bc

DUGO NG ANGHEL

book_age12+
721
FOLLOW
2.9K
READ
murder
revenge
kidnap
goodgirl
tragedy
no-couple
like
intro-logo
Blurb

Isang bata ang hindi matahimik ang kaluluwa sa isang mall. Nakikipagkulitan at nakikipaglaro pero hindi naman nananakit.

Hanggang sa dumating si Nica, ang dalagang nakakakita sa kanya. At doon na nagsimula ang kaguluhan. Naghihintay lang pala ang bata ng pagkakataon upang mapaghigantihan ang mga pumatay sa kanya.

Ano ang nangyari sa kanya?

Ano ang kinalaman ng mall sa kanya?

chap-preview
Free preview
PART 1
"Nicaaaaaa!" Sigaw ng Mama ni Nica sa labas ng kanilang bahay. "'Andito na ang tricycle! Dalian mo riyan!" Paalis kasi si Nica. Luluwas siya ng Maynila. Mag-wo-work siya ro'n pero hindi pa niya alam kung anong work. Niyaya lang kasi siya ng kanyang pinsan. Magaan naman daw ang trabaho ro'n sa pinapasukan ng pinsan kaya pinayagan siya ng Mama at Papa niya. "Anak, bumaba ka na riyan! Baka maiwanan ka ng bus!" Boses naman 'yon ng Papa niya. Lalo siyang nataranta. Kinuha na niya ang kanyang backpack pagkatapos niyang ayusin ang sarili. "Opo! 'Andiyan na po!" At sigaw niya pero bago lumabas ay pinasadahan niya muna ng tingin ang kanyang maliit na kuwarto. "Mami-miss ko kayo." Tapos ay madamdamin niyang paalam sa mga gamit niya. May bigat sa kanyang dibdib na bumaba na. First time niya kasing aalis sa kanilang bahay kung kaya't nalulungkot siya. "Anak, mag-iingat ka ro'n, ha? Alagaan mo ang sarili mo," bilin sa kanya ng Mama niya sabay yakap. Lumapit din si Papa niya at nakisali sa kanilang drama. Nakiyakap din. Mayamaya pa ay inilagay ni Papa niya ang daliri nito sa kanyang noo. Nag-sign of the cross ito roon gamit ang hintuturo nito. "Anak, Nica? Ipangako mo na kahit ano'ng mangyari huwag mong gagamitin ito," madiing bilin sa kanya ng ama pagkatapos gawin iyon. Tumango siya. Ang tinutukoy ni Papa niya ay ang kakayahan niya. Kakayahang special daw kung gagamitin niya sa tama. Ang kanyang third eye! Bata pa lang ay bukas na kanyang ikatlong mata. Kung saan-saan siya napapadpad at kung anu-ano ang nakikita niya. Minsan nasasanay na siya pero mas madami ang natatakot siya..... ••• "Mark, tawag ka na Sir!" malakas na boses ni Landa. Ang secretary ng Engineering Department sa mall na pinagtratrabahuan nila. Nag-angat ulo ang binatang si Mark. Abala siya sa pagche-check ng mga wire na inutos sa kanya. "Bakit raw?" takang tanong niya sa dalaga. Isa siya sa mga electrical engineer sa mall na iyon. Kibit-balikat ang tinugon sa kanya ni Landa sabay alis. Kamot-batok na lang na naiwan siya. Hindi pa niya kasi tapos ang pinapagawa sa kanya ay may kasunod na naman. Tsk. Hindi tumitingin na kinapa ng kamay niya ang kanyang mga tools na alam niyang nasa tabi lang niya. Subalit nakakalayo na ang kanyang kamay sa pagkapa ay walang tools na mahawakan ang kanyang kamay. Nagtatakang nilingon na niya ang mga gamit niya at anong simangot niya nang makita niyang wala roon ang kanyang mga tools. Kunot na kunot ang noo niyang naghagilap. "'Asan na 'yon? Dito ko lang nilapag, eh!" naiinis niyang turan. Namuti na ang mga mata niya sa kahahanap. Kailangang makita niya dahil importante ang tools niya sa kanyang trabaho. "Hihihihihihi!" Bigla ay matinis na tawa ng isang bata ang umalingawngaw sa paligid. Kinilabutang nagpalinga-linga siya. Saglit ay napailing siya. "Ikaw na naman ang nagtago ng tools ko, noh? Akin na!" lakas-loob niyang sabi sa malakas na boses. Hindi na siya natatakot masyado dahil sa tagal na niyang nagtratrabaho rito sa mall ay ilang beses na rin niya na-encounter ang boses ng batang babaeng iyon. Lagi itong nagparamdam sa kanya at hindi lang sa kanya pati rin sa mga kasamahan niya. Lalo na sa mga guard daw na pang gabi. Nga lang ay pinapanatili nilang lihim ang pagmumulto ng bata. Bilin na rin ng admin para walang maging issue raw sa mall na pinagtratrabahuan nila. Bawal ipagsabi lalo na sa mga tenant, staff at higit sa lahat sa kahit na sinong mga customer. "Hihihihihi!" Nadinig ulit niya na hagikgik ng batang multong pasaway. Alam na niya pinaglalaruan na naman siya ng bata. Gusto na namang maglaro siguro. Nagpasyang umalis na lang siya sa lugar na iyon. Hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na hindi matakot, eh. "Mark, ba't daw antagal mo?!" Bungad ulit ni Landa sa pinto. Muntik pa silang magkabungguan. "Kasi ano--" Kamot siya sa batok niya. "Anong ano?" "'Yung tools ko 'di ko mahanap." Nakusot ang mukha ni Landa. "Tools?" Tumango siya. "Eh, ayan oh hawak mo!" Nagtatakang turo ni Landa sa kamay niya at binigyan siya ng what-are-you-talking-about look. Napangiwing napatingin siya sa kamay niya. Bigla siyang nakaramdam ng bigat. Pakiramdam niya lumaki ang kanyang ulo nang makitang hawak nga ng kamay niya ang mga tools. Nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip na si Landa nang ito'y tingnan niya. Pilit na ngiti na lang siya rito. Walang imik na lang siyang sumunod dito palabas. Nagmukha na naman siyang nagdadahilan lang. Tss! Isang sulyap muna ang kanyang ginawa sa kanyang likuran. "Salamat," at sambit niya. At least binalik sa kanya ang tools ng pasaway na bata. Isang malakas na kalampag sa loob ang nadinig niya. Tugon siguro sa kanya ng batang nagmumulto...........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
893.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.9K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook