bc

ARDIA: GUARDIANS OF THE CURSED PRINCESS ( Tagalog )

book_age12+
712
FOLLOW
2.4K
READ
adventure
time-travel
powerful
brave
witch/wizard
princess
superhero
no-couple
magical world
superpower
like
intro-logo
Blurb

Hindi aasahan ng limang kabataan na isang araw ay magbabago ang kanilang buhay dahil sa pagdating ng isang nilalang na galing sa ibang mundo. At gagawin silang mga special na tao.

Magkakaroon sila ng kanya-kanyang kapangyarihan upang iligtas ang prinsesa ng mga ALBAYANA na isinumpa at ipinatapon daw rito sa mundo ng mga tao.

Makakaya kaya ng limang kabataan na maging guardians ng prinsesa laban sa itim na prinsesa? Anong kapangyarihan ang tataglayin nila?

chap-preview
Free preview
PART 1
"Egi ha, Lorben! Akayi no a Saprea!" ~Sige na, Lorben! Itakas mo na ang Prinsesa!~ Hirap na hirap ang kalooban utos ni Reyna Sayta ng kahariang Albayana sa kanyang pinagkakatiwalaang kawal, ang reyna ng isa sa mga kaharian ng mundo ng fantasya. Sa mga sandali kasing iyon ay sinasakop na ng masamang kapatid ni Reyna Sayta ang kahariang pinamumunuan nito. Isang masamang kapatid na pinilit nitong makuha ang Ardia (guardian) ng Onper (impyerno) na si Kenas upang pabagsakin si Reyna Sayta bilang reyna. At palitan! "O atya i manu, angina a Yena! Ara i nasatgila i Saprea Akial te kedimar!" ~Kung iyan ang iyong nais, Mahal Na Reyna! Para sa kaligtasan ng Prinsesa Akial ay gagawin ko!" Labag man sa kalooban ni Lorben, ang Ore ng kaharian o ang pinakamataas na mandirigma ng kahariang Albayana ay handa nitong sundin ang utos ng mahal nilang reyna. "Kewana ag g'nat ag boo yota nim, Lorben. Atya ag natapata te kanni natamalasapsap yan. Yaj g'nobu i oatta! Yaj o ag nap te g'nemell onpa satgilia i kan o. Te tapa amu medimar o i nem onpa nilab'g o te ngea anus ag Yena!" ~Tatanawin ko na utang na loob ito, Lorben. Ang iyong katapatan ay aking pinagpapasalamat. Doon sa mundo ng mga tao! Doon mo siya dalhin at itago upang maging ligtas ang aking anak! At sana gagawin mo ang lahat upang maging reyna siya balang araw!~ "Meg g'nan, kaydna ag nawana a!" ~Pero ina, ayoko na iwanan ka!~ Ngunit ayaw pumayag ang dalagitang si Prinsesa Akial. Ayaw nitong iwanan ang pinakamamahal nitong ina. Mahigpit itong yumakap sa mahal na reyna. Minsan na itong nawalan ng magulang noong namatay ang mahal na hari ng Albayana sa sakit kaya hindi na ito papayag na mawalay pa sa pinakamamahal nitong ina. "Meg okkan! Nalupasa ag satgilia a! Onpa i ognaki o iwababnga yotya nairaha oya! Nah a ganadg a adi a nayabay itiga Ordia o jaj g'nobu i oatta! Ne not'n add na no i ama ag newa! Nakilbus'g o te g'na yoti nairaha onpa nilab'g a ag yena!" ~Ngunit, anak! Kailangan mong maligtas! Upang sa bandang huli ay ikaw ang babawi sa kaharian! H'wag kang mag-alala ang iyong mga guardians ay 'di ka pababayaan sa mundo ng mga tao! At kapag nasa tamang edad ka na! Magbabalik ka ulit dito sa kaharian natin upang maging reyna!~ Lalong napaiyak si Prinsesa Akial. Ayaw pa rin nitong bumitaw sa pagkakayakap sa ina. Hindi nito magagawang iwanan. Hinding-hindi talaga! Sapagkat alam nito na baka sa pagbabalik nito ay hindi na nito ito makikita at makakasama. "Nige a Lorben! Nomuyaday a Saprea!" ~Sige na Lorben! Ilayo mo na ang Prinsesa!~ Pakiusap ng mahal na reyna sa magiting at tapat nitong mandirigma. Kumilos na si Lorben. May paggalang na nitong hinawakan ang magkabilang balikat ng mahal na prinsesa. Ang napakagandang prinsesa pero wala pa sa tamang edad upang maging reyna. "Laha a Yena, g'nadellak o meg nekabaa i awdaka oya. Asgipga i nahiraya na ya tasba o! Lupasa ag sakamu oya!" ~Mahal na reyna, kinalulungkot namin pero nagapi na po ang ating mga hukbo! Napakalakas ng kapangyarihan ngayon ng iyong kapatid! Kailangan na po nating tumakas!~ Humahangos na bungad ng isa pang magiting na mandirigma ng kaharian. "Tayamya orugi laha a Yena o torumu oya negnea yaj g'nobu i oatta! Na-ya a nima yoti! ~Ang mabuti pa siguro mahal na reyna ay sumama na kayo sa mundo ng mga tao! Hayaan niyo na po kami rito!~ mungkahi ng tagasunod ng mahal na reyna. "Ne dura g'nan! Nakyam!" ~Oo nga ina! Halika na!~ Iyak nang iyak na hila ni Prinsesa Akial sa ina. Ngunit umiling-iling ang mahal na reyna. Hindi nito maiiwanan ang kaharian nito ano man ang mangyari. Haharapin nito ang kapatid kahit na ito pa ang maging katapusan ng lahat at ng buhay nito. Hindi bale at handa na rin naman na si Reyna Sayta. Alam nito kasi na nagaganap lamang ang propisiya. Ang pagsakop ng masasama sa kaharian nila. Kahit pigilan nito ay mangyayari at mangyayari pa rin ang lahat ng ito. Dahil ito ang nakasulat sa aklat ng Propisiya. At alam din ni Reyna Sayta na ito ang dapat mangyari para maging reyna balang araw ang anak nito. Isang malakas na pagsabog ang biglang nagpayanig sa lugar. At pumasok sa nasirang pintuan ng kaharian ang masamang nilalang na sakay ng naglalakihang ahas. Dragon iyon na may limang ulo ng ahas na nagniningas ang mga mata. Nakakatakot! Ngumisi ang babae sa mahal na reyna. At parang natakam naman ang tingin nito sa dalagitang prinsesa. Nakaitim ang babae ng mahabang bistida. Itim ang gilid ng mga mata nito. At kulot ang mahaba nitong buhok na tila 'di nasusuklay ng napakahabang panahon. Kumikislap din sa talim ang mahahaba nitong kuko. Ito ang kapatid ni Reyna Sayta. Ang itim na prinsesa Sonji! "Niyata oyi nim adus!!" ~Patayin silang lahat!~ Walang awa na nitong utos sa Ardiang mula sa Onper (impyerno). Kumislap ang mga mata ng mga malahiganteng ahas na may limang ulo. Ito ang Ardia Kenas kung tawagin, the guardian of hell! Nagpalabas ang mga ito ng mala-lazer na kapangyarihan. Na kahit anong tamaan ay nagkakapira-piraso, nasusunog at sumasabog! "Eiiihhhhh!" Tili ni Prinsesa Akial. Muntik na kasi itong madaganan ng kung anu-ano. Nayanig ang lugar kaya hindi nito alam kung saan kakapit. Napahiwalay rin ito sa ina. Buti at nailabas agad ni Lorben ang shield nito, kapangyarihan na naggagaling sa Ardia nito na isa namang uso. Na kapag ginamit nito ay kaya nitong pigilan kahit na anong bagay o kapangyarihan na tatama sa kanila. Sa kahit na anong lawak na gustohin nito kaya kahit ang iba ay nailigtas ng matapang at magiting na Ore (mataas na mandirigma). Ngunit ang mahal na reyna ay nasaktan. Nasugatan ito! "G'nan!!" ~Ina!!" hiyaw ni Prinsesa Akial nang mapansin iyon. Duguan ang isang paa ng inang reyna. Kaya pala hindi na ito makatayo. "Egi a, okkan! Wanamu noya! Nap oya yaj g'nobu i oatta! Satgil u i iga u! Ara it nairaha oya, okkan!" ~Sige na, anak! Umalis na kayo! Magtungo na kayo sa mundo ng mga tao! Iligtas niyo na ang sarili niyo! Para sa kaharian, anak!!~ "Meg g'nan!" ~Ngunit ina!~ "Bwahahahahahaha!" Malutong at malademonyong tawa ng itim na prinsesa. "Sonji! Nenot's! Nomiga i nairaha!" ~Sonji! Tama na! Iyong-iyo na ang kaharian na ito kung gusto mo!~ Ang 'di inasahan ng lahat na pagpapaubaya na ng mahal na reyna sa kaharian. Kahit na wala pa silang ginagawa. Mas nahintakutan ang mga nasasakupan ng reyna. Kahit sino man ay walang may gustong maging reyna ang masamang prinsesa. Lalo na syempre si Prinsesa Akial. Walang kamalay-malay sina Lorben at Yena (reyna) Sayta na inipon na nito ang kakayahan nito. Ilalabas na nito ang mga Ardia nito (guardians). Kahit na bata pa lang ang prinsesa ay alam na nitong mayroon din itong gano'n, na may Ardia na rin ito dahil lahat ng nilalang dito sa kaharian ng Albayana ay mayroong kanya-kanya silang Ardia (guardians) upang maging tagapagtanggol nila. Nga lang ay syempre mas malalakas ang mga Ardia nila na mga matataas na angkan o tungkulin lalo na sa tulad nito na isang prinsesa at sa ina nitop na isang reyna keysa sa mga ordinaryong mga Albyans (tawag sa mga nilalang doon). "Nanana a!!" ~Lalabanan kita!!~ Mabagsik na sigaw ni Prinsesa Akial. Kasabay n'on ang sabay-sabay na paglabas ng limang Ardia sa likod nito. Gitla ang lahat. Lalo na si Yena (reyna) Sayta. Dahil kakaiba! Kakaiba ang pinapakitang kapangyarihan ng anak nito ngayon. Imposible! Imposible kasi na kaya nitong magpalabas ng limang Ardia (guardians) nang sabay-sabay. At mas nakaka-imposible na may lima pala itong Ardia gayung dapat ay isa lamang sa bawat Albyans ang tinataglay n'on bilang tagapagtanggol. "Aaaahhhh!" Hiyaw ng prinsesa. Kasabay rin nang pag-ulolong ng kanyang Ardia Sendes na isang wolf. At pagpapalabas ng apoy sa bunganga ni Ardia Ardens na isa namang Dragon. At pagpapapagaspas naman ng pakpak ni Ardia Zeresh na isang malaking agila. At ang pagpadyak-padyak naman ni Ardia Slypha na isang unicorn. At ang pag-angil naman ni Ardia Monis sa malalaki at matatalas nitong ngipin na isa namang mabangis na tigre. Gustong magbunyi ang lahat. At parang nahintakutan na rin ang Itim Na Prinsesang Sonji. Ngayon lang talaga sila nakakita ng ganito! Ngunit dahil hindi pa kaya ng musmos na katawan ni Prinsesa Akial ang malalakas na kapangyarihan ng mga Ardia (guardians) nito ay tila kandila rin ito na unti-unting naupos. Tapos ay nawalan ng malay. "Saprea!!" ~Prinsesa!!~ Sinakluluhan agad ito ni Lorben. At anong pagkabahala nito nang makitang unti-unting nawawalan ng ilaw ang hiyas na nakakabit sa dibdib ng prinsesa. Ang hiyas kung saan nakakulong ang mga Ardia (guardians). "Saprea naah a tabig'g! Maya ata!!" ~Prinsesa 'wag kang bibitaw! Kaya mo 'yan!~ Yugyog ni Lorben sa dalagitang prinsesa. Sa nakita ay nagdiwang ang itim na prinsesang Sonji. Humalakhak ulit ito ng pagkalutong-lutong. 'Di nito namalayan na pinalabas na rin ni Reyna Sayta ang Ardia nito. Nagliyab ang buong paligid ng reyna dahil ang Ardia nito ay ang Ardia Xepo, ang isa sa mga pinakamalakas na Ardia na tanging pinapataglay lamang sa mga nagiging reyna. Tila ba ay napakalaking ibon ang nasa likod nito na nagliliyab ng apoy, isa iyong phoenix! Hindi na sana ilalabas ito ni Reyna Sayta. Pero para sa anak ay napilitan na itong lumaban. Gitla ang itim na prinsesang Sonji. Pero saglit lang iyon. Malakas ang Ardia Xepo pero kayang-kaya ito ng Ardia nitong galing sa onper (impyerno). "Lorben, wanamu noya ngaba kaligipi anus! Nakatra u!!" ~Lorben, umalis na kayo habang pinipigilan ko siya! Bilisan niyo!!"~ Pasigaw na utos ni Reyna Sayta kay Lorben. Kasabay ng dahan-dahang nitong pag-angat sa ere na nakadipa ang mga kamay. Kinokontrol na ito ng mga Ardia nito. "Meg--" ~Pero--~ Ang hindi alam ni Reyna Sayta ay naghihingalo na ang anak nito. Palipat-lipat ang tingin ni Lorben sa prinsesa at sa reyna. "Egi a! Sil a!!" ~Sige na! Alis na! ~ Mas matatag na utos pa rito ng reyna. Wala nang nagawa si Lorben kundi ang pangkauin na ang prinsesa at ilayo nga roon. Sa isip nito'y bahala na! Ngunit sa kasamaang palad ay nakita pa rin sila ng itim na Prinsesang Sonji kahit na hinaharangan sila ng mga naglalakihang pakpak ni Ardia Xepo. Nagngingit ang itim prinsesa. "Namapigna anayna, Sayta?!" ~Saan mo dadalhin ang anak mo, Sayta?!~ "Nawa g'naibi o! Awu i nabal'g!" ~Wala kang pakialam! Tayo ang magtuos ngayon!!~ Matapang na rin ang tinig ng reyna. "Sakat o anus?" ~Itatakas mo siya?!~ Imbes na sumagot ay pinatamaan na ni Reyna Sayta ng apoy mula sa bibig ni Ardia Xepo ang kinaroroonan ng masamang kapatid. Ngunit mabilis ang Ardia Kenas ng itim na prinsesa, ang Ardia na galing sa Onper (impyerno) na isang tila dragon pero may limang ulo ng ahas. "Manik!!" ~Lapastangan!!~ Galit na naisigaw ni Sonji sa reyna. Ito naman ang nagpakawala ng mga kapangyarihan ng Ardia nito. Sabay-sabay na nagbuga ng apoy ang limang ulo ng ahas. "Aaahhhh!" Hiyaw ni Reyna Sayta. Dahil hindi nito sinasanay ang Ardia Xepo nito ay mahina ito kahit na ito ang pinakamalakas na Ardia. Ang mga Ardia kasi ay parang mga alaga na dapat sinasanay rin sa labanan. Sumalpok ang reyna sa pader at agad nanghina. Nakita pa iyon ni Lorben. Ngunit mas pinili pa rin nitong itakas ang prinsesa. "Naa oya ag sakataka kayna!" ~Hindi kayo makakatakas sa'kin!~ Subalit nakita rin sila ng itim na prinsesang Sonji. Sinundan sila nito. "Eiiiiihhhhh!" Tili ng mga mahihinang Albyans. Kanya-kanya silang takbo at takas. At sa wakas ay narating na ni Lorben ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Isa iyong talon o falls na matatagpuan din sa loob ng kaharian. Ibinaba nito muna ang walang malay na prinsesa at natatarantang kinuha sa leeg nito ang susi ng lagusan. Isang hiyas iyon na kulay bahaghari. Na kapag itatapat sa lagusan o tubig ng falls ay magbubukas. Binigay iyon ni Reyna Sayta kay Lorben bago naganap ang paglusob ng itim na prinsesa. Naramdaman siguro agad ng reyna na nasa panganib sila kaya pinaubaya agad nito ang hiyas na susi. Wala na ngang sinayang na sandali si Lorben. Tinapat nito iyon sa lagusan at nagbukas nga. Parang iyong mahiwagang pinto na puno ng ulap. Nasiyahan si Lorben. Maililigtas na nito ang prinsesa sa pamamagitan ng mundo ng mga tao. Ngunit nakasunod na pala sa kanila ang itim na prinsesa. "Det o anus kanya!!" ~Ibigay mo siya sa'kin!~ Nahintakutan man ay maingat na pinangko ulit ni Lorben ang prinsesa. "Det o anus kanya!!" ~Ibigay mo siya sa'kin!!~ Mas malakas na sigaw ng itim na prinsesa. Nagliyab ang mga mata ng Ardia nitong si Kenas. "Meal o maya!!" ~Kunin mo kung kaya mo!~ Pasarkastikong saad ni Lorben. Tapos ay tumalon na ito sa lagusan. "Aaaahhh!!" Galit na galit na hiyaw ng itim na prinsesa. "Manik!!" ~Lapastangan!~ Pagkasulpot na pagkasulpot ni Lorben sa mundo ng mga tao ay tinapat nito ulit sa lagusan ang hiyas na susi para magsara naman. Nabahala ang itim na prinsesang na si Sonji. Kaya naman isang sumpa ang binitawan nito. "Kapmusuni! Atya ag Saprea te naa ga kilab'g a Saprea ati g'nobu i oatta! Anus te nelab'g ag asta ag naa omm ag ngalali ag naa o ag alalika i yar obi! Kapmusuni! I sar te nga ag yota!!" ~Sinusumpa ko! Ang prinsesa ay hindi kailanman magiging prinsesa sa mundo ng mga tao! Siya ay magiging isang kakaibang nilalang na hindi kailanman makikilala kahit na sino man! Sinusumpa ko! Sa oras ding ito!!!~ Takang-taka si Lorben nang biglang magdilim ang kalangitan ng mundo ng mga tao. Anong nangyayari?! Pero hinayaan nito muna iyon. Ang mahalaga ay maisara nito ang lagusan. At parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang magiting na ore nang maglaho na nga ang lagusan. Subalit nang tingnan nito ang prinsesa ay wala na ito! "Saprea?!" ~Prinsesa?!~ Kinabahang luminga-linga sa paligid si Lorben ngunit hindi na nito makita ang prinsesa. Tanging ang hiyas nitong kinalalagyan ng mga Ardia (guardians) ang nakita nito sa kinahihigaan kanina ng prinsesa. Akmang pupulutin ni Lorben sana iyon nang bigla ay tamaan ng kidlat ang hiyas. "Aaahhh!" Hiyaw nang napatilapong binata. At ang hiyas ng mga Ardia (guardians) ay nakapagtatakang nagpalabas ito ng nakakasilaw na liwanag at nagkapira-piraso ng limang bahagi at nagkahiwala-hiwalay saka tumilapon sa kung saan-saang lugar..........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Sex Web

read
132.3K
bc

NINONG III

read
363.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook