PART 3

1487 Words
HINDI alam ni Ayu kung gaano na siya katagal na nakababad sa bathtub. Ito lang kasi ang alam niyang paraan para payapain ang matinding galit niya sa dibdib; ang magbabad sa tubig na may maraming sabon para humupa iyon habang sumisimsim ng imported na alak, na syempre kay Athan din galing. Nakakatawa. Nakakatawa talaga. Sobrang nakakatawa. Gusto niyang matawa nang malakas. Pa'no nga ba naman huhupa ang galit niya o matinding sama ng loob niya kay Athan kung lahat na lang nang makita niya rito sa loob ng bahay ay makapagpapaalala sa kanya ng walang kuwentang lalaking iyon. Gagong Athan Montesa! Tinungga niya ang wine glass. Sinimot niya ang laman na alak niyon pagkatapos ay inilubog niya ang ulo sa tubig. Parang gusto niyang mamatay na sa ngayon para matapos na ang paghihirap ng kanyang damdamin. Letcheng puso niya. Bakit ba kasi sa lalaking may asawa pa kasi tinubok? Ang dami namang ibang lalaki! Saglit ay umahon din naman siya bago pa man siya maubusan ng hangin sa baga. Biglang dilat siya. Napatitig siya sa ceiling. Hindi nagtagal ay naningkit ang mga mata niya. Bakit naman siya magpapakamatay? Dahil lang ba sa hindi niya nakasama ang lalaking mahal niya noong New Year? Ang babaw. Hindi pa siya nababaliw, noh! Nang magsawa ay umalis na siya bathtub. Bigla ay may gusto siyang puntahan. Pinatuyo niya ang sarili at pagkuwa'y nagbihis. Namili siya ng damit na gagamitin. At iyong pinaka-sexy na damit niya ang pinili niya. Yung kulay red na dress niya na mababa ang neckline, backless at mataas ang slit na halos kita na ang singit niya nang kanyang sinuot. Tapos ay tinernuhan niya ng paborito niyang stiletto heels. Bag na parang malaking wallet lang ang style ang pinili naman niyang lagayan ng mga gamit niya. Ang buhok niya'y itinali niya ang lahat ng pataas. Perfect! Nasiyahan siya sa kanyang hitsura nang isa pang beses ay sinuri niya ang kanyang sarili sa salamin. Ang porma niya kasi ngayon ang nakaagaw sa atensyon ni Athan noon. Tandang-tanda pa niya paanong tingnan ni Athan ang ka-sexy-sihan noong unang date nila. Ang tingin ni Athan sa kanya ay parang anghel siya na naligaw sa lupa. Isang party iyon noon at hinding-hindi niya iyon makakalimutan dahil doon din mismo ay nahulog din ang loob ni Athan sa kanya. Inakala niyang good catch na siya kay Athan. Huli na nang malaman niyang may asawa na pala si Athan. Mayamaya pa'y magandang-maganda at sexy na sexy na siyang lumabas ng bahay at nagpara ng taxi. Wala pa siyang sariling sasakyan pero malapit na. "Ma'am, artista po ba kayo?" tanong tuloy sa kanya ng taxi driver na kanyang sinakyan. Muntikan nang mapasipol ito sa taglay niyang ka-sexy-an. Nang-aakit na tiningnan niya ito sa rear view mirror at nginitian. "Kuya, mag-drive ka na lang pwede po ba?" at aniya rito sabay supestikadang tinaasan din ng noo. Pero hindi siya galit, gusto nga niya iyon dahil nakapagpapataas iyon ng kumpyansa niya sa sarili. Ibig sabihin ay kaakit-akit pa rin siya hanggang ngayon. Mas maganda pa rin siya sa manang na si Yhannie. Napakamot-batok na lang ang driver. Saglit lang ay sa isang mamahaling restaurant tumigil ang taxing kinasasakyan niya ayon na rin sa sinabi niyang direksyon nila. "Thank you," pasalamat niya sa driver sabay abot sa bayad. Ala super model siyang bumaba sa taxi. Actually dapat model, beauty queen, or artisa naman talaga siya ngayon. Nag-resign siya bilang receptionist noon dahil may talent scout na nakadiskubre sa kanya. Inayawan lang niya ang offer sa kanya noon dahil in-offer-an din siya ni Athan na ito na ang bahala sa kanya basta sa bahay lang siya, at dahil mahal niya pumayag siya. Pinagpalit niya ang maganda sana niyang career dahil sa kabaliwan niya kay Athan. Well, wala namam siyang pagsisisi dahil alagang-alaga naman siya ni Athan. "Thank you, Ma'am," tung driver. Inamoy-amoy pa ang perang binayad niya. Natatawa na lang siya. Malakas pa rin talaga ang alindog niya sa mga lalaki. "Good morning, Ma'am," bati naman sa kanya ng security guard. Parang ngayon lang din nakakita ng babaeng kasing sexy at kasing ganda niya. Lumuwa talaga ang mga mata nito. "Thank you," nang-aakit niyang sabi rito. "Table for two, Ma'am?" salubong din agad sa kanya ng waiter na nanlalaki ang mga mata. Tulad ng taxi driver at security guard ay para itong nakakita ng anghel. "No. Mag-isa lang ako," aniya tapos ay inumpisahan nang ilibot ang kanyang mga mata sa pangmayamang restaurant. And BINGO nakita na nga niya agad ang sadya niya. Sabi na nga ba niya't tama ang nasa isipan niya na nandito ang masayang pamilya. Hindi siya nagkamali ng pinuntahan. Kilalang-kilala na niya si Athan pati na rin ang pamilya nito. Alam na niya kung saan ang mga paborito nilang kainan, pasyalan, at kung anu-ano pa. Hindi alam kasi ni Athan ay madalas niyang sinusundan ang mga ito. Kinabisado niya lahat. Daig pa niya stalker. Inis lang niya lalo kay Athan nang makita niya kung paano ito tumawa kasama si Yhannie. Ang saya-saya ng gunggong. "This way, Ma'am," untag sa kanya ng waiter. Puno ng inggit ang dibdib niya na tinungo ang bakanteng upuang iginiya sa kanya ng waiter. Malapit sa table nina Athan. At sa 'di inaasahan ay napadako sa kanya ang tingin ni Yhannie. Nginitian niya ito at ngumiti din ito sa kanya. Tanga lang ang gaga. Palibhasa ay hindi siya kilala. "Hon, natahimik ka?" pansin ni Athan sa asawa. "Um, sorry akala ko kasi kilala ko siya," mahinang wika ni Yhannie na nasa babaing hindi niya kilala pa rin ang tingin dahil nakatingin pa rin sa kanya. "Sino?" Nilingon ni Athan ang tinutukoy ng asawa. Pero anong pamimilog ng kanyang mga mata nang makita niya ang babaing tinutukoy ni Yhannie. Awtomatiko niyang binawi ang tingin. "s**t!" hindi niya naiwasang hindi mapura. "Hon, watch your word. Nandito ang anak mo." Nagtaka tuloy si Yhannie sa kanya. "Oh, sorry, Hon. Bigla kasing sumakit ang tiyan ko. Excuse me." Buti na lang at nakaisip siya agad ng alibi. "Nana, kain ka lang diyan, ha?" bago siya kunwari magtungo sa rest room ay sabi niya muna sa anak. "Yes, Dad," sagot naman sa kanya ng bibo niyang anak na eight years old na. Sarap na sarap sa pastang kinakain. Maang na sunod-tingin lang naman sa kanya ang asawang si Yhannie. At dahil alam niya na nakasunod ang tingin sa kanya ng asawa ay pasimple lang niyang sinenyasan sa mata si Ayu. Sinabi sa senyas na sumunod sa kanya sa restroom. Hindi niya alam kung bakit narito ngayon ang dalaga. Hindi niya tuloy mapigilan na hindi mangamba. Sana lang ay wala itong balak na hindi maganda. Nalampasan na niya si Ayu kaso ay napalingon siya rito dahil hindi sumunod sa kanya ang dalaga. Napatiim-bagang siya. Nadagdagan ang takot niya sa dibdib. Anong plano kaya nito? Hindi pa siya handa na malaman ni Yhannie ang kanyang pagtataksil. Napangisi naman si Ayu nang lumampas na sa kanyang kinatatayuan si Athan. Alam niyang pinapasunod siya nito para makapag-usap sila. Pero alam na niya kung anong sasabihin nito kaya hindi siya sumunod. Una ay ang bakit siya nandito. Pangalawa ay umalis na siya rito. At nakakaasar iyon. Sa pag-alis ni Athan sa table ng pamilya nito ay sinamantala niya iyon para gawin na ang plano niya. Ngumiti siya kay Yhannie nang tumingin ulit ito sa kanya. Pagkuwa'y pakendeng-kendeng na siyang lumapit sa mag-ina. "Ayu, no! You can't do this to me!" naalarmang hiyaw ni Athan sa isipan dahil nakita nito iyon; ang paglapit ni Ayu sa kanyang asawa at anak. Nakuyom nito ang palad at halos magdugtong ang mga kilay nito. Alam din iyon ni Ayu na nakatingin sa kanya si Athan. Napapangisi siya habang papalapit sa kinaroroonan nina Yhannie. Nagbubunyi ang kanyang damdamin. Tama lang na kabahan at mabahala si Athan. Iyon ang gusto niyang mangyari. Palapit na palapit na siya sa kinauupuan nina Yhannie. Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha ni Yhannie. Siguro'y kinikilala siya. Pero nang malapit na siya sa mag-ina ay kumambyo siya. Imbes na sina Yhannie ang lalapitan niya ay iyong matandang lalaki sa likod nina Yhannie ang pangahas niyang nilapitan at nilandi. "Hi, handsome. I miss you," malandi ang boses niyang sabi sa matandang lalaki. Alam niyang gulat na gulat ang matandang mukhang mayaman dahil sa kapangahasan niyang ito pero ito talaga ang balak niya, ANG PAKABAHIN KONTI SI ATHAN, kaya wala siyang pakialam. "Sino 'yang babaeng 'yan, Leonardo? Akala ko nagbago ka na!" Kaya naman 'yung asawang bagong dating ay nagalit. "Hindi ko siya kilala," sabi ng matandang lalaki sa asawa nito pero sinampal lang ito ng babae. "Sinungaling!" At umalis na ang babae na nagpupuyos ng galit. Tiningnan siya ng matandang lalaki nang masama bago nito sinundan ang asawa. "Sandra, wait!" Gustong magtatawa ni Ayu sa nangyari. Sorry na lang sa mag-asawang iyon. Makahulugan niyang sinulyapan si Athan pagkatapos. Binigyan niya ito tinging naglalaman ng, "Pasalamat ka at hindi kayo ni Yhannie ang nag-aaway ngayon."...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD