PART 2

1416 Words
TAKANG napatingin si Vanya sa pintoan ng kanilang bahay. May kumakatok kasi. Tapos na ang putukan ng bagong taon. Nakakain na rin sila ng anak niya ng handa nilang spaghetti, ice cream, at macaroni salad kaya naglilinis na siya ng kusina. Masaya naman silang mag-ina kahit paano kahit sila lang ang nag-celebrate ng bagong taon at kahit simple lang ang kanilang handa. Hindi na siya nag-abala pa sa handa dahil wala naman silang bisita. Maliban sa kumakatok ngayon na may hula na siya kung sino. Nagpunas muna siya ng kamay bago tinungo ang pinto at pagbuksan ang bisita na kumakatok. At tama nga ang kanyang hula nang makita niya sa likod ng pinto ang bisita. "Pakain? Kung may natira pa sa handa niyo?" nakangiting sabi sa kanya ni Ayu. Ang kaibigan nga ang bisita niya tulad ng inaasahan niya. Ang pasaway na si Ayu Hernandez. "Pasok ka. Sinurpresa mo naman ako." Niluwangan niya ang pinto para makapasok ang matalik niyang kaibigan. "Si Princess ko?" tanong ni Ayu nang hindi makita ang inaanak. Walang ano mang itong umupo sa sofa. Feel at home agad ito dahil madalas naman itong naririto sa bahay nila. "Pinatulog ko na at baka lumabas pa. Dilekado ang paputok ngayon," sagot ni Vanya habang inila-lock ang pinto ng munting bahay. Sinigurado niya dahil madaming masasama ang loob sa lugar nila. Gusto nga niyang lumipat para sa kaligtasan ng kanyang anak pero wala naman siyang maisip kung saan, lalong wala siyang pera. Tumango-tango si Ayu. "Eh, 'yung de-sungay na asawa mo?" Tumirik ang mga mata niya sa tanong ng kaibigan. "Tinanong mo pa talaga, eh, alam mo naman na." "Hindi pa pero hulaan ko kung nasa'n siya," pilyang sabi ni Ayu. Inihawak nito ang kamay sa baba at kunwa'y nag-isip. "Nasa pangatlo siya?" "Tse!" ingos niya ng kaibigan. "Wala akong pakialam kung nasa'n ang demonyong iyon. Magpakasaya siya sa kahit sa sino mang kabit niya na kinaroroonan niya ngayon dahil kahit wala siya ngayon ay masaya naman kami ni Princess ngayon. Mas okay pa nga na wala siya. Nairaos naming mag-ina ang New Year na tahimik." Nag-"Weh?" si Ayu dahil hindi ito naniniwala kay Vanya pero sa utak na lang nito iyon. Ayaw nitong siraan ang magandang New Year ng kaibigan kung totoo man. Tumawa na lang ito. Natawa sa ka-bitter-an ng kaibigan. Alam kasi ni Ayu na kahit ganoon ang sinasabi ni Vanya ay malungkot pa rin siya at nasasaktan. Nagpapakatatag lang kuno si Vanya para sa anak. Si Alvin kasi na asawa ni Vanya ay babaero pa sa babaero. Paanoy dala-dalawa ang kabit. Mali, tatlo-talo pala ang kabit ng hinayupak. Hindi makuntento sa sa dalawa, lalo na isa. Baka nga may pang-apat na, eh. At si Vanya naman parang nagsawa na na ipaglaban ang pagiging legal nitong asawa. Hinahayan na lang nito si Alvin kahit nasasaktan pa rin. "Sana nga maputukan na lahat ngayong bagong taon ang lahat ng kabit para wala ng salot dito sa mundo. Kunin na sana lahat sila ni Satanas," dagdag pa ni Vanya sa sinabi. Gigil na gigil na naman. Na siyang nagpangiwi naman kay Ayu. Paanong hindi, eh, nakalimutan yata ng kaibigan niyang KABIT din siya. "Grabe ka. Nilahat mo naman," irap niya dito sabay knock on the wood, buti na lang at yari sa kawayan ang sofa nina Vanya. Ayaw niyang maputukan ngayon noh. Mas lalong ayaw niyang makita si Satanas. Buyag. "Ay, sorry," hindi sincere na sabi ni Vanya. "Nakalimutan ko na isa ka nga rin pala sa kanila. Kung bakit naman kasi maganda ka naman, eh, kung makahabol sa may asawang tao ay para kang ewan. Ayan tuloy naiiwanan ka sa ere," dahil dugtong nito. Napahimas sa kanyang pisngi si Ayu. Aray na aray siya ro'n. Pasalamat ni Vanya at kaibigan niya ito kundi naku. "Magbago ka na," sabi pa ni Vanya. "Eh, bakit ikaw legal ka naman na asawa pero naiiwanan din naman sa ere?" patutsada na rin niya dito para magtigil. Kaso ay lalo pa siyang pinamaywangan ng magaling niyang kaibigan. "Hoy, Ayu Hernandez, ibahin mo ang sitwasyon natin. At least ako alam ko at sigurado pa rin ako na uuwian ako ng asawa ko. Eh, ikaw? Paano kung magsawa na sa'yo ang lalaking 'yon? Saan ka pupulutin aber? Sa kangkungan?" Kamot sa ulo na lang si Ayu dahil hindi talaga niya matatalo ang kaibigan sa ganitong usapin. "Ay, naku, hayaan mo na lang ako. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Anong magagawa ko, eh, mahal ko 'yung tao. Yaan mo na." "Ewan ko sa'yo. Maganda ka naman pero tanga lang." "Real talk talaga?" Nasaktan siya ng very light. "Oo!" Pinanlakihan siya ng mata ni Vanya. "Basta 'di ako nagkulang ng paalala sa'yo, ah?" "Oo na. Sige na kuhanan mo na ako ng makakain at gutom na ako," pagtataboy na lang niya rito para kahit saglit lang ay tumahimik naman ang paligid. "Sige. Saglit lang." Salamat at iniwan na siya ni Vanya. Kaso ay hindi na naman niya maiwasang isipin ang mga nakita niya kanina. Ang totoo, kanina bago sumapit ang bagong taon ay pumunta siya sa bahay nina Athan. At doon nga, nakita niya si Athan kung gaano kasaya ito kasama ang pamilya nito; si Yhannie na asawa nito at si Nana na anak nila. Masaya sila na sinalubong ang bagong taon sa labas ng bahay nila. Ang dami nilang pinaputok. Habang siya naro'n sa malayo, nakatanaw lang. Naluluha habang inggit na inggit. Walang kaalam-alam si Athan na naroon siya. Actually naisip niyang magpakita at manggulo dahil inis na inis siya kay Athan pero in last minute ay pinigilan niya ang sarili niya kasi nga alam niyang magagalit lang sa kanya si Athan. Bigla ay naisip niya na ayaw niya pa lang mangyari na magalit sa kanya si Athan. Ang pinaka-rule ni Athan sa lihim nilang relasyon ay ang 'wag na 'wag siyang pupunta sa bahay nilang mag-asawa. Pero sadyang matigas kasi ang ulo niya kaya nagpunta pa rin siya kanina. "O, kumain ka na. Masarap 'yan. Dinamihan ko ng cheese at gatas kasi alam kong iyon ang gusto mo." Inilapag ni Vanya ang isang bowl ng macaroni salad sa center table ng kawayan nilang sofa. Kalmado na ito. Napamata siya rito pagkatapos ay ngumiti. Iyong ngiti na sumisingkit ang mga mata. Umupo si Vanya sa tapat niya. "Alam ko kasi na pupunta ka rito. Actually, iti-text dapat kita o tatawagan pero nag-alangan din ako. Baka kako kasama mo si Athan at syempre mas gusto mong kasama siya kaysa sa'kin na kaibigan mo." "Ang sweet mo naman." Kinutsara na niya ang salad at sinubo. Sinadya niyang 'wag pansinin ang huli sa sinabi ni Vanya. Ninamnam na lang niya ang pagkain. Masarap talagang magsalad si Vanya dahil naging chef sa isang restaurant. Nasira lang ang direksyon ng buhay noong ginive-up ang career para sa asawa nitong luko-luko pala. "Masarap 'di ba?" tanong ni Vanya. "Medyo," matapat niyang sabi. Sa ngayon kasi ay parang hindi niya nalalasahan ang pagkain kahit alam niyang masarap. Siguro natatalo ang panlasa niya ng kalungkutan niya. Napailing si Vanya. Hindi man siya ulit nilait ay alam niyang nauunawaan siya nito. "Dito ka na lang matulog," sa halip ay anyaya nito sa kanya. "Para makapagkwentohan naman tayo." "Hindi na. Uuwi rin ako kasi baka balikan ako ni Athan," pagtanggi niya. "So, umaasa ka pa rin talaga? Sa tingin mo maiiwan pa niya ang anak niya ngayon at ang asawa niya? Masarap i-celebrate ang New Year kasama ang pamilya." Napalabi siya. Oo umaasa talaga siya dahil magkaganonman na ang New Year ay para sa pamilya, alam niya na iniisip din siya ngayon ni Athan kahit paano. Pero hindi na niya isinatig kay Vanya iyon. Alas tress na yata nang makaalis siya sa bahay nina Vanya at alas tress y medya na nang makarating siya sa bahay na inuupahan ni Athan para sa kanya. Madami pang nagpuputukan sa labas kaya malakas pa rin ang pag-asa niyang bigla siyang susurpresahin ni Athan. Minsan ganoon naman si Athan. Kapag na-guilty ay gagawa pa rin ng paraan para makapag-sorry sa kanya kapag ma-realize na may kasalanan ito sa kanya. Kaso sumapit na ang umaga ay walang Athan talaga na dumating. Ni text at call ay wala rin. Tinikis talaga siya. Benaliwala. Mas ginusto na talagang makasama ang pamilya. Nakuyom na ni Ayu ang kanyang mga palad sa sobrang galit. "I hate you, Athan! Diyan ka na lang sa asawa mo!" at sigaw na niya ng malakas sabay balibag sa cellphone niya at sa iba pang gamit na madampot niya. "Ahhhhhhhhh!!" Nagwala na siya..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD