bc

KILLER DIARY ( Tagalog )

book_age18+
923
FOLLOW
3.2K
READ
murder
revenge
possessive
tragedy
no-couple
like
intro-logo
Blurb

Ayun sa sabi-sabi, delikado raw na mahawakan ang itim na diary. Oras na mahawakan mo raw kasi ay manganganib daw ang isa sa iyong kaibigan. Kapag hindi mo malalabanan ang maisusulat sa diary ay mamatay raw siya. Kahit kailan at hindi mawawala ang sumpa hangga't walang mamamatay.

Kung ikaw ang makakahawak, ililigtas mo ba ang buhay ng iyong kaibigan?

Ano ang meron sa killer diary?

Sino kaya ang totoong nagmamay-ari?

Ito ba'y isinumpa o kathang isip lamang?

chap-preview
Free preview
PART 1
"Saan ka pupunta?" tanong ni Rose sa kaibigang bihis na bihis. "Sa Marikina. Namatay 'yong isang pinsan ko roon," sagot ni Juliana sa kanya. Lumapit ito at umupo sa tabi niya habang inaayos ang sarili. Tinatali nito ang buhok. Mag-bestfriend silang dalawa noong nag-aaral palang sila sa high school. At nang kapwa nagkatrabaho ay nagpasya silang kumuha sila ng uupahang bahay para magkasama pa rin sila. Siya ay sa isang travel agency nagwo-work bilang secretary at si Juliana naman ay manager na sa isang restuarant. "Gusto mong samahan kita?" kusang sabi niya, palibahasa ay naiinip siya ngayon. Tumingin si Juliana sa kanya. Sa galaw ng mga mata nito ay halata niyang hindi ito naniniwala na sasama siya rito. Siya kasi ay hindi mahilig sa mga lakad-lakad, mas gusto niyang nagkukulong na lang sa bahay kapag day off niya at tumutok na lang sa laptop niya maghapon at magdamag. Tumawa siya ng mahina. "Ano pwede ba? Sama ako, ha?" "Weh? Maiiwan mo kaya 'yang ka-chat mo?" "Para sa 'yo?! Oo naman!" Isinara na nga niya ang laptop niya at isisuksok sa itim nitong bag na lagayan. "Ayan! Para maniwala ka na sasamahan kita sa pakikiramay." "Hindi nga?!" Ayaw pa rin makumbinse ni Juliana. Hindi niya ito masisisi. Siya man ay nagtataka kasi sa kanyang sarili. She chuckled. "Magbibihis lang ako. Wait for me." Nang tumayo siya upang magbihis ay nagpasalamat na si Juliana sa kanya. Natuwa talaga ito sa pagbu-bulontaryo niyang samahan ito. Well, bukal naman 'yon sa kalooban niya talaga dahil wala naman siyang ka-chat ngayon. 'Yong koreano na ka-chat niya ay nagpaalam na hindi muna raw makaka-online ngayon kaya 'yon ang dahilan kaya nabo-boring siya ngayon. Isa rin kasi siya sa mga pinay na umaasang makabingwit ng porener para makaahon sa buhay. Kaya nakaikipag-chat siya sa ibang mga lahi. Ayaw niya kasi ng pinoy na maasawa. Alam na niya ang ugali ng pinoy, baka 'pag pinoy ang aasawain niya ay palamunin lang niya. Duh! Anyway hindi naman niya nilalahat. Hindi siya nagtagal sa pagpapalit ng damit. Nang makabihis siya ay umalis na rin silang magkaibigan. Medyo malayo ang byahe pero nawili naman siya. Ngunit pagdating nila sa lugar na iyon ay nakadama agad siya ng kakaiba, na hindi niya maipaliwanag. Ikinawit niya ang kamay sa braso ni Juliana habang papasok sila sa isang bahay. Kitang-kita agad ang kabaong. Waaahhh! Magiliw silang inestima ng mga tao roon. At syempre siya ang naging alalay ni Juliana sa pag-iiyak sa ataul ng pinsan nito. Buti na lang at sumama pala siya sa kaibigan. "Ang bata namang namatay ng pinsan mo, Juliana," bulong niya sa kaibigan nang medyo kumalma na ito. Magkatabi sila na nakatayo sa harapan ng kabaong. Hindi naman pala nakakatakot ang namatay dahil para lang itong natutulog. Kahit na ang sabi sa kanila ay karumaldumal daw at hindi raw makatao ang pagkamatay ng dalaga. "Hindi nga ako makapaniwala. Biglaan talaga," bulong na tugon nito sa kanya. Tumahimik na siya. Hinayaan na niyang mag-emote ulit ang kanyang kaibigan. Masakit naman talaga sa kalooban ang mamatayan ng kamag-anak lalo na kung hindi inaasahan. Napakunot-noo na lang siya nang dikawasa'y may mapansin siya sa bangkay. "Juliana, parang may lumalabas sa tenga niya," bulong ulit niya sa kaibigan. Matamang tiningnan iyon ni Juliana. "Oo nga! Parang tubig!" tapos sang-ayon nito. Dahil do'n ay nagkagulo ang pamilya ng dalagang namatay pati na rin ang ibang mga nakikilamay. Ang ama ng namatay ay agad na tinawagan ang purenaryang umasikaso sa bangkay. Subalit sinabihan na lang sila na linisin ito ng tela, baka kemikal lang daw na tinurok nila ang lumabas sa bangkay noong inimbalsamo. Napatuwid siya ng upo nang binuksan ang kabaong. Like seriuosly?! It's so gross naman kasi! #kaloka Pero bumilib naman siya kay Juliana dahil ang tapang pala nito. Si Juliana kasi ang nagkusang loob na punasan ang tenga ng bangkay. 'Di tuloy niya maiwasang ma-amaze sa kaibigan. She gulped bago lumapit para makialalay rin. Ewan if saan siya kumuha ng tapang. Isasarado na sana ang kabaong nang biglang pigilin ito ni Juliana. "Wait lang po," anito dahil may dinukot ito sa likod ng patay. Maang silang lahat dahil isang notebook iyon! "Ano 'yan, Juliana?" usisa ng nanay ng namatay. "Notebook po yata, Tita." Binuklat-buklat iyon ni Juliana pero walang nakasulat. "Ba't napunta iyan diyan?" tanong pa ng ina ng namatay nang makilala ang notebook. Mas takang-taka na ang hitsura nito. Nagkwento ito na laging hawak iyon noon ng anak na namatay. Nagkibit-balikat lang si Juliana. Sinulyapan nito ang bangkay ng pinsan. "Sige po isarado niyo na," tapos ay malumanay na utos nito sa mga kalalakihang nagbukas ng kabaong. Nagulat na lang siya nang iniaabot ni Juliana sa kanya iyong notebook o libro yata na nakuha nila sa bangkay. The f*ck! Galing sa patay, eh! "Pahawak muna, Rose," ani Juliana na tumulong na rin sa pagsarado ng kabaong kaya wala na siyang nagawa. Napapangiwi na lang siya habang hawak niya iyon. At ewan niya dahil parang nakuryente siya nang mahawakan niya iyon, at tila ba may itim na usok na lumabas doon. Kinilabutan siya ng matindi. Ano 'yon?! ........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook