PART 3

505 Words
Walang nagawa si Juliana kundi ang bahagyang sampalin si Rose. Kahit kasi anong gawin nitong yugyog sa katawan ng kaibigan ay hindi ito tumitinag. Tila napagkit na ang mga mata nito sa notebook nitong binabasa. Impit na napatili si Rose dahil naramdaman na niya ang sakit ng sampal. Nakahinga naman nang maluwag si Juliana nang kumilos at napatingin na sa kanya si Rose. "J-juliana?" "Pinakaba mo ako!" Nasapo ni Juliana ang sariling dibdib. "Akala ko kung ano na nangyayari sa 'yo!" "Nata-natatakot kasi ako sa diary na ito." "Bakit mo ba kasi dinala pa rito 'yan! Dapat iniwan mo na 'yan sa burol ng pinsan ko, baka sa kanya iyan." Bumuntong hininga si Rose. Tapos ay napatitig ulit siya sa Diary. "Iiniwan ko naman eh!" ta's aniya na may pagkabahala sa kanyang boses. At totoo iyon dahil bago sila umalis sa lamay kaninang madaling araw ay iniwan niya ang diary. Inilagay pa nga niya ito ng maayos sa lamesang nakapatungan ng mga alay na itlog, kakanin at tubig. Ang nakakapagtaka, paggising niya kanina ay nasa bag na niya ito nakapatong! "Eh bakit andito?" maang na tanong ni Juliana. "Ewan ko!" "Baka may naglagay. Akala siguro sa 'yo 'yan kasi hawak-hawak mo kagabi. Siya nga pala ito ang cell phone mo, nakitawag pala ako." Iniabot ni Juliana ang maliit na aparato sa kanya. "Aalis ako mamaya. Babalik ako ro'n, huwag ka nang sumama ha?" Natulala si Rose sa narinig. Biglang pasok sa kanyang memorya ang binabasa kanina na hindi niya natapos dahil sinampal na siya ni Juliana. Muli niya iyong binasa, parang de javu kasi ang nababasa niya roon! AUGUST 27... DEAR DIARY, AKO SI EILYN REBATO. MAAGA AKO NAGISING NGAYONG ARAW NA 'TO KAHIT PUYAT DAHIL MAY INAASIKASO AKO. NAMILI AKO NG MGA KAKAILANGANING BAGAY PARA SA BUROL NG PINSAN KO. BUMALIK ULIT AKO RO'N PERO HINDI KO NA KASAMA ANG KAIBIGAN KO. PARANG NAPRAPRANING NA KASI. IBA NA ANG KINIKILOS. PERO PAGDATING KO ROON, NAGULAT AKO DAHIL MAY GULO. DALAWANG MATANDA ANG NAG-AWAY DAHIL SA SUGAL. NAKITA KONG UMAAWAT ANG ISANG PINSAN KO. KITANG-KITA NG MGA MATA KO MASASAKSAK SIYA KAYA INILIGTAS KO ANG PINSAN KO. IHINARANG KO ANG SARILI KO, KAYA AKO ANG NASAKSAK AT MAWAWALAN NG BUHAY! "Rose, tulungan mo nga akong ayusin 'tong pinamili ko," ani Juliana na nagpatigil sa kanyang pagbabasa. "N-namili ka?" Namilog ang mga mata niya. Para bang biglang nanlaki ang ulo niya dahil sa narinig. Tugmang-tugma ata ang lahat sa nabasa niya tulad kagabi? Nahintakutan na siya ng sobra. "Juliana, huwag ka na kaya munang tumuloy ngayon sa lamay ng pinsan mo?" Inirapan siya ng kaibigan. Ngunit binalewala niya iyon, tiniklop niya ang diary, nataranta na siya at takot niyang itinilapon iyon. Napunta iyon sa isang gilid ng kuwarto. Takang-taka lamang si Juliana na nakatingin sa kanya. "Nagugutom ka ba? May sakit ka ba?" "'Wag kang tumuloy sa pupuntahan mo!" matatag na aniya. Tila ay hindi narinig ang kaibigan. "Mapapahamak ka! Nabasa ko sa diary! Eilyn ang nakapangalan do'n pero parang ikaw ang tinutukoy! Masasaksak ka Juliana!"..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD