalene) Series 3: THE PLAYBOY'S NERD SLAVE (Corinne)
like
bc
THE MISTRESS' KARMA
Updated at Mar 23, 2023, 16:45
WARNING! Bulgar ang mga ginamit na salita sa mga spg scenes. Read at your own risk. Thank u. ********* Randy felt scared when he found out that Dhenna Ordeza was a virgin. Kahit noong binata pa siya ay iniiwasan na niya ang ganoong babae dahil para sa kanya, girls like them tend to be clingy. At hindi nga siya nagkamali, the supposed one-night stand turned out to be his biggest problem. Dhenna Ordeza became his desperate mistress. Dhenna did everything she could to get him. She even blackmailed Manet – his legal wife. "Ipapakalat ko sa buong mundo ang naging relasyon niyo ng kapatid mong si Aman kung hindi mo iiwanan si Randy!" banta ni Dhenna kay Manet. Even if it hurts so much in her heart, Manet did let go of Randy and ran away. Maliban sa kahihiyan ay mas inisip ni Manet ang kapakanan ng anak niyang nasa kanyang sinapupunan. Umiwas siya sa gulo at stress upang maisilang niya nang maayos ang kanyang anak. At that point, Dhenna already thought Randy was all hers. What she didn't know was that Manet would return to get revenge on her. Ano kaya ang karma na naghihintay sa napakasamang kabit na tulad ni Dhenna Ordeza? ************************************************* MISTRES MISTAKE SERIES: Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna) Series 2: Mistress By Accident (Kai) Special Series: Uncured Pain of a Wife Series 3: His Secret Rage (Rucia) Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella) Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)
like
bc
REVENGE OF THE REAL WIFE ( Tagalog)
Updated at Nov 11, 2022, 14:13
Gawa ng isang aksidente na nangyari sa araw rin ng kanilang kasal ay na-comatose ang bride na si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan, dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa. Nagkagusto si JL kay Jonathan, ang kapatid ng private nurse. Ginawa lahat ni JL para maagaw si Jonathan sa natutulog nitong asawa. Kaya naman nang nagising si Ashlene ay wala na si Jonathan sa piling nito. --- Kung ikaw ang mistress, kaya mo bang agawin ang asawa ng isang babaeng comatose tulad ng ginawa ni JL? At kung ikaw ang real wife, kaya mo rin bang gayahin ang mukha ng kabit ng asawa mo tulad ng ginawa ni Ashlene makaganti ka lamang? . . . *** PHYSICAL BOOK is now available on IMMAC Printing and Publishing House. Order your copy now****
like
bc
UNCURED PAIN OF A WIFE (Tagalog)
Updated at Jan 21, 2022, 09:38
---MISTRESS MISTAKE Special Series --- Cara Robiego Alfuente has a rare condition that makes her sleep without realizing it. Pero noong una ay segundo or minuto lang naman ang itinatagal, hanggang sa naging oras na kasi, at lumala pa dahil umaabot na ng buong araw. Ang masaklap, habang tulog siya kahit saglit lang gawa ng kanyang sakit ay may umaagaw na pala sa kanyang asawa. Pinag-aagawan na pala ng dalawang babaeng pinagkakatiwalaan niya. Masakit pa'y magtatagumpay ang isa sa pag-angkin sa kanyang asawa dahil sa mga pagkukulang niya. Paano malalampasan ni Cara ang sabay-sabay na dagok sa kanyang buhay kung lahat ng sakit na mararamdaman niya ay walang mga lunas? Magigising kaya siya nang tuluyan sa lahat ng sakit na pagdadaanan niya? ************************************************* MISTRES MISTAKE SERIES: Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna) Series 2: Mistress By Accident (Kai) Special Series: Uncured Pain of a Wife Series 3: His Secret Rage (Rucia) Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella) Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)
like
bc
HIS SECRET RAGE
Updated at Jan 21, 2022, 09:35
---MISTRESS MISTAKE SERIES #3--- Iniwan ni Aman ang buhay at kompanya niya sa Maynila upang hanapin si Rucia sa probinsya. Si Rucia ay ang babaeng nag-prank call sa kanila kaya nawala ang babaeng mahal niya sa kanya. He blames Rucia, so he wants to take a revenge on her. At ang plano niya'y paiibigin niya't paiinitin si Rucia habang magkasama sila sa rancho, pero hinding-hindi niya sisipingan sa kama bilang paghihiganti. Balak niya'y bitinin, guluhin, at iwanang sawi ang dalaga. Pero paano kung iibig siya kay Rucia? Kung malalaman niyang kabaliktaran sa inaakala niyang ugali ng babae ang meron pala si Rucia? Anong mangyayari sa paghihiganti niya? Higit sa lahat, matatanggap niya kaya si Rucia kung malalaman niyang hindi lang basta LOLO ng dalaga ang matandang si Santiago na inaalagaan nito kundi naging sugar daddy noon? Will he still love Rucia despite the fact that she was a mistress then? ************************************************* MISTRES MISTAKE SERIES: Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna) Series 2: Mistress By Accident (Kai) Special Series: Uncured Pain of a Wife Series 3: His Secret Rage (Rucia) Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella) Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)
like
bc
ARDIA: GUARDIANS OF THE CURSED PRINCESS ( Tagalog )
Updated at Jan 21, 2022, 09:23
Hindi aasahan ng limang kabataan na isang araw ay magbabago ang kanilang buhay dahil sa pagdating ng isang nilalang na galing sa ibang mundo. At gagawin silang mga special na tao. Magkakaroon sila ng kanya-kanyang kapangyarihan upang iligtas ang prinsesa ng mga ALBAYANA na isinumpa at ipinatapon daw rito sa mundo ng mga tao. Makakaya kaya ng limang kabataan na maging guardians ng prinsesa laban sa itim na prinsesa? Anong kapangyarihan ang tataglayin nila?
like
bc
MY EPIC GAYUMA (Tagalog)
Updated at Jan 21, 2022, 09:21
Sa kahibangan ni Diane sa kanyang ultimate crush ay may nagawa siyang kagagahan, kalokohan, at katangahan. Sa tulong ng isang matanda ay gumawa siya ng gayuma upang mapaibig niya sana ang lalaking crush niya. Kahit pa suntok sa buwan para makuha niya ang mga sangkap ay wala siyang naging pakialam. Pero what if ang gayumang ginawa niya ay iba ang nakainom? What if epic fale dahil 'yung parang UNCLE niya pa ang makakainom? What will she do? At totoo nga kaya ang epekto ng gayuma? Or mahal talaga siya ng binatang may edad na?
like
bc
THE SPECIAL CHILD ( Tagalog )
Updated at Jan 21, 2022, 09:20
Isang dalagita si Erlie na may kapansanan sa utak na lihim na pinagsamantalahan ng paulit-ulit. At akala ng mga gumahasa kay Erlie ay wala siyang magagawa para maghiganti. Pero iyon ang maling akala nila dahil sa pagbabalik ni Ronalie, ang naging bunga ng panghahalay nila kay Erlie, ay ang siyang magwawakas sa kanilang kasamaan. Gagamitin ni Erlie ang katawan ng kanyang anak para wakasan ang buhay ng mga lalaking lumapastangan sa kanya. Magtatagumpay kaya ang kaluluwa ni Erlie? At hahayaan kaya ni Ronalie na gamitin ng kaluluwa ng kanyang ina ang kanyang katawan para maghiganti? Gayong ang isa sa pwedeng mapatay niya ay ang tunay niyang ama na matagal niyang inasam na makasama?
like
bc
GANTI SA PANAGINIP
Updated at Jan 21, 2022, 09:20
Anim na magpipinsan ang sadya'y magbakasyon lamang sana sa kanilang lola. Ngunit sa kasamaang palad sila ay naligaw. Para maka-survive, nakagawa sila ng kasinungalingan. Isang bangkay ang kanilang nagambala nang hindi nila sinasadya. Sa kanilang pagbabalik sa Maynila ay namalayan na lamang nila na tinutugis sila ng bangkay na iyon sa pamamagitan ng mga panaginip nila. Ang nangyayari sa panaginip nila ay nangyayari rin paggising nila. Kung mamamatay sila sa panaginip nila ay mamatay rin sila paggising nila. Paano nila tatakasan ang ganti sa panaginip ng isang patay? Sino ang makakaligtas? Sino ang magliligtas?
like
bc
KILLER DIARY ( Tagalog )
Updated at Jan 21, 2022, 09:19
Ayun sa sabi-sabi, delikado raw na mahawakan ang itim na diary. Oras na mahawakan mo raw kasi ay manganganib daw ang isa sa iyong kaibigan. Kapag hindi mo malalabanan ang maisusulat sa diary ay mamatay raw siya. Kahit kailan at hindi mawawala ang sumpa hangga't walang mamamatay. Kung ikaw ang makakahawak, ililigtas mo ba ang buhay ng iyong kaibigan? Ano ang meron sa killer diary? Sino kaya ang totoong nagmamay-ari? Ito ba'y isinumpa o kathang isip lamang?
like
bc
INSIDE THE DOLL
Updated at Jan 21, 2022, 09:18
Isang bata na ilang taon nang patay ang hindi maiwanan ang kanyang manika dahil sa pagnanais niyang ito'y makukuha ng taong may mabuting kalooban at mapaghigantian ang mga pumatay sa kanya. There is something INSIDE THE DOLL. Ano kaya iyon?
like
bc
DUGO NG ANGHEL
Updated at Jan 21, 2022, 09:18
Isang bata ang hindi matahimik ang kaluluwa sa isang mall. Nakikipagkulitan at nakikipaglaro pero hindi naman nananakit. Hanggang sa dumating si Nica, ang dalagang nakakakita sa kanya. At doon na nagsimula ang kaguluhan. Naghihintay lang pala ang bata ng pagkakataon upang mapaghigantihan ang mga pumatay sa kanya. Ano ang nangyari sa kanya? Ano ang kinalaman ng mall sa kanya?
like
bc
TAMING THE SYNDICATE LEADER
Updated at Jan 21, 2022, 09:17
Ang gusto lang naman ni Kirsten ay magka-boyfriend bago siya humantong sa pagkokolehiyo. Kaya todo effort siya sa paghahanap ng kanyang kauna-unahang prince charming kahit pa magmukha siyang luka-luka. Pero pa'no kung ang magugustohan niyang maging prince charming ay leader ng sindikato? At ang nais lamang nito ay ang kanyang kidney? Keri pa rin kaya niya?
like
bc
CREATED LIKE THIS
Updated at Jan 21, 2022, 09:10
Dahil sa pagpapahalaga ni Jaroh sa kondisyon ni Sue na may Arrhythmia or hindi normal na pagtibok ng puso na pwedeng ikamatay ng dalaga ay hindi niya magawa-gawang mag-out. Nanatili siyang Pa-Men-Ta para sa kapakanan ni Sue. Tapos ay naging crush pa kasi ni Sue si Edz na lihim na karelasyon niya kaya mas naging magulo pa ang lahat sa kanila. Walang naging choice si Jaroh kundi panatilihing lihim ang kanyang pagkatao at ang relasyon nila ni Edz upang maprotektahan ang damdamin ni Sue at mailayo ito sa kapahamakan. Pero lahat ng lihim ay tulad talaga ng sunog na uusok at uusok. Ano ang mangayayari kay Sue kapag nalaman niya ang relasyon nina Edz at Jaroh? Will she really die?
like
bc
WHEN LOVE IS SIN
Updated at Jan 21, 2022, 04:20
Sabi nila ang lalaki ay para sa babae lamang, at ang babae ay para sa lalaki lamang. Naniwala naman ako at sinubukan ko maging straight na babae para hindi na ako masaktan. Subalit hindi pala madali dahil kahit sinong mahalin ko, babae man o lalaki, ay may kakayahan pa rin pala na saktan ang damdamin ko. Maging straight or femme lesbian man ako ay madudurog pa rin pala ang puso ko. At ang masaklap, ang babae at lalaki na minahal ko at nanakit sa puso ko ang siyang magkakapamilya at magpapakasal pa sa bandang huli. Pero hindi ako papayag! Ayoko! Dapat din silang maghiwalay! ****** Old title: TANGLED FEELINGS
like
bc
HONEY : THE TEN-YEAR-OLD ASSASSIN ( Tagalog )
Updated at Jan 20, 2022, 23:55
Please read first the BOOK 1 of this story. -FAITH: THE ABDUCTED ASSASSIN- *********************************************" She's too young! But she was born to be one... Ready to fight and save her loved ones... Siya si Honey. Isang batang magsasampung taong gulang pa lamang. Asassin ang mommy niya at detective naman ang daddy niya. Idagdag pa ang lolo niyang maraming impluwensya kaya hindi kataka-taka na may alam din siya sa pakikipaglaban sa kabila ng murang edad niya. Hinasa siya ng kanyang lolo sa martial arts na lingid sa kaalaman ng kanyang ina. Na mabuti na lamang dahil isang bagong kalaban na naman ang lumitaw para paghigantihan ang kanilang pamilya. Kinidnap ang mga magulang niya kasama na ang buong tauhan nila. At walang iba makakapagligtas sa kanila kundi SIYA NA BATA. Kakayanin kaya niya?
like
bc
BIHAG PARIN NG PANGIT (Book 2 of ANG NABUNTIS KONG PANGIT)
Updated at Jan 20, 2022, 23:50
Please do read first the BOOK 1 of this story. ANG NABUNTIS KONG PANGIT *********************************************** Si Andy, guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets nilang baby. Si Yolly, hindi na pangit. Maganda na siya kahit na nanganak pa ng triplets. Masaya na sana sila. Maaayos na sana ang kanilang pagsasama kaso ay may mga dumating ulit na mga kontrabida sa buhay nila. Isa ay kapatid ni Cindy, na gustong gantihan si Andy. Pangalawa ay isang artista na nagkagusto naman kay Yolly. Puros away at selos na naman silang dalawa. Ang malala pa ay nang may trahedya pa na nangyari. Nasira ang magandang mukha ni Yolly. Paano pa nila maayos ang kanilang pamilya? May happy ending pa kaya sila? Mananatiling maganda kaya si Yolly or babalik siya sa pagiging panget? . . . NOTE: please read first the book 1( Ang Nabuntis Kong Pangit) before this. Thank you so much.
like
bc
FAITH: THE ABDUCTED ASSASSIN (Tagalog)
Updated at Jan 20, 2022, 23:40
Honey was only seven-year-old when she was being abducted and became Faith Savillano. She became a notorious assassin, a killer amazon, and a lethal princess daughter of a Don. Gayunman tinanggap niya ang buhay na mapanganib. Sapagkat nakukuha niya ang lahat ng nais. Masaya naman na siya. Subalit nagulo ang lahat nang pinili niyang magpa-kidnap para ang ina niya na may sakit ay kanyang makapiling pa. Iyon ang ginamit ng kanyang kinilalang kapatid para siya mapuksa at maangkin lahat ng kayaman ng kanilang dad. Ano ang gagawin ni Faith para mailigtas ang kanyang mga mahal sa buhay? Lalabanan nga kaya niya ang taksil niyang kapatid? Maililigtas kaya niya ang lahat?
like
bc
ALMOST WASTED LOVE ( Tagalog )
Updated at Jan 20, 2022, 23:26
Si Crisma Fogata, galing sa tribo ng mga 'ita' at napadpad sa isang sikat na unibersidad sa Maynila sa tulong ni Miss Juliet Mejia na isang mayaman na reporter. Nakikilala niya doon ang isang campus crush na binata, si Erik Raneses. Ang nagmamay-ari ng kotseng nagligtas sa buhay niya na tinawag niyang HERO. Ano'ng tadhana kaya ang susuungin niya sa bagong mundo na papasukin niya? Matutupad din kaya ang pangarap niyang maging puti at gumanda?
like
bc
LAMAN
Updated at Jan 20, 2022, 23:19
ANIM NA MAGBABARKADA NA DADALO LAMANG SANA SA KASAL NG KAIBIGAN NILA SA IBANG BANSA ANG NAPADPAD SA ISANG NAPAKALAYONG DESYERTO. WALANG MAKAIN, WALANG MAINOM. ANG TANGING PARAAN PARA MABUHAY AY ANG KAININ ANG BAWAT ISA. KAYA BA NILA? SINO ANG MAKAKA-SURVIVE? SINO ANG MANANATILING BUHAY?
like
bc
HER NAME IS MY EX'S NAME ( Tagalog )
Updated at Jan 20, 2022, 23:03
Para kay Jay Novilla, pinakasumpa-sumpang pangalan ang KIM matapos siyang lokohin ng ex-girlfriend niyang si Kim De Vera. At ang akala niya ay naghilom na ang sugat niya sa puso, pero nang nagpunta siya sa probinsya ay muling nabuksan ang lahat ng kanyang sama ng loob dahil sa makulit, pasaway, at crush daw siya na si Kim Salomon. Lalong gumulo pa ang sistema niya nang kinailangan niya si Kim Salomon para magpanggap na girlfriend niya para isipin ng ex niyang si Kim De Vera na naka-move on na siya. MakikikimKIM ba ni Jay ang nararamdaman kapag na-in love ulit siya sa isa pang KIM? At magagawa pa niya kayang ipa-tattoo ulit sa kanyang dibdib ang KIM na pangalan? Gayong sobrang nasaktan siya noong pinabura niya noon ang unang KIM na pina-tattoo niya?
like
bc
THE CARVED CHILD ( Tagalog )
Updated at Jan 20, 2022, 22:52
Nang magmulat ng kanyang mga mata si Jo-anne pagkatapos ng kanyang operasyon ay bigla na lamang ay nakikita na niya ang batang si Madel na hindi nakikita ng iba. Iyon pala ay isang multo na ang batang kawawa at sa kanya ay humihingi lamang ng tulong dahil hindi nito alam ang nangyari kung bakit ligaw na kaluluwa na lamang ito. At dahil cute na cute si Jo-anne sa bata ay nangako siya na tutulungan niya ito. Ano ang kanyang matutuklasan? Ano ang nangyari sa batang multo na hindi matahimik?
like
bc
TORN BETWEEN (wife and mistress)
Updated at Jan 20, 2022, 18:35
MAHAL NA MAHAL NIYA ANG KANYANG ASAWA, SUBALIT MAY BAHAGI RIN SA PUSO NIYA ANG BABAE NIYA... Nahahati si Athan sa pagitan ng kanyang asawa na si Yhannie at sa mistress niyang si Ayu. Lalo na nang pakiramdam niya ay nasasakal na siya sa pagpaparusa sa kanya ni Yhannie noong nalaman nitong may ibang babae siya. Sa bandang huli, sino kaya ang kanyang pipiliin? Ang kanya bang asawa o ang pangalawang babae na niya?
like
bc
TUTORING THE BILLIONAIRE'S YOUNG MISTRESS
Updated at Dec 20, 2021, 09:31
"ANO YUNG BABAE MO? BATANG PASLIT NA KAILANGAN KO PANG TURUAN PAANO MAGING MAHUSAY NA KABIT?" **** Tahimik at kontento na si Jella sa madilim na mundo niya. Tanggap na niya na habambuhay na siyang magiging entertainer sa Pegasus Bar. She no longer hopes she could ever get out the job or leave the place. Hanggang sa nagbalik si Ryver Raveza makalipas ang sampung taon– ang ex-boyfriend niya na siyang dahilan kung bakit napadpad siya sa ganoong sitwasyon. And she hated him so much. In fact, when they met, without hesitation, she punched him in the face. “I will pay you five times than how much you've earn in this bar in exchange for tutoring Lovi. Make sure she will be an expert mistress like you. Not just in bed but all aspects,” pero nang i-offer sa kanya ni Ryver ay nagulo ang kanyang sistema. Will Jella accept the offer even though she knows she has a tendency to fall in love with Ryver again? And even if Ryver has a tendency to find out that she's hiding their son? ************************************************* MISTRES MISTAKE SERIES: Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna) Series 2: Mistress By Accident (Kai) Special Series: Uncured Pain of a Wife Series 3: His Secret Rage (Rucia) Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella) Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)
like
bc
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Updated at Aug 31, 2021, 15:31
TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Hearttrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis ito ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?
like
bc
MISTRESS BY ACCIDENT ( Tagalog )
Updated at Jun 9, 2021, 20:28
"GALIT NA GALIT SIYA SA MGA KABIT, PERO BIGLA-BIGLA SIYA RIN AY NAGING KABIT...." ***** Ayaw na ayaw ni Kai Suarez sa babae na mistress o kabit. Para sa kanya ay hindi deserve ng babaeng single ang lalaking may asawa na, katulad nang nagyari sa kaibigan niyang si Dhenna Ordeza. Subalit isang gabi ay literal na aksidente ang nangyari. Nabangga ang nirentahan niyang kotse sa Cebu at sa paggising niya isang araw ay ang dami na niyang bashers mapa-TV man o social media. Trending na siya sa balitang kabet daw siya ng sikat na actor na si Juke Rivas. What the hell happened? Karma niya ba ito sa mga panlalait niya sa mga kabit noon? ************************************************* MISTRES MISTAKE SERIES: Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna) Series 2: Mistress By Accident (Kai) Special Series: Uncured Pain of a Wife Series 3: His Secret Rage (Rucia) Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella) Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)
like
bc
BIT JOKE OF LOVE ( Tagalog )
Updated at May 9, 2019, 06:39
Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kalokohan ay nagkaroon siya ng malaking utang sa isang mayamang lalaki, dahilan para tanggapin niya ang offer na maging yaya ng isang mayaman na bata. Nga lang ay naging boss rin niya ang lalaking mayaman na inutakan niya dahil magkapatid pala ang dalawa. Simula niyon ay mas naging aso’t pusa pa sila ni Kael na kinauutangan niya. Makakabayad kaya siya? O makikipaglaro na lamang siya sa biro ng pag-ibig na pinasok niya?
like
bc
MERCY KILLING (Tagalog)
Updated at May 7, 2019, 05:48
"A restless soul... yearning for everything..." Matagal na panahon na naging palaboy na kaluluwa sa isang ospital si Lennie, at hindi niya alam kung bakit. Hanggang sa isang araw ay nakita niya ang kanyang katawan. Subalit nang siya ay magkamalay ay nalaman niyang hindi niya pala katawan ang kanyang pinasukan, bagkus ay katawan ng taong kamukha niya lamang. At ang nakakagulat ay dalawampung taon na pala ang nakakalipas .
like
bc
I LOVE YOU, BADUY
Updated at Mar 27, 2019, 06:19
Sino ang mag-aakala na may babae pa na magmamahal sa isang panget na lalaki? ---------------------+ Ang inasahan ng buong klase ay ang anak ng Mayor ang bago nilang magiging klase. Kaya naman ay laking gulat nila dahil panget na lalaki ang dumating at hindi guwapo. Nagreklamo ang lahat sa pagkadismaya, maliban kay Jennie Dalioan na agad nagkainteres sa binata na Paul ang pangalan. Kinaibigan niya ito para perahan dahil inakala niyang uto-uto ang binatang baduy. Ang hindi niya inasahan ay mahuhulog ang loob niya sa binata. Nang na-realize niya na mahal na niya ito ay doon naman niya nalaman na hindi pala ito totoong baduy kundi nagpapanggap lang. Si Paul na baduy at si Jordan na guwapo ay iisa pa lang tao. Magagawa kaya ni Jennie na mahalin si Jordan kung ito ang totoong pagkatao ni Paul? Kahit na sobrang kinaiinisan niya ang Jordan na pagkatao ni Paul?
like
bc
FLESH FROM UNKNOWN
Updated at Mar 20, 2019, 06:04
Sumama si Realyn sa kaibigan niya para makita sana ang batang lalaking naging kaibigan niya noon sa lugar na iyon — si Nash. Sa kasamang palad ay ibang sekreto ang kanyang natuklasan. Anong panganib ang kanyang kahaharapin sa kagustuhan niyang tuklasin kung anong nangyari kay Nash? Magkikita pa kaya sila kung ang sabi ay patay na ang binata?
like