bc

HIS SECRET RAGE

book_age18+
1.9K
FOLLOW
7.8K
READ
revenge
dominant
bitch
drama
tragedy
bxg
lies
punishment
passionate
like
intro-logo
Blurb

---MISTRESS MISTAKE SERIES #3---

Iniwan ni Aman ang buhay at kompanya niya sa Maynila upang hanapin si Rucia sa probinsya. Si Rucia ay ang babaeng nag-prank call sa kanila kaya nawala ang babaeng mahal niya sa kanya.

He blames Rucia, so he wants to take a revenge on her. At ang plano niya'y paiibigin niya't paiinitin si Rucia habang magkasama sila sa rancho, pero hinding-hindi niya sisipingan sa kama bilang paghihiganti. Balak niya'y bitinin, guluhin, at iwanang sawi ang dalaga.

Pero paano kung iibig siya kay Rucia? Kung malalaman niyang kabaliktaran sa inaakala niyang ugali ng babae ang meron pala si Rucia? Anong mangyayari sa paghihiganti niya?

Higit sa lahat, matatanggap niya kaya si Rucia kung malalaman niyang hindi lang basta LOLO ng dalaga ang matandang si Santiago na inaalagaan nito kundi naging sugar daddy noon? Will he still love Rucia despite the fact that she was a mistress then?

*************************************************

MISTRES MISTAKE SERIES:

Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna)

Series 2: Mistress By Accident (Kai)

Special Series: Uncured Pain of a Wife

Series 3: His Secret Rage (Rucia)

Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella)

Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
***** RUCIA ****** PINASADAHAN ng tingin ni Rucia ang kabuoan ng Pegasus Men's Bar na ilang taon din niyang naging tahanan. Wala pang customers dahil ang aga niyang pumasok. Kukunin niya lang kasi ang mga gamit niya. Kagabi ang last na niyang pagpasok dito. Sa dami na ng nangyari sa mga nagdaang araw ay nabuo na ang desisyon niyang magreretiro na siya sa marumi na hanapbuhay na ito She suddenly felt deathly tired. Bigla ay gusto na niyang magbagong buhay. Bigla ay nakinig siya sa mga payo sa kanya ni Cara, isa sa kanyang kaibigan, na lisanin na ang makasalanang lugar na ito habang maaga pa. Habang hindi pa raw siya dinadalaw ng karma. Bigla ay gusto niya munang magpakalayo-layo para hanapin ang kanyang sarili upang sa kanyang pagbabalik ay tuluyan na niyang mabago ang kanyang sarili. “Sheb, mami-miss kita,” salubong sa kanya ni Jella nang pumasok siya sa dressing room. Yumakap agad ito sa kanya. At ang ‘sheb’ na itinawag sa kanya ay ang tawagan nilang magkakaibigan dito sa bar. Binaliktad na ‘besh’. Imbento ni Jella para unique raw. “Inunahan mo pa akong bruha ka. Gaya-gaya ka,” nakalabi na akusa naman ni Eyrna. Nakahalukipkip. At ang tingin nito sa kanya ay aakalaing galit ito kahit hindi namana. Ang totoo ay si Eyrna kasi ang noon pa nagpapaalam na magreretiro na at siya ang pumipigil dito. Hindi naman niya akalain na siya pa ang unang aalis pala. Kinain niya ang mga salita niya noon na hindi siya aalis sa bar dahil dito na siya tumanda. Sabi niya ay ito na lang ang alam niyang trabaho kaya dito na siya kukunin ni Lord. Hindi naman pala. Minsan ay kay hirap talaga magsalita dahil hindi mo alam ang mangyayari sa future. “Huwag nga kayong maarte. Alam ko naman na tuwang-tuwa kayo kasi mawawala na ang pinakamaganda rito sa bar. Ang papanget niyo kasi,” sinubukan niyang magbiro. “Gaga!” Bahagyang sinabunutan tuloy siya ni Jella nang kumawala ito ng yakap sa kanya. Iningusan naman siya ni Eyrna. And that made her laugh. Sabi na nga ba niya’t uubra iyon, knowing na kahit kailan ay hindi magpapatalo sa kanya ang dalawa kapag tungkol sa pagandahan. “Inihanda ko na ang mga gamit mo,” sabi ni Eyrna. Inihayon ng tingin nito ang malalaking paper bag na nakahilira sa sulok ng dressing room. “Salamat, sheb,” nakangiti niyang pasasalamat. Pinag-blink-blink niya ang mga false eyelashes niya. Nagpa-cute siya. “’Wag ka munang magpasalamat dahil bago ka namin hahayaang umalis ay may dare kami sa’yo. At hindi ka puwedeng tumanggi.” Pinamaywangan siya ni Jella. Kinabahan siya. May naamoy siyang kapilyahan na namang naiisip ng dalawang kaibigan niya. At hindi iyon maganda. “At ano naman iyon, aber?” tanong niya na nakataas ang isang kilay. Tiningnan ni Jella si Eyrna. Nang sundan niya ito ng tingin ay ngumisi sa kanya si Eyrna. Oh no! “Ayoko ng mga ganyan, hah? Baka imbes na makaalis ako ay matali na naman ako rito sa bar?” wala pa man ay reklamo na niya. Kinabahan na kasi talaga siya sa tinginan at ngisian ng dalawang kaibigan. Batid niya na ayaw talaga ng dalawa na umalis siya kaya puwedeng nag-isip ang mga ito ng paraan para hindi matuloy ang pagreretiro niya. Sa tagal na nilang magkakaibigan ay kabisado na niya ang mga kilaw ng mga bituka ng dalawang bruha. “Upo ka muna.” Hinila siya ni Jella at pinaupo sa harapan ng malawak na vanity mirror. “Don’t worry madali lang ito.” Nakita naman niya si Eyrna na kinuha ang cellphone niya sa bag niya tapos may kinalikot. Kabisado nilang tatlo ang mga password ng bawat phone nila. Wala silang lihiman kahit password. May tinawagan si Eyrna. “Oh, heto na. Nagri-ring na.” “Ano ‘yan?” maang niyang tanong. Si Jella ang nagpaliwanag sa dare na tinukoy nito kanina. “Tulad ng gawain natin ay tatawag tayo ng numero na huhulaan ni Eyrna. At kapag babae ang sumagot ay sabihin mo na ikaw ang kabit ng asawa niya or totoong girlfriend ng jowa niya. Dapat mapaniwala mo para hahayaan ka naming umalis.” “Anong kagagahan ‘yan?! Ayaw ko! Bagong buhay na ako at --- “ Naputol ang protesta niya nang idinikit na ni Eyrna ang phone sa kanyang tainga. “Hello? Who’s this?” malat na boses ng babae sa kabilang linya na kanyang narinig. Parang galing sa pag-iyak. Pinanlakihan niya ng mata sina Jella at Eyrna. Ayaw niya talagang gawin ang dare. Naawa na siya agad sa babae. Subalit ay panay ang senyas ng dalawa na gawin niya. Na ituloy niya bilang katuwaan lang nila bago siya umalis. “Hello?” boses ulit ng babae. “Aman, ikaw ba ‘yan?” sabi pa. At talagang nagbigay pa talaga ng hint sa pangalan ng asawa o boyfriend nito. Naku naman. Napapikit siya. Para matapos na ang kalokohan ay sumagot na siya. “Ikaw sino ka?” Walang boses na nagtatalon sa katuwaan sina Eyrna at Jella. Apiran pa sila dahil nagwagi sila. “Ikaw ang tumawag, miss,” paalala ng babae sa kabilang linya. “Ako lang namang ang girlfriend ni Aman. At tinawagan kita dahil nakita ko ang number mo sa cellphone niya kanina. Sino ka?” straight to the point na aniya. Nagulat ang babae. Alam niya dahil narinig niya ang pagsinghap nito sa hangin. Nakonsensisya siya kaya dapat ay ibababa na niya ang cellphone niya ngunit sinaway siya ni Jella. Hinawakan nito ang phone at ibinalik sa kanyang tainga. "Hindi totoo ‘yan,” sabi ng babae. Umiyak na. “Totoo, kaya puwede ba tantanan mo siya dahil akin lang siya!” kunwa’y pagsusuplada niya pa. Alam na niya ang sinasabi dahil ilang beses na ba nilang nilaro nina Eyrna at Jella ang bagay na ito at siya pa ang pasimuno. Nagsimula noong may magjowa na ginulo nila sa mall. Guwapo kasi ang lalaki at type ni Eyrna. Nagpanggap si Eyrna na kabit. At tuwang-tuwa sila nang nag-away ang mag-jowa. Sinampal ng babae iyong lalaki. Sila nama’y tumalilis na nang maktyempo. Tawa sila nang tawa nang ligtas na nakaalis sila sa mall na iyon. Mula noon ay gawain na nila iyon kapag alam nilang safe bilang katuwaan kapag bore sila. “Kung gano’n ikaw ang dahilan kung bakit ayaw na sa akin ni Aman?” garalgal ang tinig ng babae na tanong. Sa kabila ng lahat ay kay amo pa rin ng tinig. “Oo!” mataray na sagot niya. "Nakee…” Nang narinig niyang boses ng lalaki sa background. "Natutop niya ang bunganga niya. Gets niya na dumating ang Aman na tinutukoy ng babae. Lagot! “Bakit?” buka ng bibig ni Eyrna na nabasa niya pero hindi niya sinagot. Nakinig lang siya sa usapan ng dalawa sa kabilang linya. “Sana sinabi mo sa akin na meron ka nang iba. Mauunawaan ko naman, eh. Kaysa ganito na bigla mo na lang akong iiwasan,” sumbat na ng babaeng Nakee pala ang pangalan sa mukhang bagong dating na lalaki. “What?” malamang ay naguluhan ang lalaki na Aman ang pangalan kaya ganoon lang ang lumabas na word sa bibig nito. Sa kanyang pananahimik habang nakikinig sa away ng dalawa ay lumapit sina Eyrna at Jella sa kanya. Inilapit nila ang mga tainga nila sa hawak niyang phone. Nakirinig. "Kausap ko ang girlfriend mo,” sabi ni Nakee na kanyang narinig. "What girlfriend are you saying?” mahinahong tinig naman ng lalaki. “Kausapin mo. She's looking for you.” Malamang ay ibinigay ni Nakee ang cellphone nito kay Aman. Dahil ang sunod na niyang narinig sa earpiece ng phone ay, “Hello?” ng lalaki. Grabe ang taranta niyang ibinaba ang kanyang cellphone at pinatay……..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

My Husband's Mistress

read
297.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook