bc

TORN BETWEEN (wife and mistress)

book_age18+
4.2K
FOLLOW
13.9K
READ
revenge
mistress
drama
bxg
cheating
lies
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

MAHAL NA MAHAL NIYA ANG KANYANG ASAWA,

SUBALIT MAY BAHAGI RIN SA PUSO NIYA ANG BABAE NIYA...

Nahahati si Athan sa pagitan ng kanyang asawa na si Yhannie at sa mistress niyang si Ayu. Lalo na nang pakiramdam niya ay nasasakal na siya sa pagpaparusa sa kanya ni Yhannie noong nalaman nitong may ibang babae siya.

Sa bandang huli, sino kaya ang kanyang pipiliin? Ang kanya bang asawa o ang pangalawang babae na niya?

chap-preview
Free preview
PART 1
NAKANGITING naalimpungatan si Ayu dahil gumalaw ang katabi niyang natutulog sa kama. “Hmmmm...." ungol niya na hindi nagmumulat ng mga mata. Antok na antok pa kasi siya. Gusto pa niyang matulog. Pero napilitan siyang gumising dahil naramdaman niyang biglang bumangon si Athan. "Bakit?” takang tanong niya na napapakamot sa ulo niya. Nakita niya kasing nagbibihis na si Athan. “Nag-text si Yhannie. Kailangan ko nang umuwi," tarantang sagot nito sa kanya. Halos hindi mabuto-butones ang polo nito. Bigla’y nakusot ang maganda pa ring mukha ni Ayu kahit na bagong gising. Napabangon siya. “Teka, ano 'to?” ta's kunot ang noo na protesta na niya dahil hindi ito ang inaasahan niya. “Akala ko ba sa akin ka ngayon at bukas? Nag-promise ka sa'kin, Athan." Lumaymay ang magkabilang balikat ni Athan na tumingin sa kanya. Ito man ay mababakas ang pagkadisgusto sa biglaang pag-uwi dahil marami silang plano na gagawin sana ngayon ni Ayu. “I'm sorry, babe. Pero iyak na iyak daw ang anak ko. Gusto raw niya akong makasama ngayong new year. Tapos may lagnat pa raw siya. Alam mo naman na mahal na mahal ko ang batang iyon. Hindi ko siya matitiis." Napaungol at napapikit nang mariin si Ayu. Sabi na nga ba niya’t dahil sa demonyitang bata na iyon na naman ang dahilan. Ang sarap talagang tirisin. Ngayon na nga lang niya ulit masusolo si Athan, eh. "So, ganito na lang? New year na new year ay iiwanan mo akong mag-isa. Ganito na lang ba ako sa buhay mo, Athan?” Lumakas agad ang boses niya dahil sumama ang loob niya at hindi siya masisisi. Paano’y nagpaubaya na nga siya noong Christmas dahil nangako si Athan na kanya ito ngayong New Year tapos ganito naman pala ang mangyayari? Ano 'to lokohan? Lagi na lang ba ganito na tuwing may okasyon ay siya ang naiiwan na mag-isa? Siya na lang ba lagi ang mag-a-adjust? Ang unfair naman yata. “Sorry talaga pero kailangan ako ni Nana. Kailangan ako ng anak ko, Ayu, kaya sana maintindihan mo,” pakiusap ni Athan na patuloy pa rin sa pagbibihis. Disidido pa rin itong iwan siya at umuwi sa pamilya nito. “Pero napag-usapan na natin ito, Athan! Sabi mo akin ka ngayong araw na ito! Hindi naman siguro pababayaan ni Yhannie ang anak niyo!" Nag-init na talaga ang ulo niya. Padabog siyang bumaba sa kama. Wala siyang pakialam kung panty lang sout niya. Wala na kasi siyang hiya-hiya sa lalaking tinuturing na niyang asawa kahit alam niyang malabo na iyong mangyari dahil may legal na itong asawa at iyon nga ay si Yhannie. May hiya pa ba siya? Eh, ilang ulit na nga silang nagsi-s*x ni Athan? Hindi na mabilang dahil mag-iisang taon na silang ganito. Mag-iisang taon na siyang dakilang KABIT ng lalaking ito. Isang taon na siyang nagpapakasakit at umuunawa kahit mahal nila ang isa't isa dahil hindi siya ang legal, dahil hindi siya ang nakapirma sa marriage contract. Damn that papers! Nilapitan siya ni Nathan at masuyong niyakap, tapos ay hinalikan siya sa noo tapos sa lips. “I know pero 'di ko naman alam na mangyayari ito, eh. Ayu, kailangan ako ng anak ko ngayon kaya sana 'wag ka ng magalit please?” Napatiim-bagang si Ayu. Gusto niyang unawain si Athan dahil mahal na mahal niya ito ay ayaw sana niya itong naiipit sa sitwasyon nila, pero paano naman na ang mga plano niya ngayong araw na ito at lalo na mamayang gabi na New Years Eve? Akala pa naman niya ay magiging masaya siya mamaya. Akala pa naman niya hindi na siya mag-isa ngayon dahil noong Christmas ay napapaiyak na lang siya sa sobrang kalungkotan dahil nagpasko siyang mag-isa. Tapos ngayon ulit na New Year? Ang unfair talaga. “Sige na. I have to go. Tatawagan na lang kita kapag magkaroon ako ng pagkakataon.” Isang mabilis na halik sa pisngi ang ginawad na sa kanya ni Athan at humakbang na ito paalis, humakbang na pauwi sa totoong nitong bahay, sa bahay kung saan naroon ang totoo nitong asawa. At siya, wala na naman siyang nagawa. Hinayaan na lang niyang pumatak ang mga luha niya habang napahalukipkip. Habang nagpapakatapang at nagpapakatatag kahit na pakiramdam niya ay sasabog na naman ang puso niya. Wala naman siyang magagawa kundi ang panoorin na iwanan siya ng lalaking mahal niya dahil nga kabit lang siya. Kung tutuusin kahit ang pag-angal o pag-demand tulad ng ginawa niya kanina ay wala siyang karapatan. Walang-wala. Ang tanging magagawa niya ay maghintay na lang kung kailan ulit siya dadalawin ni Athan. Kung kailan ulit ito makakatakas sa asawa nito. Kung kailan ulit makakaisip ng alibi para puwede itong matulog magdamag dito sa bahay niya na hindi magdududa ang asawa nito. At kung kailan ulit maisip na sipingin siya. Ganoon lang. Ganoon kasaklap ang pagiging kabit. Sa iyo lamang ang tira-tirang oras ng lalaking minamahal mo. At dahil ito ang pinili niyang buhay ay wala rin siyang karapatan na umangal. Pinili niya ang buhay na ito sa kadahilanang mahal niya si Athan kahit may asawa na. Magtiis siya kung nais niyang manatili sa piling niya si Athan kahit pasaglit-saglit lang. Bumalik sa ala-ala niya noong una niya itong makita at makilala. Doon sa restobar. Kumakain siya noon na mag-isa mula sa trabaho niya na receptionist sa isang hotel. At tandang-tanda niya kung paano naging slowmo ang lahat nang magtagpo ang kanilang mga mata. "Pwedeng maki-share ng table, miss?" tanong sa kanya noon ni Athan dahil puno na ang resto ng mga customers. "S-sure," pagpayag naman niya. Nautal siya dahil parang nawala siya sa sarili niya. Sa una'y tahimik muna sila habang kumakain pero hindi siya nakatiis, siya na ang gumawa ng unang hakbang. "Hi," papansin niya. Hindi siya malandi pero talagang tinamaan ang puso niya sa lalaki. Sabi naman ng iba normal na na babae ang nagfi-first move. Tipid siyang nginitian nito. Lalo naman siyang kinilig dahil mas gumwapo pa ang lalaki. Malinis ang mukha nito dahil kaka-shave lang tapos maputi ang mamumula nitong pisngi. Wala man lang pores. Matangos ang ilong na animo'y pinaretoke but she doubt if pinaretoke nga. Sa isang salita ay perfect ang pagkakalilok ng mukha nito. "I'm Ayu. You are?" "Athan," mabilis na pakilala rin ng lalaki. Muntik na talaga siyang matunaw nang ngumiti na ito sa kanya, hindi na lang tipid. "May hinihintay ka?" usisa niya sa paraan na pa-cute. May pabasa-basa ang dila niya sa lips niya. "Wala naman," sagot ni Athan. Sa simpleng pagpapakila niya na iyon noon ay heto na sila ngayon. Palihim na nagkikita dahil hindi na pala ito binata. Kulang-kulang isang taon na sila. Nalaman naman niya agad noon na may asawa na si Athan. Subalit dahil gusto na talaga niya ito ay pinikit na lamang ang kanyang mga mata. Wala siyang naging pakialam kung may asawa na si Athan ang mahalaga ay nakakasama niya ito. Sinikap niya na hindi siya naging sakit sa ulo ni Athan. Sunod-sunuran siya. Lahat ng pag-iingat na sinabi ni Athan para hindi sila mabuking ng asawa nito ay sinusunod niya. Niyakap niya ng buong puso ang pagiging kabit kahit na hindi niya pingarap na maging kabit lang. Minsan nga lang ay napapagod din siya sa kakaintindi sa sitwasyon. At dahil normal lang na babae rin siya ay nagseselos din siya tulad ngayon. “s**t ka!” mura na lang niya nang marinig niya ang ugong ng sasakayan ni Athan paalis. Napaupo na lang siya sa gilid ng kama. Kama na bakas na lang ng makasalanang ginawa nila ni Athan kanina.......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.2K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.5K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook