PART 2

673 Words
Mas naging abala pa ang kaibigan niyang si Juliana sa pag-aasikaso ng mga dumadalong nakikilamay. Wala siyang kakilala kaya naman umupo na lang siya sa isang tabi. Inaliw na lang ang sarili niya sa panonood ng mga nagbibinggo at nagsusugal. Paminsan-minsan ay nilalapitan naman siya ni Juliana. "Rose, okay ka lang diyan?" "Oo naman huwag mo akong alalahanin dito," totoo sa loob niyang sagot. She's really okay, wala siyang pagsisisi at reklamo na sumama rito dahil naiintindihan niya ang kaibigan. Dapat talaga itong tumulong sa pag-aasikaso sa patay. Saka masaya rin naman siya kahit nakaupo lang siya roon sa sulok. Natatawa kasi siya kapag may sumisigaw ng bingo. At napapaiyak din kapag may bagong dating na humahagulhol sa loob at nakikipagkwentohan kapag may nakikipag-usap sa kanya. Ang ayaw lang niya eh, 'yong tumpok ng mga binatang nagpapa-cute sa kanya kanina pa. Iniiripan niya na lang ang mga ito at sinisikap na huwag madako ang tingin sa banda nila. Hanggang sa na-boring din siya. Maaga pa ang gabi kaya dapat makaisip siya ng pagkakaabalahan para huwag siyang antukin. Akmang dudukutin niya ang cell phone niya para maglaro ng kahit anong games pero napansin niya ang hawak na notebook kanina pa at natitig siya roon. Isang simpleng notebook lang naman iyon pero parang may kakaiba roon. Something is weird! Luminga siya kay Juliana. Pati ito ay nakalimutan na ang pinahawak sa kanya. Abala na naman ito sa pamimigay ng kape. She sighed, mamaya pa siya ulit maaalala ng kaibigan for sure. But it's okay. Binuklat niya ang front cover ng notebook na kulay pula, at hindi niya maiwasang mapakunot-noo sa unang nabasa niya ro'n. Killer Diary? Seriously? Humaba ang nguso niya at hindi niya maiwasang kilabutan. Killer? As in pumapatay na diary?! Kakaiba naman ang nagsulat nito! usal niya pa sa sarili. Kapansin-pansin pa kasi ang ginamit ditong tinta ng panulat. Kulay pula kasi iyon! Parang... Parang... Parang dugo! Dugo na natuyo! At anong gulat niya nang biglang gumalaw ang mga letra. Parang nagkaroon ng mga buhay at umagos ang pulang likido! Naging dugo! Buhay na dugo! "Huh?!" Nabitawan niya ang diary. Takot na takot na siya. "Miss, okay ka lang?" Pukaw sa kanya ng isang lalaki. Pinulot nito ang notebook at iniabot sa kanya. Rumihestro sa mukha niya ang sindak. "May dugo!" aniya sabay turo sa notebook na hawak ng lalaki. Her hand is shaking. Takang napatingin ang binata roon at chineck. "Wala naman." Umawang ang mga labi niya. Pinagpilitan ng lalaki ang notebook sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang abutin iyon saka taranta niyang tiningnan ang unang pahina. Namalikmata lang ba siya? Kasi wala ngang dugo! Matagal na natitig siya roon. Hindi niya na napapansin na napatingin na lahat ng tao sa kanya. Takang-taka ang mga ito sa hitsura niyang takot na takot. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin kung bakit nagkaroon pa siya ng lakas ng loob para buksan ang kasunod na pahina. AUGUST 26... DEAR DIARY, AKO SI EILYN REBATO. NAMATAY ANG PINSAN KO KAYA NAKIRAMAY AKO SA KANYA. KASAMA KO ANG KAIBIGAN KO. ANG 'DI KO INASAHAN AY MAGIGING NAKAKAKILABOT PALA PARA SA'KIN ANG ARAW NA ITO. DAHIL AKO ANG NAGLINIS SA BANGKAY NG PINSAN KO. AT ANG NAKAPAGTATAKA, MAY NAKITA AKONG DIARY SA LIKOD NIYA. ISANG NAKAKATAKOT NA DIARY. Muli ay nabitawan niya ang notebook pagkatapos niyang mabasa iyon. Nanginig ang buong katawan niya dahil napagtanto niyang parang 'yong nakasulat sa diary ay ang nangyari sa kanila ni Juliana! "Bakit ba? Ano bang nakakatakot sa notebook na 'to, Miss?" anang lalaki sa kanya na muling pumulot sa diary. "Jonel? May problema rito?" bungad na tanong ni Juliana. "Kilala mo siya?" "Kaibigan ko siya. Siya si Rose." "Oh, pakibigay na lang sa kanya 'to. Tinatapon niya, eh." Napatingin si Juliana sa diary. Akmang hahawakan ni Juliana ito. Huwag!" pero sigaw ni Rose rito. At muli ay tinilapon niya iyon sa kung saan. "Ano bang nangyayari sa'yo?" mas nagtatakang tanong ni Juliana sa kanya. "Basta! Itapon niyo ang diary na 'yan! Itapon niyo, Juliana!" Hysterical ang boses na sagot niya.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD