PART 2

2080 Words
"Nagigising na siya!" "Tawagin mo na ang Ate Nica mo dali!" "Sige po!" Mga nag-uusap na mga boses na naririnig ni Lorben pero hindi naman niya naiintindihan. Kumurap-kurap siya dahil nasisilaw siya konti sa ilaw. "Iho, okay ka lang?" tanong ng boses matanda sa kanya. Naramdaman niya na hinawakan siya sa balikat. "Ito na po si Ate Nica, Lola!" tapos ay boses na naman ng lalaking bata. "Ano pong nangyari?" saka boses ng dalaga. "Tingnan mo siya Nica. Kukuha lang ako ng tubig at baka nauuhaw siya," sabi rin ng boses matandang babae at lumabas na ng silid. Tuluyan nang nagmulat ng mata si Lorben. At muli siyang nagtaka nang makita ang mga taong nag-uusap. Isang matandang babae. Isang lalaki na bata pa lamang at isang dalaga na sinisipat siya, chini-check nito ang kalagayan niya. "Kuya, anong pakiramdam mo po? Dadalhin ka na ba namin sa ospital?" tanong sa kanya ng dalaga nang sinubukan niyang umupo. At nagulat pa siya nang sobrang lambot ng kanyang kinahihigaan. Napatayo talaga siya. "Yap ay'n ata?! Yap atsa?!" ~Ano 'yan?! Bakit ganyan 'yan?!~ Takot na takot siya na tinuro ang kutson na kama. Ang hitsura niya ay parang lalabanan niya ang kama. Takang-taka na tinginan ang matanda, ang bata at ang dalaga na Nica ang pangalan. "Sabi ko na sa inyo, eh! Alien siya!" tapos ay tuwang-tuwa na sabi ng bata. "Estong, ano ba?!" saway ni Nica sa kapatid. Si Nica ay nursing student kaya alam nito ang ginagawa sa lalaking natagpuan nila sa rooftop ng apartment kagabi lang. At si Estong na bata ang nakakita dahil tyempong maglalaro sana ang bata sa rooftop ng apartment. Nakita nito si Lorben na walang malay roon. "Kuya, pasensiya ka na po sa kaya. May saltik po kasi ang batang 'yan!" hingi nang paumanhin ni Nica kay Lorben. "Saltik talaga? Eh, Ate damit pa lang niya pang-alien talaga, oh! Tapos salita pa niya, hindi maintindihan!" pero pagpipilit pa rin ni Estong na tinuturo-turo si Lorben. Ang damit kasi ni Lorben ay pangkawal. Naka-armor suit. Pasimpleng hinawakan ni Nica ang daliri ng bata at tinago sa likod. "Araaayyy ko, Ate!" angal ng bata. "H'wag niyo na lang pong pansinin ang kapatid kong 'to," tatawa-tawa pero napapangiwi na sabi ni Nica kay Lorben. Ngunit napapakunot-noo lang si Lorben. Hindi niya talaga maintindihan ang lengguwahe ng mga tao. Napalinga-linga siya sa paligid. Nasapo niya ang noo. Sa'n ba siya naroon? "Ahmmm.. May masakit ka po bang nararamdaman?" tanong ni Nica. Ikinababahala nito ang hitsura ni Lorben. Nagtaka na ang mga tao nang 'di pa rin sumasagot si Lorben. "Hindi ka niya maintindihan, Ate. Kasi nga iba ang salita niya! Kasi nga alien siya!" sabi na naman ni Estong. "Estong, ano ba?!" pinandilatan na ito ni Nica. Napalabi ang bata at tinikom na nga ang bibig. "Oh, ito tubig--" Nagulat ang Lola nila nang makita nitong nakatayo na ang lalaking tinutulungan nila. "Eh, bakit naman pinatayo niyo agad?" "Lola, alien nga po siya!" hirit na naman ni Estong. "Estong, 'pag hindi ka pa tumigil pipilipitin ko na 'yang bibig mo! Alien ka ng alien diyan! Ikaw ang gagawin kong alien gusto mo?!" babala ni Nica sa kapatid. "Nay o? Onisa oya?" ~Nasan ako? Sino kayo?~ Nang muling magsalita si Lorben ay sila naman ang napatanga. "Ano raw?!" Ang matanda. Kibit-balikat naman sina Nica at Estong. Literal na napanganga sila. "Alien nga!" Siko ng bata sa balakang ni Nica. "Mmmm!" Dahil do'n ay pinilipit nga ni Nica ang bibig ng bata. Ang daldal, eh. "Aray ko!" Tinabig ni Estong sa kamay ng Ate Nica nito. Nang bigla ay tumunog ang cell phone ni Nica sa bulsa nito. At anong gulat ni Lorben doon sa cell phone nang ilabas. Sa takot sa bagay na tumutunog na iyon at umiilaw ay tinawag niya ang kanyang ardia (guardian). "Ramwu a! Ardia Naber!" ~Lumabas ka! Ardia Naber!" Pagkasabi no'n ay nagliwanag ang hiyas sa kanyang dibdib. "Hala!" sambit ng makulit na si Estong. At ang matanda at si Nica ay napatanga na lamang. Namimilog ang lahat ng kanilang mga mata. Lalo na nang lumitaw sa likod ni Lorben ang isang napakalaking oso. Mabangis at umaangil na oso. "Waaaaahhhh!!" Gulat na nagtakbuhan na sina Nica, Estong at ang Lola nila. "Sabi ko naman sa inyo Alien 'yon, eh!!" ani Estong. Taranta sila sa pagbaba ng hagdanan ng gusali. "Bilis!" sabi na lamang ni Nica. Kasi sa nakita ay parang tama nga si Estong na Alien nga ang lalaki. Naniniwala na ito kay Estong. "Ano ba 'yong taong 'yon?! Nakakatakot!" sabi naman ng Lola nila na hingal na hingal na. Sa loob ng maliit na inuupahan ng maglo-lola ay lumabas si Lorben kasama pa rin sa likod niya si Ardia Naber. Pero nagtaka muna siya dahil isang maliit na nilalang ang lumapit sa paanan niya. Puting nilalang na parang maliit na oso. Napatitig siya sa malambing na nilalang na iyon. Paikot-ikot ito sa kanyang paa. Kinikiskis ang balahibo nito. "Asta a ida ag Ardia?" ~Isa ka bang ardia?~ tanong niya sa maliit na nilalang na iyon. Wala itong kaalam-alam na isa lamang iyong tuta. Aw! Aw! -Ang tinugon sa kanya ng maliit na nilalang. Ibang pananalita na naman na hindi niya maintindihan. Napakunot-noo ulit siya. At nang lumayo ang nilalang na iyon ay hinayaan na lang niya. Siguro ay isang mahinang Ardia iyon ng mga tao. Naging malikot ulit ang kanyang mga mata na inilibot sa hindi pamilyar na lugar sa kanya. Dapat siyang maging maingat pala rito sa mundo ng mga tao dahil kakaiba sila. May mga Ardia rin pala sila. Saka hindi niya alam kung ano ang mga taglay nilang kapangyarihan. Tuluyan na siyang lumabas. At anong mangha niya sa mga nakikita. Nakakapanigo. Bawat nakakakita rin sa kanya na nangungupahan din sa apartment na iyon ay hintakot na hintakot sa kanya. Natatakot ang mga tao sa Ardia niya. "Aaaahhh!" hiyaw ng mga tao kapag nakikita siya at ang malaking oso sa likod niya. At kapag akmang lalabanan niya ang mga ito ay mga nagtatakbuhan. Nag-unahan na ang mga tao sa paglabas ng gusali. "Ano 'yong tao na iyon? Bakit may oso siya?!" hiyaw ng mga tao. "Tumawag kayo ng pulis! Mapanganib ang taong iyon!" sabi ng iba. ••• "Kasalanan ko 'to, Ate! Sana hindi na lang natin tinulungan ang alien na iyon!" palatak ni Estong. Nasa labas na sila ng gusali. Mabilis na tinakpan ni Nica ang bunganga ng bata. "H'wag kang maingay! Hindi nila dapat malaman na tayo ang tumulong sa lalaking 'yon. Delikado tayo!" "Eh, bakit naman napadpad ang alien na iyon dito sa mundo natin? Diyos ko baka kukuha 'yon ng mga tao!" sabi ng Lola nila na panay ang antada. Hindi na umimik si Nica. May bumalik kasi sa ala-ala niya. At nakapa niya ang dibdib. Hindi kaya may kinalaman ang sekreto niya sa dibdib niya sa paglabas ng lalaking alien na iyon. Kahapon kasi habang naglalakad siya pauwi ay bigla na lang may tumama sa kanya na isang liwanag, parang bulalakaw. Para siyang nakuryente kaya napahiga siya at nagkikisay. At nang matapos iyon ay pagod na pagod siya at hinang-hina. At parang nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan. Hindi lang niya mawari kung ano 'yon. Nang umuwi siya at maliligo sana ay napansin na niya ang hiyas sa kanyang dibdib. Hiyas, na hugis dyamante at kulay asul. Sinubukan niyang tanggalin pero hindi na matanggal sa kanyang balat. Masakit kapag pinipilit niya. Tapos ay nawala iyon sa isip niya nang tawagin siya ni Estong dahil may lalaki raw sa rooftop na kailangan nilang tulungan. Ngayon lang niya naisip ulit. At sa kanyang pagkapa, batid niyang nasa dibdib pa rin niya ang hiyas. "Ate, okay ka lang?" pansin sa kanya ni Estong. Tila ba ay natauhan siya sa malalim na pag-iisip. "Estong, bantayan mo si Lola!" Pagkasabi niya 'yon ay patakbo siyang bumalik sa gusali. "Ate!" tawag sa kanya ni Estong. Pero nagbingi-bingihan siya. Kailangan niyang alamin kung may ugnayan ba sila ng lalaki na iyon. Kung may kinalaman ba ito sa hiyas na bigla na lang dumikit sa kanyang dibdib. ••• Tinago muna ni Lorben ang kanyang Ardia (guardian). Nakita niya kasi na mali ang kanyang sapantahang nauna dahil ngayon ay batid na niyang mahihina ang mga tao. Wala silang kalaban-laban sa kanya kung gugustuhin niyang makipaglaban sa mga ito. Naglakad ulit siya. Ngunit napansin niya na pabalik-balik lang siya sa lugar na iyon. Sa tingin niya ay hindi siya makakagalaw rito sa mundo ng mga tao kung wala siyang sapat na kaalaman tungkol sa mga nakikita niya sa lugar na ito. Magiging mangmang lamang siya. At kapag mangmang siya ay hindi niya mahahanap ang kanilang Saprea (Prinsesa). Naisip niya na bumalik muna sa kanilang mundo upang humingi ng tulong. Inilabas niya ang hiyas na susi ng lagusan. Alam niyang mapanganib ang bumalik pa sa Albayana. Ngunit kapag paiiralin niya ang takot ay lalong hindi niya mahahanap si Prinsesa Akial dito sa mundo ng mga tao. Paano niya mahahanap ang prinsesa kung hindi niya naiintindihan ang mga tao? At kung hindi niya gamay ang bawat pupuntahan niya sa mundong ito? Kaya nagpasya na siya. Itinaas niya ang hiyas. "Takul'g a!!" ~Magbukas ka!!~ Nagbukas ang lagusan. Para iyong ipo-ipong hangin na may iba't ibang kulay. At bago lumusong doon si Lorben ay humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga at tumingin sa paligid niya. "Na ak ganad'g, Saprea Akail! Kail'bsug te nekuri a ag nekuri!" ~Huwag kang mag-alala, Prinsesa Akail! Babalik ako at hahanapin kita nang hahanapin ano man ang mangyari!~ Pagkasabi niya no'n ay inihakbang na niya ang kanyang mga paa. Sa isang iglap ay hinigop na siya ng lagusan. Huli na nang dumating si Nica roon. Saktong pagsarado ng lagusan. Takang-taka na lang ang dalaga dahil hindi na nito makita sa kung saan ang binatang kakaiba. At makikita na, na nasa totoong mundo na niya si Lorben. Ngunit anong panlulumo ng magiting na Ore (mataas na mandirigma) nang masilayan ang bago ng hitsura ng mundong kinagisnan. Dahil tila isa na itong malawak na Onper (impyerno). Nagliliyab ang apoy sa sa iba't ibang bahagi ng Albayana! At tila ba uling sa kadiliman ang bawat makikita roon! "Tay'n kamasapa yoti?" ~Anong nangyari rito?~ nanghinang naibulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Hindi na ito ang mundo nila! Hindi na ito ang mundo ng Albayana! "Ore Lorben, aki atya?! Naa a i?!" ~Pinunong Lorben, ikaw ba 'yan?! Ikaw iyan, 'di ba?~ tinig na nagpalingon sa kanya sa likuran na naluluha sa nakikitang sinapit ng kanilang mundo. At isang lalaking parang taong grasa ang nakita niya. Nanlilimahid ito ng uling sa katawan. Kinilala niya ito. "Sawhe?! Aki ata?!" ~Sawhe?! Ikaw ba 'yan?!"~ aniya nang makilala na ang kawawang lalaki. "Ne Ore Lorben, kayi yota!" ~Oo pinunong Lorben, ako ito!~ Umiyak at yumakap sa kanya na sagot ng lalaki. Lalo siyang nanlumo. Naiyak na rin siya. Dahil si Sawhe ay isa mga magiting niyang alagad noon. Ito ang kanyang kanang kamay sa kanyang mga kawal. "Kanamay'g a a gayba a Ore!" ~Salamat at buhay ka pinuno!~ hagulhol ni Sawhe. Hindi pa rin ito bumibitaw sa kanya. "Kanapa yah g'noblu i oatta! Noab'n ka i Laha a Yena yah ara g'nmmel yaj i Saprea Akial!" ~Pumunta ako sa mundo ng mga tao! Inutusan ako ng mahal na reyna na itago roon si Prinsesa Akial~ paliwanag niya. Kumawala na ng yakap si Sawhe. "O yajsa gayba i Saprea, Ore?! ~Kung gano'n buhay ang prinsesa, pinuno?!~ Tumango siya ng sunod-sunod. "Ga a nidte" ~Mabuti naman~ At humikbi na naman si Sawhe. "Ne Sawhe! Meg Sawhe, tay'n kamasap yoti?! Yap ag neyotsa i g'nobu oya?!" ~Oo Sawhe! Pero Sawhe, anong nangyari rito?! Bakit ganito na ang ating mundo?~ "Nus i kamasapa yoti dupina id pokasa i malukuk'gna yota nairaha oya." ~Marami na ang nangyari simula nasakop ng itim na prinsesa ang kaharian.~ "Yotsa katrapa?!" ~Ganito kabilis?!~ Napamata sa kanya si Sawhe. Napakunot-noo ito sa kanya. Parang nagtataka. "Nema ona ag sa ka g'nea yaj g'nobu i oatta!" ~Kasi ilang oras pa lang ako sa mundo ng mga tao!~ Umiling si Sawhe. "Meg Ore, ona a nalu i sapilakaka! ~Pero pinuno, ilang buwan na ang nakakalipas!~ "Ay'n?!" ~Ano?!~ Naguluhan siya. "Ne Ore! Ona ag nenawa id pokasa i Albayana. Dupina id nawaa oya ne Saprea! Us ag ona a nenawa ag asudsud'g ima!" ~Oo pinuno! Ilang buwan na simula nasakop ang Albayana. Simula nawala kayo ng prinsesa! Kaya ilang buwan na rin kaming nagdudurusa!~ Napanganga siya sa nalaman at napaupo na parang nanghina. Nasabunutan din niya ang sarili. Paanong nangyari 'yon?! ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD